BUHAY NA BUHAY ang career ni Marites ngayong pandemic.
Kaliwa’t kanan kasi ang blunders at mga milagro na ginagawa ng ilang pabibo at bida-bidang government officials na kumukurap-kurap at uma-unli fools kaya tumi-trending.
Ang media na nagbabalita, ay balita rin parati dahil sa press suppression na may iba-ibang mukha at porma.
Sa mga kumukurap-kurap, tuma-topnotcher ang Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).
Namili sila ng 39,583 DepEd laptops sa halagang P2.4 billion pero slow at outdated naman, kahit merong mas mura at mabilis, pahirap sa teachers.
Nabudol ang mga nagbabayad ng buwis dyan nung May 2021, Duterte admin yarn.
Mula P35,046.50 original request ng DepEd, tumaas ang presyo sa P58,300 na pinayagan namang bilhin ng departamento.
Hashtag Never Forget, PS-DBM din ang sangkot sa humongous P11bilyon Pharmally scandal, again, nangyari rin sa Duterte administration.
Namumuro. Taga-budget na naturingan pero wagas na waldasero. Grabe siya.
Pinakabago at developing story naman ang illegal sugar imports resolution.
Nung August 9, naglabas ng Sugar Order 4 ang Sugar Regulatory Authority na mag-i-import ng 300,000 metric tons ng asukal na pinirmahan ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian on behalf of Marcos Jr. at tatlong iba pa.
Pero nilaglag sila ni Marcos Jr at itinangging inuutos niyang mag-angkat ng asukal.
Tumatayo kasing chair ng SRA si Marcos Jr at siya dapat ang nagpatawag ng board at pumirma ng resolution.
Si Sebastian ay dating chief of staff ni dating Secretary William Dar at nung July ay binigyan siya ni Executive Secretary Vic Rodriguez ng power para pamunuan ang procurement at operations units ng agriculture department.
Nag-resign si Sebastian na sinundan nina SRA Administrator Hermenegildo Serafica at Board member/ millers’ representative, Roland Beltran na parehong pumirma sa illegal resolution.
Nagtataka nga ang sugar millers at workers dahil by end of August, milling time na at tiniyak ng Palasyo may sugar inventory pa hanggang katapusan.
Kahit magtataho, iisiping gusto nilang mangurakot.
Ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict naman kasama na si dating spokesperson Lorraine Badoy, namakyaw ng mare-red tag at isa sa mga biktima na nga ang news website Bulatlat.com.
Sa documentation ng Altermidya, Bulatlat at Pinoy Weekly, May 12, 2020 sila sinimulang trabahuin ng TF-ELCAC although matagal na silang idinidikit sa CPP-NDF-NPA ng mga nagdaang administrasyon.
Pinaka-ending na nga ay nang ipablock ni dating head Hermenegildo Esperon sa National Telecommunications Commission na i-block ang websites ng 28 entities kasama na ang Bulatlat at Pinoy Weekly.
Lumalabas ang pattern ng red-tagging campaign ng Elcac ay susundan ng actual pagcensor sa critical nedia.
Ang NTC naman, bida-bida, nawiwiling mag-power trip.
E, isa pang bunch of fools na sunud-sunuran, to make the story short, inutos ng korte na tanggalin ang pagkaka-block sa Bulatlat. Ang power trip naging power trip failure.
Maski naka-block ang Bulatlat, naka-upload pa rin ito at nababasa ng Ka-Publiko, salamat sa digital secirity experts at tinitiyak na free at accessible ang Internet.
Pero hindi lang website blocking ang panggigipit ng gobyerno.
Si Sherwin de Vera, managing editor ng Northern Dispatch sa Baguio, inakusahang dating political officer ng NPA nito lang August 12 sa isang FB post ng isang Allen Dondon with matching photos nina dating DSWD Sec Judy Taguiwalo at dating Bayan Muna Rep. Carlos Zarate. Saktong Youth Week Celebration at speaker siya.
Dati na siyang pinakulong ng 41st Infantry Battalion sa mali-maling parating pero walang ebidensya kaya inutusan ng korte na pakawalan.
Kasama rin si De Vera sa listahan ng mga pinetisyon ng DoJ nung 2018 para ideklarang mga terorista ang CPP at NPA.
Noong 2019 tinanggal din ang pangalan niya sa listahan.
May iba ring mukha ang press suppression.
Mukhang bumibida riyan si Press Secretary Trixie Angeles.
Dinenay niya ang accreditation ng Hataw reporter na si Rose Novenario.
Ilang presidente na hanggang sa pagbalik ng Marcoses sa Palasyo ang kino-cover niya.
Conduct unbecoming daw at nagsasalita ng bad words sa mga opisyal ng Malacańan base sa screenshots ng MPC viber group.
Hinamon ni Hataw Managing Editor Gloria Galuno Mercader na ipakita ang resibo ng conduct unbecoming.
Nagkaisa at nanindigan ang Malacańan Press Corps para kay Rose.
Pinapaklaro nila ang mga sinasabing violation ni Rose, basehan at ayusin ang sistema sa pagpapaabot ng mga basehan.
Mananatiling member si Rose ng MPC.
Nanawagan din ang National Union of Journalists of the Philippines, na linawin at malabo at maayos na iproseso ang accrediation system.
Sa diwa at ipinatutupad na self-regulation ng Philippine media, dapat nagproseso at ipinaalam ni Angeles sa MPC o sa Hataw ang problema
Pag walang maipakitang resibo si Angeles, ibig sabihin, nagdesisyon siya nang hindi napag-aralang mabuti o unwise move.
Na-overlook yata ng reply sa Hataw na trigger ng issue ang private convo.
Pag ginamit na pruweba yang screenshots ay made-data privacy violation sila dahil exclusive lang sa MPC members ang Viber group.
In that case may dilemma na si Angeles.
Meron ding tinitingnang anggulo na tinatrabaho si Rose kasi siya ang nagpaputok ng istorya na on the way out si Rodriguez.
Sa tinagal-tagal niya sa Malacańan beat, marami na siyang na-develop na sources tulad ng mga kasabayan niyang beterano.
Tama lang ang paalala ng MPC at NUJP sa mga kapuwa mamamahayag na gawing maayos ang trabaho at maging sensitive sa messaging at pakikitungo sa kapuwa para hindi napagtitripan.
Pero balita ko pati reporters ng ilang malalaking news organizations ay conditional ang status ng accreditation sa Malacañan?
Meron dyan nakasama ko pa sa trabaho.
Kung titingnan ang guidelines, wala namang sinasabing may conditional accreditation pag ganito o ganyan ang naging pagkukulang o pagkakamali.
Tama ba, ang ia-accredit ay members ng Malacañan Press Corps, o, yung mga nag-cover sa candidacy ni Marcos Jr.
So yung non-MPC members na media at bloggers na nag-cover kina Yorme, Ka Leody o kay Leni candidacy hindi ba mabibigyan ng accreditation?
Mahaba pa ang pagsasama ng Press Office ng palasyo at MPC.
Makatutulong na matuto sa karanasan, ayusin agad ang problema, itaguyod ang malayang pamamahayag at tiyakin na hindi naaapektuhan ang karapatan ng mga Ka-Publiko sa mahahalagang impormasyon.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]