Nuclear at ‘fallout’

ANG isa pang peligrosong problema kay Marcos Jr., hindi lang kasaysayan ng kanilang pamilya ang pilit binabago – gusto pa nilang ulitin pati pagkakamali ng yumaong diktador na tatay.

Ang tinutukoy ko ay ang pagbuhay sa bangungot na energy technology kung tawagin ay nuclear power plant dahil sa power crisis.

Noong February hanggang April, 2009 sa bisa ng memorandum of understanding (MOU) ng National Power Corporation (NPC) and Korea Electric Power Corporation (KEPCO), pinag-aralan ang posibilidad kung pwedeng pangmatagalang option ang nuclear power sa lumalaking energy demand ng Pilipinas.

Pinagtibay ng inter-agency na binuo ng Department of Energy and the Department of Science and Technology ang resulta ng pag-aaral pati ang site safety review ng Bataan Nuclear Power Plant.

December 2012, ginawa itong basehan sa paglatag ng Philippine Energy Plan 2012–2030 ng Department of Energy (DOE).

Sa panahon ni Presidente Rodrigo Duterte, nabigyan ng pansin ang nuclear energy development.

Nagsimula yan ng naging host ang Philippine ng International Atomic Energy Agency International Conference on the Prospects of Nuclear Power in the Asia Pacific Region na pinangunahan ng DOE mula August 29 hanggang September 1, 2016.

Pagdating ng October 2016, inaprubahan ng DOE ang pagtatayo ng Nuclear Energy Programme Implementing Organization (NEPIO).

Read: https://www-pub.iaea.org/MTCD/Publications/PDF/cnpp2017/countryprofiles/Philippines/Philippines.htm

Pumirma naman ang Pilipinas noong 2019 ng cooperation deal sa Russian State Nuclear Energy Corporation (Rosatom) Overseas JSC.

Ito yung memorandum of intent on cooperation para magsagawa ng pre-feasibility study sa pagtatayo ng nuclear power plants sa Pilipinas na base sa small modular reactor (SMR) technology.

Iprinisinta naman noong March 2020 ni Energy Secretary Alfonso Cusi kay Duterte at Gabinete ang feasibility study ng Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC).

Read: https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/823687/philippines-to-sign-nuclear-power-study-deal-with-us-doe/story/?amp

Samantala February 19, 2022 nang unang pinalutang ng Marcos Jr. camp ang pagbuhay sa napigilang Nuclear Power Plant project sa Morong Bataan.

Sabi ng isa niyang adviser na si Jonathan dela Cruz, ninanasa ni Marcos Jr. na i-revisit ang “BNPP issue, because we’re talking about cheap and baseload power for our communities.”

Read: https://mb.com.ph/2022/02/19/bbm-to-revisit-bataan-nuclear-plants-repowering/?amp

February 28, hinabol at pinirmahan ni Duterte ang Executive Order (EO) No. 164, na nag-aatas na itaguyod ang nuclear power para tugunan ang suplay ng kuryente sa bansa.

Habang nitong March 2, 2022, inanunsyo ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. sa virtual Kapihan sa Manila Bay na makikipagkasundo ang Pilipinas sa Amerika para alamin kung pwedeng isama sa energy alternative ang nuclear energy.

Read: https://www.gmanetwork.com/news/money/economy/823687/philippines-to-sign-nuclear-power-study-deal-with-us-doe/story/?amp

Nitong March 8, sa gitna ng political campaign, iginiit nina Marcos Jr at Sara Duterte sa kanilang joint statement na ipu-push nila ang nuclear energy pag sila ay nanalo.

Read: https://www.bworldonline.com/the-nation/2022/03/09/435020/marcos-duterte-tandem-to-push-nuclear-power/?amp

At nito ngang May 23, nag-alok ang South Korea sa usap nila ni Marcos Jr. na i-rehabilitate ang 620-Megawatt BNPP sa Morong, 50 miles west ng Manila.

Read: https://www.powermag.com/philippines-may-restart-bataan-nuclear-plant-project/

Dagdag ni Marcos Jr, kailangang pag-aralang mabuti ang safety issues, pakinabang kumpara sa iba pang energy sources at tinatayang gastos na higit $1B at pag-upgrade sa lumang technology na aabot ng apat na taon.

Read: https://amp.france24.com/en/live-news/20220505-philippines-could-revive-nuclear-plant-if-marcos-wins-presidency

Ayan na naman tayo eh. Nagkamali na sa kasaysayan ang tatay, uulitin pa ng anak.

Daming depekto sa design, structure at lokasyon ang BNPP kaya itinigil ito sa sunod-sunod ding protesta ng mga tao. Trigger din ang Chernobyl nuclear power plant disaster.

Higit sa lahat pinagkakitaan ito ng crony ng diktador na si Hermino Disini.

Noong 1973 nang prinopose ni Marcos Sr ang pagtatayo ng nuke plant sa Pilipinas bilang isang solusyon sa energy crisis.

Sa pangkabuuan, ang Pilipinas ay nasa typhoon belt at dinadayo ng 20-21 bagyo kada taon.

