Hoy trolls, magtrabaho na, eto libre bash: Modular learning tayo ngayon!
Duwag-duwagan na naman ang peg ng magaling ninyong presidente.
Sa public address niya noong isang Miyerkoles, April 28, 2021, deklarasyon ni Duterte, “We do not want war with China. China is a good friend.”
Hirit pa niya, “Mayroon tayong utang na loob na marami pati ‘yong bakuna natin.”
Anyare?
Absent na naman sa sociology si Digong nang ituro na defeatist attitude ang utang na loob.
Alam mong walang asenso riyan, mega-ride ka talaga sa kahinaan ng mga Pinoy. Imbes basagin, idinidiin mo pa ang kaugaliang “utang na loob” sa kamalayan ng madlang pipol para forever loser, ganern?
Habambuhay tayo niyang nakatanaw sa pinagkakautangan natin ng loob imbes tumanaw sa tatakbuhin ng kinabukasan natin, ano ba? Kaya parating nadadapa eh hindi tinitingnan ang dinaraanan.
Isang milyong doses ng bakuna ang nilibre pero 25 milyon ang binili ng Pilipinas sa China. Buy 25 take 1 lang yan, hindi nga promo, at wala pang rider’s fee. Pinagloloko-loko nyo ba kami?
Iba pa riyan yung kapalit na pangangamkam ng China sa West Philippine Sea at paglimas ng yamang dagat natin at sa buong South China Sea. Lupet!
Higit sa lahat, sa China galing ang beerus kaya dapat libre lahat ng bakuna, bekenemen?
Nananakop na ng teritoryo, nagpakawala pa ng virus. Nadagdagan na ang ari-arian, tubong lugaw pa sa bakuna.
Kung tutulong tayo, tumulong nang walang inaasahang kapalit. Pwede namang maging thankful wag nang maging grateful.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected].