MARIIN nating kinokondena ang “no vaccine, no wage” policy o ang hindi pagbibigay ng sahod ng mga employers sa kanilang mga manggagawa hangang hindi pa nagpapabakuna ang mga ito laban sa COVID19 vaccines.
Ayon sa reklamo ng mga manggagawa na ating natanggap, pinagsabihan sila ng kanilang supervisor at ng human resource director na hindi muna ibibigay sa kanila ang kanilang sahod hanggang hindi sila nagsusumite ng vaccination card na nagpapatunay na nagpabakuna na sila ng COVID19 vaccines.
At ang makakatanggap ng sahod at mga benepisyo ay yun lamang mga nagpakita at nagsumite ng mga vaccination cards na nagpapatunay na bakunado na sila ng COVID19 vaccines.
Ang pag-withhold ng mga sahod ng manggagawa habang hindi sila nagpapakita ng vaccine cards ay isang krimen gaya ng wage theft o pagnanakaw ng sahod.
Wage theft is an employer’s unfair labor practice of withholding worker’s wage and denying employees’ full compensation under the law for the work performed or rendered.
Other forms of wage theft include paying less than the minimum wage, not paying workers’ overtime work, not allowing workers to take a meal and breaks, and taking workers’ tips.
Ang “no vaccine, no salary” ay isa ring uri ng discrimination at isang uri ng direktang paglabag ng batas at pagyurak sa karapatan ng tao.
Walang batas o regulasyon na nagpapahintulot na i-withhold ang sahod at mga benepisyo ng mga manggagawa nila. Ito ay isang krimen gaya ng wage theft, isang discrimination, at pang aabuso sa mga manggagawa.
Dapat na magsagawa ng mga labor inspections sa mga natukoy na kumpanya at patawan ng parusa ang umabuso. Natatakot kasi na lumantad at maghain ng reklamo ang mga manggagawa. Baka sila ay tanggalin sa trabaho o kaya naman ay pag-iinitan ng kanilang employer.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]