Missing narrative: Russia kinuyog

SOBRANG nakakabigla ang pinakamataas na sipa ng presyo ng langis kahapon, Miyerkoles, March 8, pang-12 araw ng gyera ng Russia sa Ukraine, International Women’s day din kaya nakasimangot ang mga nanay at yung nga gumagastos sa LPG.

Ang balita pa, kung titindi pa ang labanan, tataas pa lalo ang bentahan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Kung dahil lang sa nakakasakal na oil price hike na ito na idinulot ng gulo sa Eastern Europe, sige, nakikiusap na ako, itigil n’yo na yan okey? Nakuha n’yo na ang world attention, mga papansin.

Pero sabi nga ni Alexander Pope sa kanyang “An Essay on Man”, hope springs eternal.

May gustong magpaasa.

Sa bakbakang Ukraine at Russia, lalong nabigyan ng buhay ang pag-asa nang mag-alok ang Russia ng ceasefire nitong Lunes bilang humanitarian move sa mga gustong mag-evacuate papuntang Russia at Belarus.

Pero sa report ng NBC News, ni-reject ito ni Mykhailo Podolyak, adviser ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy, dahil “propaganda corridors, not humanitarian ones,” daw ang binubuksang ruta ni Russia President Vladimir Putin.

Read more: https://www.nbcnews.com/news/amp/rcna18936

Kaya nag-counter proposal ang Ukraine na magbukas ng daanan para sa mga gustong lumipat sa western countries.

So tengga muna tayo sa mangyayari.

Sana lang, bilis-bilisan ng Ukraine at Russia magdesisyon, dumarami na ang namamatay, at umaaray na ang ekonomiya ng mundo na tinamaan ng mahal na bentahan ng langis ng Russia.

Sabi ng UN nitong Lunes, meron nang 406 civilians ang namatay mula Feb. 24 hanggang nitong Sunday, kasama na riyan ang 27 bata.

Pero syempre hindi madaling mahinto ang gyera na gawa nang mahigit walong dekadang girian, gulangan, dayaan, people power, intel at counter-intel work, economic sanctions, takutan, atbp.

Bago ang lahat, magandang malaman na noong 1941-1945, mahigpit na nagtulungan ang US at Soviet Union laban kay Hitler.

Ito’y kahit asar na ang US sa Soviet Union dahil nakipagkasundo ng non-aggresion sa NAZI Germany nung 1939 at mga sumunod na paglusob ng Russia sa Poland at Finland.

Hindi rin kinilala ng US ang hirit ng Soviet na irespeto ng Amerika ang pagbabago sa border nito dahil nadagdag ang Baltic Republics, Romania at iba pa sa saklaw nito.

Noong 1949 unang binuo ng US, Canada at European allies ang military alliance na North Atlantic Treaty Organization o NATO.

Read: https://www.nato.int/wearenato/why-was-nato-founded.html

Para silang mga security guard na babantayan ang ganansya ng Amerika at kaalyado sa mga bansang nasakop at nakaalyado nila sa World War 2.

Alam naman siguro nating lahat na ang World War 1 and 2 ay gyera ng superpowers na nag—agawan ng mga teritoryo at bansang masasakop o kaalyado.

Ang mga bansang nasakop o nakaalyado kasi ng superpowers gaya US, tulad nang ginawa nito sa Pilipinas ay supplier ng natural resources at raw materials na kailangan nila para umunlad sila habang busabos at palaasa tayo kay Uncle Sam.

Inalok nila ang Union of Soviet Socialist Republics o USSR noon na sumali pero nagpakipot sila dahil gusto lang daw mag-flex ng muscle ang US at pahinain sila.

Ang USSR ay binubuo ng 15 republika na may kanya-kanya ring pag-uugali.

Gayunpaman, nag-apply din ang USSR na magmember, bagay na tinurn down ng US dahil duda sila sa intensyon ng Russia.

Dahil dyan, binuo ng USSR ang Warsaw Pact noong 1955 bilang pantapat sa NATO ng US at western allies.

Read: https://www.esquiremag.ph/politics/news/russia-ukrainian-conflict-explainer

Naging turning point sa kasaysayan ng pulitika ng Soviet Union ang pagtanggal kay Nikita Khrushchev noong 1963.

Nagsimulang dumistansya ang Political Bureau o Politburo ng Soviet Union sa vision ni Vladimir Lenin.

Si Lenin ang founder ng Russian Communist Party, leader ng Bolshevik Revolution of 1917 at unang presidente ng Soviet state.

Paniwala ni Lenin, kailangang mabuo ang pamumuno ng mga manggagawang sa iba-ibang parte ng mundo may malalim na pagtanaw at bisyon ng lipunan para maitaguyod ang komunismo – ang pagkakapantay-pantay ng mga tao.

Sa pag-atras ng Soviet Union sa paninindigan ni Lenin, bandang 60s at 70s ay tumabo ang yaman at lumakas ang kapangyarihan ng mga naghaharing elitista.

Kasabay nito, nagkandamatay sa gutom ang mamamayan at nakinabang sa karangyaan ang Politburo.

