BELOW poverty ang sahod ng mga manggagawa
Majority ng mga manggagawa sa bansa ay tumatanggap ng below poverty threshold salary. Ang poverty threshold amount ay nasa P16,200 a month (pang pagkain pa lang iyan). Habang ang average minimum wage ay nasa P9,000 hanggang P10,000 lamang.
Isyu rin ang mababang provincial rates na kung saan magkaiba ang sahod ng mga manggagawa sa mga regions samantalang pare-pareho naman ang nature of work at prices of goods and services.
Endo / contractualization
Millions of workers are receiving below poverty threshold salaries and they are also modern day slaves. They cannot plan for their future because their jobs are temporary that are good for five to six months.
Dahil sila ay contractual, they have less benefits, less wages and no hope to increase these because they have no power.
Labor cases piling up
Maraming mga reklamo ng mga manggagawa laban sa mga abuso ng mga employers and business owners but the DOLE and the labor justice system is corrupted and very slow. Magastos din ang pabalik-balik ng manggagawa sa mga opisina ng DOLE.
Poor labor inspection
Maganda sana ang labor inspection subalit kakaunti ang mga inspectors. Talamak din ang corruption sa labor inspection with DOLE and labor inspectors. In cahoots with management kapag isinasagawa ang inspection sa workplace.
Not flexible flexible work arrangement
Government and employers themselves are enforcing flexible work arrangement policy mandatorily. Kahit na dapat may choice ang manggagawa kung gusto niya o hindi ang flexible work arrangement.
Floating and furlough status
Since the DOLE refused to act on the matter by laying down rules and regulations, abusive employers are firing and displacing workers without due process and legal reasons.
Sapilitan na 4-day workweek
May mga kumpanya na pilit na ipinatutupad ang 4-day workweek dahil sa company policy at utos ng gobyerno kahit dapat may dialogue, agreement and consent with workers.
Isyu ng mga riders
Malaking tulong sa ekonomiya ang mga riders ngayong ecommerce at online transactions na ang ilang mga negosyo. Ngunit, independent contractors ang turing sa kanila at hindi employee ng app owners. Kaya ang daming problema sa sweldo, benepisyo, social insurance, occupational safety and health issues.
Nariyan din ang sapilitan na bakuna at mahigpit na mga lockdown, problematic na ayuda distribution, at unsafe workplaces. Tatalakayin natin ito sa mga sususnod na kolum.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]