INULAT ng Quezon City local government na umaabot sa higit 11,000 traffic violations ang kanilang naitala sa mga unang linggo ng implementasyon ng no contact traffic apprehension.
Ito yung mga kuha ng mga CCTV na nagbabantay sa mga pasaway na motorista.
Ang mga violator ay padadalhan ng kopya ng kanilang violation notice sa address kung saan nakarehistro ang sasakyan.
Ipinatutupad na rin ito sa Maynila, Valenzuela City, Paranaque at San Juan.
Malaking problema ito sa mga hindi techie na vehicle owners lalo na kapag hindi nakapangalan sa kanila o hindi pa naililipat sa kanilang pangalan ang rehistro ng sasakyan.
Dun kasi ipadadala ang notice sa address kung saan nakarehistro ang isang partikular na sasakyan.
Kaya ang payo ko sa mga nasa ganitong sitwasyon ay ugaliing i-check online ang status ng inyong mga sasakyan na available laban naman sa mga no contact traffic violation page ng mga LGUs na nag-adopt na sa sistemang ito.
Ilagay lamang ninyo sa search box ang plaka ng inyong sasakyan at pwede na ninyong makita doon kung kayo ay may violation at detalye kung saan ito pwedeng bayaran.
Napansin ko rin na maraming traffic lights ngayon ang hindi na gumagana ang mga timer kaya mas prone ito sa huli gamit ang mga CCTV.
Malaking tulong ang timer para matantya ng motorista kung sya ba ay tatawid o
maghihintay na lamang na magpalit ng kulay ang traffic light kaya ingat po tayo sa mga intersections.
Ginagamit na trap ng ilang traffic enforcers ang pagpapalit ng ilaw sa ilang traffic lights para makapangotong sa mga motorista.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa admin@pinoypubliko.com