Bandang 80s, habang huminhina ang kapit ng Soviet Union sa communist ideology, nagpapalakas at nagpapalawak pa ng kapangyarihan ang US at western allies.

Meron pa ngang informal talks na hindi magpapalawak ang NATO kapag iwan ang Soviet Union ng kanyang mgq alyado.

Nagbuhos ng malalaking military spending ang noon ay US Pres. Ronald Reagan pati sa research ng mas malulupet at mas deadly na armas pang-gyera.

Pinababa ng Amerika ang presyo ng langis sa world market kung saan third larger producer sa mundo ang Russia, una ang US at pangalawa ang Saudi.

Kapag mura at mahina ang benthan ng langis, hihina ang ekonomiya at dito nagsimula gumewang ang Russia.

Hanggang nung isang taon, sina-supply ng Russia ang may 8% ng petrolyong kailangan ng US.

Sa pagpasok ni Mikhail Gorbachev sa liderato ng Soviet Union noong 1985 at naging presidente ng Soviet Union noong 1990-1991, lalo pang nabago ang political landscape ng Soviet Union.

Nag-decentralize siya ng pamumuno ng ekonomiya na sinasabing nagdulot ng pagkakawatak-watak ng Soviet Union noong 1991.

December, 1991, na-dissolve ang Warsaw Pact.

Ang breakup ng Soviet Union noong 1991 ay epekto rin ng pagsigla ng sinasabing nationalist movements sa Eastern Europe noong 1989 na nagdala ng pagbabago sa Poland, Czechoslovakia, Yugoslavia, and the Soviet satellites in Eastern Europe.

Samantala, pagdating ng May 1996, nai-turn over na ng Ukraine ang armas nuklear nito sa Russia na umabot ng halos limang taon.

Read: https://www.nytimes.com/2022/02/05/science/ukraine-nuclear-weapons.amp.html

Sa pagtitipak-tipak ng Yugoslavia, nabuhay ang pagnanasa ng NATO na magpalakas laban sa Soviet Union.

Nag-air strike ang US at NATO sa Belgrade, Serbia noong 1999 nang walang UN Security Council approval.

Read: https://www.politico.com/story/2019/03/24/this-day-in-politics-march-24-1231269

Nasaksihan ang pagputok ng gyera sa Europe na pinasimulan ng US at NATO forces.

Pagdating ng 2000s, nagising na lang ang Russia na kontrolado na ng NATO ang Baltic republics, Poland, Romania, Czechia, Slovakia, at Slovenia; lahat ay dating kasama Warsaw Pact.

Naalarma dito noon si Putin – napalibutan na siya ng NATO allied forces.

Ayon kay John J. Mearsheimer ng University of Chicago International Policy Program, target na ng US at European allies nito na ilayo ang Ukraine sa orbit ng Soviet Union at isama sa kanilang hanay.

Read: https://youtu.be/JrMiSQAGOS4

Sa kalagitnaan naman ng 2000, nagkagulo sa Ukraine at naupo ang pro-Western government.

Bago mag-August 2008, sinasanay naman ng US military advisors ang mga pwersa ng Georgia.

Syempe nairita na naman ang Russia at tiningnan na panghihimasok ito sa bansang saklaw ng kanilang impluwensya.

Sa pakikiaalam ng US at NATO, nagdeklarasyon ang Kosovo ng independence at naging banta ito sa Russia.

Pag-apak ng August 2008, sinalakay ng Russia ang Georgia nang pinaputukan ng Georgian troops ang Russian peacekeepers sa South Ossetia.

Ang paglusob ng Russia ay pag-giit nya ng kapangyarihan sa dating impluwensyadong bansa.

Tumindi ang tensyon nung 2013 nang ang pro-Russia government ni Victor Yanukovych ay prinotesta dahil hindi niya itinuloy ang integration sa Europa.

Pinatindi ito ng pagkilala ni Putin sa dalawang region na kung tawagin ay Donbaas – ang Donetsk at Luhansk, na nagsimulang humiwalay sa Ukraine noong 2010.

December 2013 nag-alsa ang mga tao sa Independent Square o “Maidan” kaya binansagang Maidan Protests.

Pagdating ng Pebrero, pinatalsik ng parliament ng Ukraine ang pro-Russian leader.

March 2014 bumoto ang Crimea na pumapabor sa unification sa Russia at kinontrol ng Russia ang Ukrainian military bases

Read: https://amp.france24.com/en/europe/20220228-from-the-maidan-protests-to-russia-s-invasion-eight-years-of-conflict-in-ukraine

April 7, 2014 pumutok ang gyera sa Donbas region ng Eastern Ukraine. Nagdeklara sila ng independence sa Ukraine at tinawag itong Donetsk People’s Republic.

Ang Donbass ay abbreviation sa Donets Coal Basin na may dalawang renegade “oblasts” o provinces na kontra sa West Ukraine – ang Donetsk at Luhansk.

Hindi nila tanggap ang pagpapatalsik ng Ukraine sa ibinoto nilang presidente na sinulsulan at tinulungan ng US at NATO.

