ISA tayo sa mga bansang nanguna sa pagtataguyod ng International Criminal Court.
Noong Hulyo 17, 1998, kabilang tayo sa mga bansang nagsagawa ng Final Act of The United Nations Diplomatic Conference of Plenipotentiaries on the Establishment of An International Criminal Court.
Sa pandaigdigang kumperensiyang ito na ginanap sa Rome, pinagkaisahan natin at iba pang mga kinatawan ng iba’t ibang bansa ang nilalaman ng Rome Statute.
Bilang representante ng ating nasyon, nilagdaan ni Enrique Manalo, noong Disyembre 28, 2000, ang Rome Statute. Si Manalo ang tumatayo noong Deputy Permanent Representative to the United Nations in New York.
Sa pangunguna ng Philippine Coalition for the International Criminal Court, nanawagan din ang mga NGO na ating ratipikahin ang Rome Statute.
Noong Marso 2011, bumisita rin sa ating bansa si ICC President Judge Sang Hyun Song.
Ratipikasyon
Pagkaraan nito, alinsunod sa itinatadhana ng ating Konstitusyon, niratipika natin ang Rome Statute of the International Criminal Court.
Nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang instrument of ratification ng Rome Statute noong Mayo 6, 2011.
At noong Agosto 23, 2011, pinagbotohan at sinang-ayunan ito ng ating Senado.
Walang nag-abstain.
Tanging si Juan Ponce Enrile, ang Senate President noon, ang kumontra sa resolusyon.
Ito ang 17 senador na sumang-ayon sa Senate Resolution No. 57 na nagpapatibay ng ating ratipikasyon ng Rome Statute: Edgardo J. Angara; Alan Peter Companero S. Cayetano; Pia S. Cayetano; Miriam Defensor Santiago; Jinggoy P. Ejercito-Estrada; Francis “Chiz” G. Escudero; Teofisto “TG” Guingona III; Gregorio B. Honasan II; Panfilo M. Lacson; Ferdinand “Bongbong” R. Marcos; Sergio R. Osmena III; Francis N. Pangilinan; Aquilino Koko L. Pimentel; Ramon A. Revilla Jr.; Vicente C. Sotto III; Antonio “Sonny” F. Trillanes; at Manny B. Villar.
Kahalagahan ng ICC
Ipinaliwanag ni Libran Cabactulan, siya noong Philippine Permanent Representative to the United Nations, ang kahalagahan ng ating pagratipika ng Rome Statute.
Aniya, “The Philippines, a democracy that champions international law and the rule of law, views being party to the Rome Statute of the ICC as a vital part of the on-going global campaign to end impunity and violence against individuals and to further strengthen a rules-based international system, specifically in relation to international human rights law and humanitarian law.”
Pagpapatuloy ni Cabactulan: “It is a clear signal of the importance with which the Philippines places to this treaty.”
Dagdag niya, “The ICC also serves as a deterrent against genocide and other heinous crimes and ensures that all perpetrators of these serious crimes of concern are held accountable.”
Pagkakabisa ng Rome Statute
Upang maging ganap na maging mabisa at epektibo, idineposito ng Permanent Mission of the Philippines to the United Nations ang naturang instrument of ratification sa Secretary General ng UN noong Agosto 30, 2011.
Binigyang-bisa ng pagdepositong ito ng ating instrument of ratification ang Rome Statute of the International Criminal Court simula Nobyembre 1, 2011 sa Pilipinas.
Tuloy, naging pang-117 tayo sa mga bansang pumailalim sa Rome Statute.
Pumangalawa tayo sa bansang kabilang sa ASEAN na naging state party sa tratadong ito. Nauna sa atin ang Cambodia sa pagratipika, noong Abril 11, 2002, ng Rome Statute.
Dahil dito – alinsunod sa prinsipyo ng complementrary jurisdiction – may hurisdiksyon, awtoridad, at kapangyarihan ang ICC, sa ilalim ng Rome Statute, na imbestigahan ang crimes against humanity of murder, torture, and other inhumane acts laban kina Duterte.
Dahil wala naman talagang totohanan, malinis, matapat, at lubusang imbestigasyon at pagsasakdal na isinasagawa ang DOJ, NBI, at PNP laban kina Duterte kaugnay ng libo-libong pamamaslang, magkakabuhay at magkakabuhay ang complementary jurisdiction ng ICC sa ating bayan at sa mga Pilipinong hinihinalang siyang pinaka-responsable sa gayong karumal-dumal na krimen.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]