ISANG linggo na ang nakalipas matapos ang pagpasok ng 2025.
May New Year’s Resolution ka ba?
May gusto ka bang ma-achieve ngayong taon na ito? Ano ang goal mo? Mga to-do list?
Kasama ba ang character development sa mga goal mo? Ang mag-ipon para sa retirement mo o pang- emergency fund?
Maraming maaaring mangyari sa mga susunod na araw. Hindi natin masasabi kung anong sakuna o sakit o trahedya ang ating kahaharapin.
Mabuti sana kung laging good news. Pwede naman natin i-claim yan. Think positive lang.
Pero huwag natin kalilimutan na maraming magaganap sa larangan ng politika.
Ipagpapatuloy ang House QuadCom hearing at may House Quinta hearing na interesting din ang mga ganap.
Ang napipintong impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at iba pang kaso na maaari niyang kaharapin. Ngayon alam na natin kung bakit ayaw mag-oath ni VP Duterte, dahil hindi niya masagot ang mga tanong saan talaga napunta ang P125 million Confidential Funds.
Ang napaka-suspenseful at inaabangan na arrest warrant ni dating pangulong Rodrigo Duterte, at mga kaalyado nito, mula sa International Criminal Court.
Huwag din natin kalimutan na ipamimigay ni Senator Cynthia Villar ang lupa raw nila kung susuportahan at iboboto ang mga Villar sa anumang posisyon na kanilang tinatakbuhan. Humanda ang mga taga Las Piñas sa mga tantrums niya pag hindi sila nanalo.
Nariyan din ang muling pagtakbo ng mga Duterte apologists. Manalo pa kaya sila?
Sa nalalapit na May 2025 midterms elections, alalahanin nating lahat ang mga naganap noong mga nakaraang taon.
Sino ang karapat-dapat na iboto para maging maayos na ang pagbigay ng serbisyo.
Sana naman, nakita na natin kung anong klaseng ugali, talino, at paninindigan mayroon ang mga politiko sa mga nagdaang Senate at House hearings.
Nakita na natin sino-sino ang mga corrupt, manggagamit, apologists, at mga walang kwentang politiko.
Huwag na natin silang muling iluklok. Dahil tayong taumbayan ang kawawa.
Damay-damay tayo sa paghihirap kung muling pipiliin mga walang kwentang politiko.