Memorizing without understading: The tragedy in the classrooms

NAAALALA n’yo pa ba ito? Dineclame nyo rin ba ito noong high school o college?

“Romans, countrymen, and lovers! hear me for my cause,
and be silent, that you may hear: believe me for mine honour,
and have respect to mine honour, that you may believe:
censure me in your wisdom, and awake your senses,
that you may the better judge.

“If there be any in this assembly, any dear friend of Caesar’s,
to him I say, that Brutus’ love to Caesar was no less than his.
If then that friend demand why Brutus rose against Caesar, this is my answer:

Not that I loved Caesar less, but that I loved Rome more…”

Marami sa atin ang natutong magmemorize at mag-declame ng mga linya mula sa Shakespeare noong estudyante pa tayo. Proud tayo noon na ma-recognize dahil kaya nating bigkasin nang tama at may damdamin ang mga salita.

Pero ang tanong: naiintindihan ba talaga natin ang binibigkas natin noon? Katulad ng iba, dineclame ko rin ang mga linyang ito ni Brutus mula sa Julius Caesar.

Noon, ang alam ko lang, maganda ang tunog nito—malalim ang Ingles at magarbo ang pagsasalita. Pero nang nabasa ko ang buong play at napanood ito, doon ko lang tunay na naintindihan ang lalim ng mga linyang iyon.

Ang talumpati pala ni Brutus ay pagtatanggol niya sa sarili matapos niyang paslangin si Caesar—isang pagtatangka na kumbinsihin ang mga tao na ginawa niya ito para sa bayan, hindi dahil sa personal na galit.

Hindi pala ito simpleng retorika lang; bahagi ito ng mas malaking tema ng pagtataksil at politika sa kwento.

Pero noong estudyante tayo, parang mga loro lang tayo na ginawang magmemorize ng mga salita. Walang paliwanag, walang konteksto mula sa guro, basta’t kaya nating bigkasin ito nang tama. Nanalo pa tayo sa mga oratorical contests.

Pero di man lang ipinaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “Not that I loved Caesar less, but that I loved Rome more” o bakit mahalaga ang tanong na “Who is here so base that would be a bondman?” Ganito rin ang sikat na linyang “Et tu, Brute?”—ang sigaw ni Caesar nang makita niyang si Brutus, ang kanyang kaibigan, ay kabilang sa mga pumatay sa kanya.

Literal itong nangangahulugang “Even you, Brutus?”—isang simbolo ng sukdulang pagtataksil. Pero noong estudyante tayo, inuulit lang natin ito nang walang pag-unawa sa lalim at damdamin ng linyang iyon.

Isa pang halimbawa ay ang talumpati ni Marc Antony, isang kaibigan din ni Caesar:

“Friends, Romans, countrymen, lend me your ears;
I come to bury Caesar, not to praise him.
The evil that men do lives after them;
The good is oft interred with their bones;
So let it be with Caesar. The noble Brutus

Hath told you Caesar was ambitious:
If it were so, it was a grievous fault,
And grievously hath Caesar answer’d it.
Here, under leave of Brutus and the rest–
For Brutus is an honourable man;
So are they all, all honourable men-“

Dineclame rin natin ito sa mga programa sa eskwelahan. Pero naiisip ba natin noon na ang bawat salitang binibigkas ni Marc Antony ay puno ng sarkasmo? Na ang “Brutus is an honourable man” ay hindi papuri kundi patama? Na ito’y pagtuligsa sa pagkukunwari ng mga tradisyunal na lider na may maskara ng pagiging “honorable”?

Ang problema ay hindi limitado sa literatura. Tingnan na lang natin ang pagtuturo ng Philippine History. Halimbawa, sa Cry of Pugad Lawin: August 23, 1896. Andrés Bonifacio. The tearing of cedulas.