Pasok ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire na karamihan ng lindol sa mundo at pagsabog ng bulkan ay nagaganap at nagdudulot ng malawakang pagkawasak at pagkamatay ng libo-libo.

Read: https://newsinfo.inquirer.net/507589/the-deadliest-natural-disasters-in-the-philippines/amp

Ayon sa International Nuclear Information System, nakaupo ang BNPP sa Napot Point na nasa southwest portion ng paanan ng bulkang Natib.

Ang Napot Pt. ay stratovolcano na 30 kilometers naman ang layo sa Mt Pinatubo – isa sa pinakamabangis na bulkan na itinala rin ng pinakadisastrous sa kasaysayan.

Habang ang Mt. Natib ay may tatlo nang explosive summit eruptions.

Read: https://inis.iaea.org/search/search.aspx?orig_q=RN:43045777

Sa independent na scientific study ng Filipino geologist Mahar Lagmay at team nung 2009 hanggang 2010 sa southwestern portion ng Mt Natib, nakumpirma nila na ang Lubao Fault ay nasa ilalim ng bundok at ang western side ay gumagalaw sa western direction ng 2.5 centimeters kada taon.

Batay yan sa excerpts ng pitong serye ng book project ni Kelvin Rodolfo, “Tilting of the Monster of Morong: Forays Against the Bataan Nuclear Power Plant and Global Nuclear Energy na inilabas ng Rappler nung June 9, 2021.

Dyan pa lang may scientific data na nagsasabing peligroso ang kinatatayuan ng BNPP lalo na pag lumindol.

Read: https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/opinion-lubao-fault-bataan-nuclear-power-plant-volcanic-threats/

Higit sa lahat, itong gatasan ng Westinghouse, ni Marcos at crony na si Herminio Disini na nagbroker ng planta sa gobyerno.

Nang sinimulan ito noong 1976, prinesyuhan ito ng Westinghouse ng $500M pero lumobo sa $2.3B nang natapos ito noong 1984. Inaward ng gobyerno ang project sa Westinghouse nang walang bidding document.

Read: https://verafiles.org/articles/vera-files-fact-sheet-sleeping-power-giant-bataan-nuclear-po?amp=1

Ang mga ebidensya ng pangungulimbat ni Marcos Sr ay natagpuan sa naiwang 2,000 pages ng financial documents nung March 20, 1986.

Read: https://www.washingtonpost.com/archive/politics/1986/03/21/marcos-papers-show-global-financial-web/3828ae83-ba50-47ab-8f6a-ad90f144a747/

Idinemanda ng gobyerno ang Westinghouse sa US court pero natalo. Ganun din si Disini.

Read: https://opinion.inquirer.net/146094/disini-to-pay-damages-in-bnpp-suit/amp

Noong June 15, 2021 decision, inutusan ng Supreme Court si Disini na bayaran ang gobyerno ng Pilipinas ng P1B sa naging papel niya sa Westinghouse BNPP construction deal.

Pitong taon after ng SC ruling, pumanaw si Disini noong 2014.

Umabot ng 38 taon o halos apat na dekada na mula nang natapos ang BNPP, natapos lang bayaran ng mga Pilipino ang mga utang noong 2007.

Nagbayad ang gobyerno ng P64.7 billion (P43.5 billion sa principal amortization at P21.2 billion sa interes) sa nuke plant na hindi nakapag-generate ng kahit isang watt ng kuryente.

Read: https://verafiles.org/articles/vera-files-fact-sheet-sleeping-power-giant-bataan-nuclear-po?amp=1

Pinagnakawan na, ipapahamak pa ang taumbayan sa panganib na kakambal ng operasyon ng BNPP.

Balak pang ituloy ngayon ng anak.

Kahit i-rehabilitate pa yan, o mag-upgrade ng disensyo at structural condition, nananatiling buhay na peligro ang Bataan Nuclear Power Plant.

Ito’y dahil nandyan pa ang bulkan at earthquake fault.

Hindi rin ito makakalutas sa problema ng climate crisis, tulad ng pagbawas ng carbon dioxide emission at lalong hindi ito alternative o renewable energy.

Ang pagmimina kasi ng uranium na fuel ng nuclear plants at ang milling, plant construction at decommissioning ng planta ay nagsisingaw ng carbon dioxide.

Read: https://powerphilippines.com/pros-cons-reopening-bataan-nuclear-power-plant/

Higit sa lahat, wag nating kalimutan ang 5 worst nuclear power plant disasters sa kasaysayan:

1. Chernobyl Nuclear Disaster sa Ukraine, 1986;

2. Fukushima Nuclear Disaster. Japan 2011;

3. Kyshtym Nuclear Disaster. Russia 1957

4. Windscale Fire Nuclear Disaster. Sellafield, UK 1957

5. Three Mile Island Nuclear Accident. Pennsylvania, USA 1979

Sa palagay ko, hindi na lang nuclear fallout ang meron sa kasaysayan, kundi fallout na lumason sa kaisipan ng mga sumunod na henerasyon ng mga Marcos at Duterte.