USAP-USAPAN ngayon sa Manila City Hall ang inaasahang tapatan ng dalawang babae sa susunod na mayoral race sa 2025.
Sinabi ng aking spotter na mukhang national position ang target ni dating Manila Mayor Isko Moreno kaya posibleng suportahan pa rin niya si incumbent Mayor Honey Lacuna.
Pero matindi ang makakalaban ni mayora na isa ring sikat na babae at galing sa malaking political clan.
Idinagdag pa ng aking spotter na kailangang mag-level up ni mayora dahil kung ang kasalukuyang performance ang pagbabatayan, malamang ay hindi na siya makaka-abot pa ng isa pang termino.
Kung nakaikot na kayo lately sa Maynila ay mapapansin ninyo na balik na naman ang mga basura sa mga gilid ng kalsada.
Hindi na naman kagandahan ang amoy sa bahagi ng Avenida sa Carriedo dahil sa mga naglipanang street dwellers.
Malayo ito sa itsura ng Maynila noong panahon ni Yorme Isko.
Sakit pa rin sa ulo ang mga naniningil ng parking fee sa ilang mga lugar dahil magkaiba ang presyo sa tiket kumpara sa tunay na ibinabayad ng mga motorista.
Ilan lamang yan sa mga isyu na dapat tutukan ni Mayor Lacuna dahil mabigat ang kanyang kakaharapin sa 2025 kung totoong aasintahin ng pulitikong tinutukoy natin ang pinakamataas na posisyon sa syudad.
Ang babaeng pulitiko na sinasabing posibleng tumakbo bilang mayor sa Maynila sa 2025 ay si Madam I….as in Imee.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]