Matapos ibahay ang 3 chikababes, gov’t official nagpakasal na

KAMAKAILAN ay ikinasal ang isang mataas na opisyal ng pamahalaan sa isa sa kanyang mga chicks.

Nang una kong marinig ang kwento sa buhay ni Sir na hindi elected official ay inakala ko na nagkamali ng impormasyon ang aking spotter.

Tatlo raw kasi ang babaeng ibinahay nang sabay-sabay ng ating bida.

Nagbubuhay-binata ang nasabing opisyal dahil matagal nang annulled sa kanyang dating misis.

Pero sumobra naman ang pagkapabling ni Sir dahil tatlo ang ibinahay niyang mga babae sa magkakaibang lugar.

Sa nasabing tatlo ay pinakapaborito niya ang kanyang pinakasalan syempre.

Nauna niya itong ibinahay sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

At tulad ng inaasahan ay star-studded ang kanilang wedding sa isang sikat na hotel sa Taguig City.

Dumalo sa nasabing kasal ang mga malalaking pangalan sa pulitika at negosyo na ayon sa aking spotter ay may mga problemang kinakaharap sa tanggapan ng ating bida.

Kahit na sa early 40s na rin ang bride ay kitang-kita pa rin ang kagandahan nito.

Samantalang blooming naman sa kanyang wedding ang bidang opisyal, na ayon sa aking spotter ay malapit na ring mag-sitenta anyos.

Nagtataka lang ang ilang opisyal sa tanggapan ng ating bida kung paanong natutustusan ng ating bida ang kanyang mga gastusin sa kanyang mga chikababes.

Wala nang masyadong clue dahil si Sir ay isa sa mga opisyal ng pamahalaan na nakatutok sa pagtiyak na nasa mabuting kamay ang pondo nang ating pamahalaan.

Isa pang clue. Hindi siya Cabinet secretary at hindi rin siya ang pinuno nang ahensyang kinaaaniban niya pero kilalang-kilala siya lalo na ng mga kurap na opisyal ng gobyerno.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]