OK lang naman magdebate para ilinaw ang iba-ibang punto at basehan sa pagbubuo ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Sabi nga, only upon a collision of ideas can we arrive at the truth.
Sa debate, maraming natututunan ang mga tao at nakikita nila kung ano ang totoo o tama sa talas ng mga argumento.
Kaya nakakadismaya kung sa gitna ng malaya at malusog na pagdedebate ay patatahimikin ka.
Kaya kahit sino ay magdududa sa intensyon ni Mark Villar na harangin ang patuloy na pag-uusisa ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa nagdaang hearing nitong Martes, May 29.
Si Mark ang sponsor ng bill na certified urgent ni Marcos Jr. (na kaninang madaling araw ay ipinasa na sa Senado).
Balikan lang natin nang mabilis ang mga pangyayari:
Noong May 22, Lunes, sumulat si Marcos Jr kay Senate President Migz Zubiri na sini-certify as urgent ang Senate Bill 2020 na nagbubuo ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Katuwiran ni Mokmok Jr., binabaan ang projection sa economic growth sa buong mundo dahil sa matinding inflation, pabago-bagong presyo ng langis dahil na naman sa Russia – Ukraine conflict, at patuloy na pagtaas ng interes sa international financial sector kung ang isang bansa ay mangungutang, eme eme.
Pagdating ng Friday, May 26, sa Inquirer report ng kasamahang si Melvin Gascon, sumagot si Zubiri na ang plano ay pag-usapan ang MIF Bill saka aprubahan this week.
Ito’y kahit na meron na lang natitirang tatlong session days na hanggang ngayong Wednesday.
Nitong Monday, May 29, sinabi ni Villanueva na nag-caucus sila sa pagpasa ng MIF at iba pang priority bills eme.
Tiniyak niya na pwedeng ma-extend hanggang Huwebes ang session imbes Wednesday.
Monday sa Senado, nagdiskusyon na nga sa MIF at hanggang madaling araw ng Martes, tinapos ng Senado ang interpellation sa MIF.
Gamit ang karapatan bilang sponsor ng MIF bill, pinatigil na ni Mark Villar ang pagtatanong ni Pimentel.
Sakto naman kahapon Martes, May 30, sa report ni Ronel Domingo ng Inquirer, ipinaliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na gagamitin din ang MIF para tustusan ang 194 infrastructure flagahip projects kaya inaasahan nilang maaaprubahan ang SB 2020 bukas ng Huwebes.
Sakaling totoo, napaka walang konsensya nitong GSIS President Wick Veloso dahil ayon kay Sen. Risa Hontiveros, siya ang nagmungkahi kay Marcos Jr ng Maharlika Investment Fund at hindi ang economic managers.
No wonder, isinasama ang GSIS contributions at earnings ng mga manggagawa sa gobyerno sa pagkukunan ng MIF.
Kaya makatuwiran ang mungkahi ni Hontiveros na magpasok ng provision na sisiguruhing hindi ‘yan gagalawin at hahawalan.’
Lalo’t sinabi ni Department of Finance Secrerary Benjamin Diokno nung December 2022 na ang state pensions ay pwede pa ring mag-invest sa Maharlika hindi na sila isinama ng lawmakers.
Syempre, umeepal ang kapatid na si Imee Marcos, bistado namang lumalarong good cop bad cop yarn.
Pero kung susuriin mo ang mga sinabi, puro motherhood statements o general lang, walang detalye kung ano ang basehan bakit nya nasabi yun, halatang eme eme, kaya dedmahin na lang.
Duda ng ilan: posibleng gawing daluyan ito ng natitirang ill-gotten wealth ng Marcoses.
Pinangangambahan ding gamitin ang pondo mula sa Land Bank/ Development Bank of the Philippines patungo sa bulsa nina Marcos at mga tuta niya sa gabinete, kongreso at cronies.
Ang nakakatakot dyan, sabi ni Koko Pimentel, pag pumalpak ang MIF, walang mananagot
Ang Norway Sovereign Wealth Fund, ang sinasabing Gold Standard Standard ng mga national investment/ sovereign funds.
Sa report ng cnbc.com nung August 17, 2022, sinabi nito na nalugi ng $174B ang Sovereign Wealth Fund ng Norway sa unang anim na buwan ng taon.
Way back 2014, inireport ng Reuters na ang Qatar Investment Authority na merong $30 billion na assets at No. 6 noon sa pinakamalaking sovereign wealth fund (SWF), ay non-compliant ang SWF at deficient sa maraming patakaran.
Sa study naman ng South African Institute of Internatilnal Affairs (SAIIA) na inilabas noong March 2020 tungkol sa Nigeria at Angola, maraming butas ang mga patakaran sa sovereign wealth funds kaya hindi lumago ang savings at hindi rin naging matatag.
Sa Ghana meron na sanang ganansya kaya lang nabulilyaso dahil sa “unsustainable general budget spending in the lead up to elections in anticipation of future revenues.” Ang ibang sovereign wealth funds ay nagkaproblema sa pamamahala.
Kaya ako duda ako sa balak na gamitin ito sa infra projects dahil realtalk lang, automatic may porsyento ang mga promotor nito.
Lumalabas plantsado ang plano ng Marcos puppets na brasuhin ang pag-aprub ng MIF Bill.
Saan ba kamo nahuhuli ang isda?
Bakit pa pag-uusapan kung kasado namang aprubahan, budol na naman ito sa taumbayang nagbabayad ng buwis, direct man o indirect.
Grabe kayo. Pinagloloko-loko nyo kami. Hindi namin feel ang urgency ng pagpasa ng Maharlika Investment Bill na yan.
Maraming proyekto na ginawa at pinagkakitaan nang walang Maharlika Sovereign Fund.
Sanay na ang mga Pilipino sa lahat ng klase ng krisis. Natuto nang mag-survive.
Dahil investments yan, pag nalugi, okay nga lang namam kasi lahat ng business may risks. Lipad ang bilyones ng mga tao.
Yan ang mahirap at hindi dapat nating palampasin.
Napakadulas na channel ito ng pwedeng massive na pagnanakaw sa pera ng bayan.
Wala silang kahirap-hirap.
Nakakagigil.
Obserbasyon nga ng isang dating kasamahan sa media – bakit ang mga tao, tahimik?
Basta ako – tutol dyan sa Maharlisham na yan. As in sham dahil hindi mapagkakatiwalaan ang kasalukuyang gobyerno, hindi matatag ang bill at walang accountability.
Dahil wala namang nag-iiingay na critical mass o bilang ng tao na nakakakilabot sa dami para maibasura ang MIF Bill, maipapasa yan.
Sakaling maisabatas, makes sense ang suggestions na ito:
1. Bayaran ng Marcoses ang P203B estate taxes at idagdag sa panukalang MIF
2. Re-allocate ang confidential funds at budget ng NTF ELCAC sa MIF tutal, sabi ng gobyerno hindi naman threat ang CPP-NPA-NDF
3. Ilaan lahat ng pork barrel ng mga kongresista at senador sa MIF tutal paggawa ng batas ang trabaho nila at hindi ang gumawa ng pera
4. Lagyan ng probisyon na may parusang habambuhay na kulong sa lahat ng mambabatas, gabinete hanggang kay Marcos Jr sakaling pumalpak at malugi tulad ng nangyari sa Norway.