NAGSIMULA ang ‘laban’ ni Senator Grace Poe nang bawian ng buhay ang kanyang amang si Fernando Poe Jr.
Taong 2004, 14 Disyembre, ganap na 12:01 ng madaling araw, sa edad na 65, namatay si FPJ sa St. Luke’s Hospital, Quezon City. Stroke na nagresulta sa cerebral thrombosis at multiple organ failure ang dahilan ng pagkamatay ni FPJ.
Pero pinaniniwalaan ng marami na ang ginawang pandaraya umano ni GMA kay FPJ nang tumakbo ito bilang pangulo noong 2004 presidential elections ang tunay na dahilan kung bakit pumanaw ang aktor.
Sa kanyang burol sa Sto. Domingo Church, milyon-milyong katao ang nakiramay, at hindi iniwan ng mga nagmamahal na mga tagahanga hanggang maihatid sa huling hantungan ang labi ni FPJ sa Manila North Cemetery.
Sa paglisan ni FPJ, ang pagluluksa ni Grace ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob at tapang para ipagpatuloy ang naiwang laban ng kanyang amang nilapastangan ng mga nasa kapangyarihan.
At nagsimulang maging mambabatas si Grace ng Senado noong 2013, at taong 2019 muling nahalal, at patuloy na nagsilbi sa mga mahihirap at nangangailangan sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga batas.
Sa pagtatapos ng kanyang termino sa darating na 2025, ang laban na inumpisahan ni Grace para sa kanyang amang si FPJ ay magpapatuloy at tatapusin ng kanyang anak sa katauhan ni Brian Poe Llamanzares.
Sa pamamagitan ng FPJ Panday Bayanihan na pinamumunuan ni Brian, tuloy ang laban ni FPJ na sinimulan ni Grace, at tatangkain na mahalal sa Kongreso bilang partylist representative sa darating na halalan.
Binuhay at pinalakas ng FPJ Panday Bayanihan ang diwa ng ‘Bayanihang Filipino’ para matulungan ang mga nangangailangang kapos-palad, higit sa lahat ang mga biktima ng mga kalamidad.
Nasa kamay ngayon ni Brian ang pagpapatuloy ng inumpisahang laban ng kanyang inang si Grace sa pagpanaw ni FPJ. Subukan ang ‘Apo ng Panday’, subukan ang FPJ Panday Bayanihan!