PETMALU talaga ang kapit ng negosyanteng si Dennis Uy sa presidente ng Pilipinas.
Saan ka nakakita, 90 percent ng pinagsamang shares ng Shell at Chevron ay nakopo ng dalawang kumpanya ng 4th poll biggest campaign contributor ni Duterte at crony niya na si Dennis Uy?
‘Yang dalawang companies na yan ay walang legal, technical expertise at financial capability para saluhin ang mga obligasyon ng Shell sa Malampaya, base na rin sa Senate investigation, ayon kay Senador Win Gatchalian.
Bwisit nga si Gatchalian dahil sabi niya, lutong Macau ang Malampaya deal nina Uy, Cusi at oil empires.
Nasara umano ang deal nang walang approval ng gobyerno na minamandato ng PD No. 87.
Ang Udenna ni Uy, ay walang experience sa exploration, extraction at production ng gas.
Alegasyon din na, ni pisong duleng walang inilabas si Uy sa pagbili ng Chevron shares na US$565 million.
Kaya nga kahit sino, iisipin na nakinabang si Duterte sa multi-billion-peso deal ni Uy sa Malampaya shares ng Chevron at Shell.
Isa pang nakapagtataka, alam naman ni Uy na mae-expire ang Malampaya service contract sa gobyerno sa 2024.
Ang mas nakakabahala, matutuyo na ang natural gas bandang 2027 hanggang 2029.
Tanong:
Bakit pilit pa ring binili ni Crony Uy ang shares kahit patuyo na ang Malampaya, at wala siyang pera at tolongges siya sa oil exploration, extraction at production?
Anong kabalbalan ito, Cusi at Digong?
Explicame mga sinvergüenza servidores públicos!
Tapos, nabuo ang UC Malampaya noong September 1, 2019, pero nakapagtransakyon na noong April 30, 2019.
Ano ba naging pakinabang ng Pinas sa Malampaya?
Ayon sa gobyerno, oil giants at Sen Gatchalian, Malampaya ang nagsu-supply ng 30 percent ng kuryente ng Luzon kasama rito ang may apat na milyong kabahayan.
Hamak na mas malinis at hindi nakaka-pollute ang natural gas kesa sa krudo.
Ayon sa DoE, hanggang December 2020, nagpasok ng $11.9 billion o katumbas na P 573 billion sa bansa ang Malampaya gas production facility.
At P325 billion dito ay napunta sa gobyerno.
Dahil dito na sa Pilipinas galing ang natural gas, hindi na tayo nag-iimport ng malaking volume ng langis sa ibang bansa kaya mas mura at nakatipid.
Nagbigay din ng oil subsidies ang Malampaya sa mga maliliit at mahihirap na kumukonsumo ng kuryente.
Noong August 8, 2019, pinirmahan pa nga ni Duterte ang Murang Kuryente Act (Republic Act 11361).
Dahil sa batas na yan, ₱208-billion mula sa Malampaya Fund ang pinambayad sa stranded contract costs at stranded debts ng National Power Corporation (Napocor) sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. o PSALM.
Mga consumer kasi ang nagbabayad nito na kasama ng buwanang Universal Charge (UC).
Syempre tiba-tiba ang kinita ng Shell at Chevron na parang sumisid ka sa dagat ng mga pera na umabot sa P350 billion.
Kung idadagdag ang nabawing kapital ng dalawang oil giants, aabot ang gross sa P650 billion.
Sigurado, kikita pa rin ng bilyones si Uy sa natitirang anim hanggang walong taon.
Tulad ng madudugang bilyonaryo, advance mag-isip si Crony Uy.
Kahit paubos na ang Malampaya natural gas reserve, gagamitin ni Uy ang pasilidad at pipelines sa inaasahang partnership sa China National Offshore Oil Corp. (CNOOC), magmimina ng langis sa Reed o Recto Bank.
Ang CNOOC ay isa sa Chinese firms na blacklisted kay US President Joe Biden.
Dati nang may kasunduan si Uy sa CNOOC para magtayo ng import terminal noon sanang February 2019 sa ilalim ng Tanglawan, subsidiary ng Phoenix Petroleum na pagmamay-ari rin ni Crony Uy.
Pero bulilyaso nga ang CNOOC nang ianunsyo ni Uy na bibilhin niya ang shares ng Chevron sa Malampaya noong October 2019.
Fast forward sa October 2020.
Isang linggo matapos ianunsyo ni Pduts na inaalis na ang moratorium sa oil and gas exploration sa West Philippine Sea, napag-isip-isip na ni former Supreme Court Justice Antonio Carpio na gagamitin ni Uy ang ang mga asset o pasilidad ng Malampaya tulad ng pipelines para daluyan ng mga langis na pwedeng sipsipin ng China sa Reed o Recto Bank papuntang Batangas.
Ang Recto Bank ay 85 nautical miles west ng Puerto Princesa at pasok sa 200-nautical miles Exclusive Economic Zone batay na rin sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Samantalang ang Recto Bank ay mga 800 nautical miles mula mainland China at pilit nilang isinisiksik 9-dash line na sumasakop sa halos South China Sea. Nakakatawa di ba?
Mas nakakatawa nang paboran ng Tribunal ang Pilipinas at i-award sa atin ang pagmamay-ari ng ating claim kasama na ang Recto Bank. Kaya ang China, olat, loser.
Sa estima ng Department of Energy ang buong Recto Bank ay merong 1.035 million hectares ng potensyal na langis, gas at condensates na nagkakahalaga ng $23.2 billion!
Kung matutuloy ang balak ni Uy, lalangoy siya sa super mega limpak-limpak na karagatan ng pera.
Maniniwala ba kayo na walang pakinabang si Duterte sa Malampaya deal ni Crony Uy?
Syempre hindi, lalo na’t biggest campaign donor niya si Uy na nagbigay lang naman ng 30 to 35.55 million peso-pesoses!
E kakandidato ngayon ang anak (Sara), ang tagabulong (Bong Go), at ang security guard (Bato) ng naghaharing oligarkiya.
Pwede bang walang ibabagsak na multi-milyon pisong donasyon sa kanila si Uy, syempre hindi.
E hanggang sa election 2022, sinasabing si Uy ang may-ari ng F2 Logistics na inawardan ng COMELEC na mag-deliver, transport at itabi sa warehouses ang equipment, peripherals, forms, supplies at paraphernalia sa May 2022 elections.
Kung patuloy na napapaboran si Uy, ibig sabihin tuloy-tuloy din ang pasok ng ganansya sa mga Duterte. Pwede? Pwede.
Kaya naniniwala ako sa sinabi ni Atty Rodel Rodis, isa sa tatlong complainants sa Shell-Uy-Chevron Malampaya deal, nang nag-guest siya sa WebForum ng National Youth Movement for West Philippine Sea (NYMWPS) nitong Lunes, October 25.
Binansagan niyang “most incredible crony” si Uy at “most incredible deal in history” ang Shell-Uy-Chevron Malampaya Deal.
Masasabi ko naman – mother of all business deals sa kasaysayan ang Shell-Uy-Chevron Malampaya deal.
Sadya ngang Most Favored Crony ni Duterte si Dennis Uy.
Most Favored Country naman niya ang China.
Kelan naman kaya magiging Most Favored People ng gobyerno ang mamamayang Pilipino?
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]