Rumesbak ang Kyiv capital ng Ukraine at naglunsad ng umano’y anti-terrorist operation at nagpadala ng militar kasama ang militias.

May 11, 2014, nagwagi naman ang yes votes sa Donetsk at Luhansk referenda para sa kanilang kalayaan sa Ukraine.

Sumunod na buwan ng June 2014, sumabak sa laban ang Azov Battalion, isang neo-NAZI white supremacist group sa Donbass na sinasabing may kinalalqmqn qng US at NATO.

Read: https://www.globaltimes.cn/page/202203/1254217.shtml

Nasangkot ito sa maraming kaso ng pag-torture at war crimes na ikinabahala ng Russia.

Sa pagitan ng 2014 at 2015, nagpirmahan ang mga nag-aaway ng Minsk Protocols tungkol sa pagpapalaya ng prisoners of war, ceasefire at posibleng peace process.

Hindi naman ito ganung sinunod ng magkabilang panig lalo na ng Ukraine.

Mula nung 2014 hanggang bago lumusob ang Russia, patuloy ang shelling ng Ukraine sa Donbass.

Ayon sa United Nations, mahigit 14,000 na ang namatay sa military attacks ng Ukraine sa Donbass.

Ang nakakalungkot, nangyayari ang patayan sa Donbass nang hindi ganung nalalaman ng buong mundo.

Kung hindi pa lumusob ang Russia sa Ukraine, hindi mabubulgar ang karumal-dumal na mga pagpapasabog ng Ukraine sa Donbas sa tulong ng US NATO at neo-NAZI forces. News blackout ang western media.

Tumagal ang labanan ng pitong na taon hanggang bago nag-military operation ang Russia sa Ukraine.

Nitong Pebrero 21, 2022, pormal na kinilala ng Russia ang independent republics ng Donetsk at Luhansk.

Read: https://amp.dw.com/en/russia-recognizes-independence-of-ukraine-separatist-regions/a-60861963

Tulad ng inasahan, sinugod at ginyera ng Russia nung sumunod na mga araw, Pebrero 24, 2022.

Ayon sa Reuters. inireport ng Russian media nung Linggo na ang Ukraine ay gumagawa ng plutonium-based “dirty bomb” nuclear weapon bagaman walang binanggit na pruweba.

https://www.businesstoday.in/amp/latest/world/story/ukraine-making-nuclear-dirty-bomb-in-chernobyl-claims-russia-324909-2022-03-06

Pinasok ng Russia ang Ukrainw para protektahan ang mga tao at target ng Kremlin na demilitarization at de-Nazification ng Ukraine.

Kung susumahin ang Russian narrative sa paglusob niya sa Ukraine ay may malalim na hugot sa nagdaang walong dekada.

Sinamantala ng US at NATO ang pagkakawatak-watak ng noon ay Union of Soviet Socialist Republics o USSR, nagpalawak ng kapangyarihan, pinasok ang dating Russian allied republics at pinalibutan ang Russia ng nuclear missiles.

Naging banta sa Russia, na lumago na rin bilang kapitalistang bansa, ang pagbubuo ng US ng empire sa buong mundo.

Ang naging military operations ng Russia ay pagbabalanse sa naipong lakas ng US at western allies.

Sa makabagong panahon, wala nang puwang ang anumang klase ng paghahari ng malalakas na bansa tulad ng US, Russia o China sa pamamagitan ng war of aggression lalo na sa mas mahihinang bansa.

Ang China nga hindi man gumagamit ng sandatahang lakas, at direktang war of aggression sa mga kaaway na bansa, nambubully at binabastos ang teritoryo ng Pilipinas na parteng sumasakop sa South China Sea.

Sa kaguluhan sa Ukraine, parehong sabit ang US, NATO at Russia.

Pero base sa kasaysayan, lumalabas na mas agresibo ang panggigipit, panghihimasok, panunulsol at pakilidigma ng US sa mga karibal na makapangyarihang bansa tulad ng Russia.

Kaya sana lang, tumigil na kayo bago ako naman ang mapikon sa inyo noh.

Grabe na itinaas ng presyo ng langis dahil sa inyo.

Nakakapagod kayo isipin, ka-stress, haizt!

Umayos kayo mga pahirap.

(Salamat kina Jerome Fadriquela at Nonoy Bulanadi sa 12 araw ng research at discussion.)

Other References:

Wionews

https://www.wionews.com/topics/russia-ukraine-crisis/amp

Wionews

Wionews

DW

https://amp.dw.com/en/russia-recognizes-independence-of-ukraine-separatist-regions/a-60861963

George Galloway

Gravel Institute

Wilson Center

https://www.wilsoncenter.org/blog-post/ukraines-presidents-power-elites-and-countrys-evolution

Vox

https://www.vox.com/platform/amp/2014/9/3/18088560/ukraine-everything-you-need-to-know

Vox

https://www.vox.com/platform/amp/22917719/russia-ukraine-invasion-border-crisis-nato-explained

The Grayzone

The Indian Express

https://indianexpress.com/article/explained/why-ukraine-gave-up-its-nuclear-arsenal-7797562/lite/