Ito ang mga “whats” at “whens” na madalas itinuturo. Ngunit, tinanong ba tayo kung bakit ito mahalaga? Bakit ang simpleng pag-punit ng cedula ay naging makapangyarihang simbolo ng paglaban sa pananakop? Bakit nagkaroon ng malalim na epekto ang gawaing ito sa mga Pilipino noong panahong iyon? Bakit ito naging mahalagang tagumpay ng rebolusyon? Bakit ito naging turning point sa ating pakikibaka para sa kalayaan?

Sa kasamaang-palad, ang mga tanong na ito—ang mga whys—ay madalas na hindi nabibigyan ng sapat na pansin o paliwanag. Ang resulta: ang mga estudyante ay nagkakaroon lamang ng mababaw na pag-unawa sa kasaysayan, walang malalim na koneksyon sa kahalagahan ng mga pangyayari, at kulang sa aral na dapat nilang matutunan mula rito. Kaya ang marami ay ayaw mag-aral ng History.

Kung ang layunin ng edukasyon ay ihanda ang kabataan upang maging makabuluhang bahagi ng lipunan, hindi ba’t nararapat lang na maunawaan nila hindi lang ang mga detalye ng nakaraan kundi pati ang mga dahilan, epekto, at aral nito? Hindi lang natin dapat palawakin ang kanilang kaalaman, kundi hubugin ang kanilang kakayahang mag-isip nang malalim at magtanong ng bakit.

Education should not be about producing perfect recitations or quiz answers; it should be about fostering understanding, curiosity, and insight.

Imagine a classroom where students are encouraged to analyze the motives behind historical actions, the emotions behind literary lines, and the lessons they can draw from them.

Imagine a generation that sees history and literature not as a list of facts to memorize but as a source of wisdom and inspiration. For what use is a memorized poem if its meaning is lost? What value is there in remembering dates if their significance remains unclear?

True learning lies in the why. Without understanding, we merely echo words, and education becomes a hollow exercise.

At bilang pagsubok, narito ang hamon: subukan nating bigkasin ang tulang “Like the Molave” ni Rafael Zulueta da Costa:

“Not yet, Rizal, not yet.
Sleep not in peace; There are a thousand waters to be spanned;
There are a thousand mountains to be crossed;
There are a thousand crosses to be borne.
Our shoulders are not strong; our sinews are
Grown flaccid with dependence, smug with ease
Under another’s wing.”

Basahin ang buong tula at pagkatapos mong bigkasin, tanungin ang iyong sarili: Ano ang ibig sabihin ng “not yet”?

Ano ang hinihintay ni Rizal na mangyari? Bakit ang Pilipino ay inihalintulad sa molave—ang matibay, matikas, at matatag na puno?

Bakit kailangan ng lakas ng loob, tibay ng loob, at kalayaan sa isipan upang maabot ang tunay na kalayaan? Huwag lang tumigil sa isang tula.

Maaari ring bigkasin ang tulang “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” ni Amado Hernandez:

“Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,”

Pagkatapos basahin ang buong tula, itanong sa sarili: Bakit kailangang lumuha? Ano ang simbolo ng luha para sa bayan? Paano magmumula ang lakas sa ating pagdadalamhati? Ano ang sinasabi ng tula tungkol sa ating responsibilidad upang ituwid ang mali sa ating kasaysayan?

Higit pa rito, itanong natin: Ano ang ipinahihiwatig ng mga sugat at luha ng kasaysayan para sa kasalukuyan? Ano ang sinasabi nito tungkol sa kung sino tayo bilang mga Pilipino at kung paano natin babalangkasin ang ating kinabukasan?

If we take the time to truly read, reflect on, and understand the meaning behind these poems, we will discover more than words; we will uncover the soul of our nation. These are not just literary exercises—they are a call to action, a challenge to rise above complacency and ignorance.

Let us not be like parrots, reciting words without grasping their meaning.
Instead, let us delve deeper, ask questions, and seek the truth in every line and verse. It is in understanding that we find the true value of knowledge—and the strength to pass it on to future generations.