Palakasan sa ayuda distribution

Bakit ba tuwing may lockdown, napakatagal at napakabagal makarating sa mga apektado ang mga ayudang pantawid na pagkain at cash assistance?

Kung tutuusin nga napakaliit na nga lang ng halaga ng ayuda, eh aabutin pa ng kung ilang buwan bago makarating sa mga beneficiaries.

Kung kelan malawak at malalim ang krisis dulot ng COVID 19, lumalabas na umiiral pa rin talaga ang palakasan, padrino, kamag-anak at kaalyansa system sa pamimigay ng ayuda.

Kaya ang marami sa taumbayan yamot na yamot sa kanilang local government unit na napaka-incompetent at inefficient.

Pano naman kasi, panalo sa halalan ang mayor o local government official hindi nama pala marunong at walang puso at malasakit sa mga constituents nila.

May LGU naman na puro incompetent at corrupt ang ipinuwesto ng mayor bilang gantimpala sa tulong na iniambag noong elections kahit na walang expertise sa position.

May mayor din naman na hindi kasundo ang barangay chairman kung kaya huli sa priority sa bigayan ang mga residente na nakatira sa barangay na iyon.

May sitwasyon din na dalawang beses nabigyan ng ayuda ang isang tao habang wala talaga sa listahan ang dapat na makinabang.

Nariyan din na magkaiba ang listahan ng mga beneficiaries ng barangay sa listahan ng city hall o municipal hall.

Dahil dito, asahan mo na unruly at restless ang mga taong naka ECQ.

Kaya napakaswerte ng mga mamamayan na may magaling at may malasakit na city or municipal mayor.

Biruin mo, wala pang ibinababa na perang pang ayuda mula sa national level, nagawan na ng paraan ng mayor na makapag-distribute na kaya madaling disiplinahin ang mga residente na manatili sa loob ng bahay.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected].