TAMA, sa mga kapamilya at ‘Marites’ na hindi pa updated, meron tayong space technology na pinakikinabangan at patuloy na pinauunlad.
Alam nyo bang nakagawa na tayo ng unang rocket o missile?
Tinawag na Bongbong rocket, syempre anak ng pumanaw na senior, dinescribe ito ng NASA na unang liquid-propellant rocket ng Pilipinas.
Pinakawalan ito sa ere nung March 12, 1972 sa Caballo Island malapit sa Corregidor.August 20, 1997 nang dineploy naman ang kauna-unahang Filipino-owned satellite – ang Agila 2 ng Mabuhay Satellite Corporation.
Dinala ang communications satellite na ito sa orbit ng- guess who – Chinese Chang Zheng 3bB rocket mula sa Xichang Satellite Launch Center sa Sichuan province.
Ginamit ito para mag-transmit ng broadcast television, telephone at data services.Sa maraming hindi familiar, alam nyo ba’ng nagkaroon na rin tayo ng kauna-unahang Pinoy astronaut – si Chino Roque noon pang 2013.
Napili siya mula sa 28,000 applicants at pasok sa 23 pumasa matapos ang matinding pagsasanay sa
AXE Apollo Space Camp at the Kennedy Space Center.
Si Apollo 11 astronaut Buzz Aldrin, pangalawang tao na nakatapak sa buwan, ang nag-announce ng selection kay Roque.
Graduate si Roque ng psychology sa De la Salle University at crossfit trainer-coach.
Bagaman naka-schedule ang kanilang sub-orbital spaceflight 2014-2015, hindi ito natuloy dahil nagkaproblema ang XCOR Aerospace nung 2017, kumpanyang mag-i-sponsor sana ng spacecraft na gagamitin ng Axe Apollo Space Academy.Pero sinasabing ang mas seryosong space technology development program ng Pilipinas ay nagsimula nung 2014 nang inilunsad ang Philippine Scientific Earth Observation Microsatellite program.
Sa apat na taon ng programa, ipinanganak ang Diwata-1 at Diwata-2 at nano o mas maliit na satellite, ang Maya -1 cubesat.
Ang Diwata-1 na dineploy sa space nung March 23, 2016 ay nanguha ng mga litrato araw-araw para ma-track ang paparating na bagyo. Collab ito ng scientists mula sa Philippines at Japan universities at nagre-enter sa atmosphere April 6, 2020 kung kelan nagtapos ang kanyang mission.
Ang Diwata-2 naman ay ginamit sa disaster relief operations, environmental monitoring at post-disaster assessment habang ang Maya-1 ay data collection system at tulong para ang text messages ay ma-send mula sa mga liblib na lugar.
Kung ang Amerika ay may National Aeronautics and Space Administration o NASA, may counterpart tayo na Philippine Space Agency o PhilSA.
Batang-bata pa lang ang PhilSA na ipinanganak August 8, 2019 sa bisa ng Republic Act 11363, the Philippine Space Act. Uy, may dapat pala ako ipagpasalamat kay Tatay Digong, lol!
Anyways, isa sa mandato ng PhilSA ang pangalagaan ang pambansang sovereignty, territorial integrity at right to self-determination.
Sa gitna ng nagiging marahas na engkwentro ng Pilipinas at China dahil sa panggugulo at agresyon ng China sa West Philippines Sea, magandang balita na nagsanib pwersa ang PhilSA at Philippine Coast Guard sa bisa ng Memorandum of Understanding o MOU nito lang June 11, 2024.
Nagkaisa ang PCG at PhilSA na magtutulungan silang paigtingin ang maritime security capabilities o pagbabantay sa ating teritoryo.
Palalalimin ng dalawang ahensya ang paggamit ng Space Science and Technology o SSTA para mapalakas ang Maritime Domain Awareness o MDA.Ayon sa International Maritime Organization, ang maritime domain awareness ay ang pag-unawa sa mga bagay na may kaugnayan sa mga nangyayari sa nasasakop na karagatan na makaaapekto sa seguridad, kaligtasan, ekonomiya o ng yamang dagat.
Ang gagawin ng PCG at PhilSA, kukuha at pag-aaralan nila ang mga imaheng mapipicturan ng satellite at space technology para makabuo ng epektibong estratehiya para sa maritime security ng Pilipinas.
Kaya kahit natutulog pa ang Diyos o nagkasakit si Darna, may mata na tayo sa outer space, may biglang ganun, lol!