Key features ng OFWs department

PIRMA na lang ni Pangulong Duterte ang kinakailangan upang tuluyang maisakatuparan ang Department of Migrant Affairs. Ito yung departamento ng pamahalaan na exclusive na mangangalaga ng mga kapakanan ng mga land-based and sea-based overseas Filipino workers at mga pamilya nila.

Tatlong taon na binalangkas ng mga government bureaucrats mula sa DFA, DOLE, POEA, OWWA kasama ang mga labor unions, migrant workers non-government unions, seafarers unions, manning agencies, current and former migrant workers, ang mga mga mahahalagang aspeto bilang OFW na siyang lalamanin ng mga polisiya.

Saludo tayo kay TUCP Partylist Representative at TUCP President Raymond Mendoza bilang chairperson ng House committee on overseas workers affairs at mga staff ng komitena trinabaho nang tama at husto upang maging ganap ang Department of Migrant Affairs.

Minaneho ni Mendoza ang panukala sa harap ng mga debate, iba’t ibang interes ng mga OFWs at recruiters kabilang ang interests o turfing ng mga government agencies, manning agencies, seafarers unions upang maitawid hanggang sa dulo.

Ilan sa mga key features ng finished bill ay ang unified 24/7 global hotline for OFWs in distress, ethical recruitment sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga kontrata ng mga OFWs laban sa fake o disadvantageous contracts with foreign recruiters and employers at protection laban sa illegal recruitment at human trafficking, maayos na sahod, benepisyo at working conditions.

Inuutos din ng bill na maglatag ng reintegration policies and programs ang Department of Migrant Affairs upang hanggang maari ay hindi na mapilitan bumalik na magtrabaho abroad at upang magamit ang kanyang natutunan sa ibang bansa dito sa Pilipinas.

Isa sa mga features ay ang 2-year transitory period. Ibig sabihin kapag naaprubahan ang panukala, tatrabahuin pa sa loob ng dalawang taon ang implementing rules and regulations nito at upang bigyan ng panahon na mailipat sa bagong departamento ang powers and functions nito mula sa iba’t ibang ahensiya kasama na dyan ang mga empleyadong apektado.

May usapin din na baka maging institution na sa bansa ang labor export at lalong dumami ang mag trabaho abroad sa halip na dito na lang sa Pilipinas manatili. Walang ganitong provision ang bill so far pero depende yan sa implementing rules and regulations (IRR) kung sakaling maging batas na ang bill.

Uupuan muli ng mga gumawa ng bill kapag napirmahan na into law at ito susunod na important bahagi. Dahil the devil is in the details ika nga.

Samantala, maaring gawin ni Duterte ay one year na lang ang transition period dahil kinakailangan na ng mga OFWs ang ang mangangalaga sa kanila.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]