A paid 5-day mental health leave for workers bill is now being proposed at the House of Representatives.
Napakahalaga ng panukalang ito para sa mga manggagawa lalung lalo na sa mga panahon na ito na napakatindi ng pressure sa mga workers na magtrabaho upang maitaguyod ang pangangailangan ng pamilya at upang maigulong ang pag-andar ng ating ekonomiya.
Dahil sa tindi ng pressure, marami ang naglabasan na mga sakit sa katawan at pag-iisip. Dagdagan pa ito ng takot na mahawa ng COVID at magkasakit– paano na ang pamilya, pag-aaral ng mga bata, saan kukuha ng pambayad sa ospital?
Dobleng pressure ito para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho, nagsara ang kumpanya, nabawasan ang oras ng pagtatrabaho, naka floating o furlough, on-call at hintay na lang nang hintay sa tawag kung magtatrabaho muli.
Dahil sa mga stress at tensions na ito, may mga insidente ng suicide among the working breadwinners, nalulong sa mga bisyo o di kaya naman ay nabaon sa utang.
Bukod pa ‘yan sa mga stress caused by overfatigue resulting from deadlines, work failures or frustrations, friction with co-workers, or irresponsible bosses or superiors.
This is why the paid 5-day mental health leave is an important relief measure for workers in this extraordinary modernizing economy.
Pero huwag kayo umasa nang husto na mapapasa ito kaagad at ayon sa gusto natin na mga manggagawa.
May kutob kasi ako na baka higpitan ng mga employers and business owners ang qualifications bago ma-avail ng mga employees nila kung sakaling maaprubahan ito na maging batas.
Karamihan kasi ngayon sa mga employer ayaw ng mga ganitong privileges o relief ng mga manggagawa. Sinasabi nila lagi na napakadami na ng mga bakasyon o paid leaves ang mga manggagawang Pilipino na nakakaapekto o nakakabawas na sa kita o profits nila. Kailangan ipaglaban ito sa kongreso.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]