May palakasan sa vaccination sa Silang, Cavite?

ISANG malaking hamon para kay Silang, Cavite Mayor Corrie Poblete ang mga umuugong na malawakang palakasan umano sa pamamahagi at pagtuturok ng COVID19 vaccines sa nasabing bayan.

Napakalaki kasi ng implications at napakabigat ng repercussions nito sa local and international community level kung totoo nga na mayroong palakasan system at hindi pagsunod sa Silang sa national protocols, laws and regulations on the COVID19 vaccination program of the Philippine government.

Ang mga vaccines na sinusuplay para sa mga Silangeño ay binili ng pondong buwis na dugo at pawis ng taumbayan ang puhunan at mga donasyon ng World Health Organization (WHO) na pinaghirapan din ng publiko mula sa iba’t ibang bansa bilang tulong sa atin bilang mamamayang Pilipino.

I urge Mayor Corrie to get to the bottom of this very serious matter, make corrections and make those people behind it accountable.

Ayon sa mga online rants and in-person na reklamo ng mga Silangeño, inuna umano na turukan gamit ang mga branded o western brand na vaccines ang mga kamag-anak, kaibigan, at kaalyadong mga local politicians kabilang na ang mga tinatawag na mga “VIP” at mga valued businessmen political donors.

Yun namang mga non-western brand vaccines naman ang tinuturok umano sa mga ordinaryong Silangeño magmula sa listahan ng mga barangay captains ng bayan.

Subali’t hindi nagtapos doon ang sinasabing palakasan. Pinakikialaman din umano ng mga ilang maangas na alipores sa munisipyo ang listahan ng mga naka-schedule na babakunahan at isinisingit at inuuna ang mga kamag-anak, kaibigan, at kaalyado ng mga ito.

Dapat imbestigahan din ni Mayor Corrie ang ulat na nagbabayad umano ang ilang ordinaryong manggagawa upang mapabilang sa listahan ng babakunahan. Pressured na rin kasi ang mga manggagawa na mabakunahan sila dahil ginagamit itong requirement sa kanilang mga kumpanyang pinapasukan bagamat ipinagbabawal ito.

Bukod kay Mayor Corrie, kailangan imbestigahan din ito ni Cavite Gov. Jonvic Remulla dahil nakataya rito ang reputasyon at dignidad ng munisipalidad at probinsiya sa paningin ng kapwa Pilipino at mamamayan ng iba’t ibang bansa na nagdonate ng mga vaccines.

Hangad natin ang isang independent and honest investigation on the issue to make those responsible people accountable.

We also wish to eliminate the practice of palakasan system dahil kawawang-kawawa ang mga mahihirap at ordinaryong Silangeño na walang boses, walang kapangyarihan at hindi malakas kaninuman sa municipal hall.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]