P142.7B insertion ni Chiz, nangangamoy na bulok na keso

ANONG petsa na ICI at COMELEC,  wala pa ring kulong?

Kahit deny to death si Chiz Escudero na meron siyang budgetary insertions, hindi pa rin nawawala ang nangangamoy na bulok na keso.  

Kung ano-ano’ng paandar ang ginagawa niya para matabunan ang kaso at mapakalma mga tao, sorry walang epekto.

Pinakahuli na yung nag-file siya nitong October 27 ng Senate Bill 1467 para magkaron ng Detailed Unit Price Analysis (DUPA) system para masigurong actual market costs ang nagre-reflect sa paglalaan ng budget sa infrastructure budget.

Ang problema, hindi tumatalab sa taumbayan ang mga paandar na yan.

Kasi, big deal naman talaga, lumalabas na pandarambong ang P142.7 bilyon insertion sa 2025 budget.

Sa report ng Vera Files, base sa nag-leak na 103-page document, nagsingit si Chiz Escudero na chair noon ng Senate finance committee ng P142.7 billion halaga ng mga proyekto sa 2025 national budget.

Tapos, idinistribute niya ito sa mga piling kaalyado at teritoryo:

P12 bilyon kay Joel Villanueva sa Bulacan na isa sa may maraming corrupt na contractor at isa sa pinakatalamak ang infrastructure projects corruption; 

P9 bilyon sa mismong probinsya ni Chiz sa Sorsogon at nahiya pa at ginawang second biggest insertion lang;

P7 bilyon kina Bong Go at Bato Dela Rosa sa Davao, ang connection kay Sara kaya nag-forthwith siyang harangin ang impeachment sa bise ninyo;

P3 bilyon para lang sa “Projects of Bong Go”, nagmukhang peke at pera naman ng taumbayan ang damdaming malasakit sa Malasakit project niya.

Tapos ang siste pa, hindi naman transparent ang bicameral conference committee deliberations, well, para nga naman makapag-insertion.

Nabisto pang tumanggap si Chiz ng P30 milyon campaign donation nung 2022 elections mula sa contractor na si Lawrence Lubiano ng Centerways Construction and Development Inc., na ipinagbabawal ng Omnibus Election Code. Wala naman daw siyang nilabag na batas at ang alam niya, personal money ang campaign donation.

Kaya kaduda-duda at inulan ng batikos at pinahiya ng netizens itong si Anthony Taberna dahil binanatan si Sen Risa Hontiveros na may budgetary kahit bumoto ng “NO” at hindi pumirma sa ipinasang General Appropriations Act noon.

E bakit hindi sinama ni Tunying sa banat ang number one waldas boy na si Chiz, then si Villanueva, etc?  May tinitingnan at may tinititigan.

Nito lang September 25 ambush interview, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nirekomenda na ng NBI na kasuhan ng indirect bribery at malversation of funds si Chiz, kasama si Nancy Binay, Leyte Rep Martin Romualdez, Zaldy Co, Bong Revilla, DepEd Usec Trygve at COA Commissioner Mario Lipana na nasasangkot sa flood control anomalies.

Lalo pa nadiin si Chiz nang ibinulgar ni dating DPWH Usec Roberto Bernardo nitong September 25, sa kanyang sworn affidavit sa Senate, na nag-deliver siya ng  20% o P160M mula sa cut na P800M halaga ng projects kay Escudero na inabot niya sa kaibigan at campaign contributor ni Chiz na si Maynard Ngu.

Ikinumpisal din ni Bernardo na tatlong beses siyang nakipag-meeting kay Chiz noong 2022 at 2023.

So, bakit hindi nakakasuhan si Forthwith?

Paniwala ng “bestie’ ni Chiz na si Atty. Jesus Falcis, kaya hindi pa siya nakakasuhan ay dahil iisa pa lang ang may testimonya laban kay Chiz, eto ngang si Bernardo.

Yun daw pinakasuhan ng Independent Commission for Infrastructure ay may mga testimony na pinatotohanan o corroborated ng iba pang testigo.

Sa dami ng dokumento at nakasabwat na tao laban sa lider-lideran ng budgetary insertions tulad ni Romualdez sa kamara, dapat mas madali pa ngang matimbog si Chiz.

Kapag ba napanis ang keso, ano ginagawa?