SA bibihirang show of force, nagkaisa at dumistansya ang buong Kamara laban kina Digong at Sara Duterte.
Uniteam versus Uniteam.
Technical Knock Out kumbaga sa boksing. Political TKO sa first round.
Nitong Lunes, nagkaisa sa isang resolusyon ang buong House of Representatives laban kina Digong Duterte at anak na Sara.
Ang House Resolution 1414 ay pagtataguyod daw sa integrity at honor ng buong kamara at liderato ni Speaker Martin Romualdez , na tinatakot at dinudungisan ni citizen Digong Duterte.
Maaalalang pinagbantaan ni Duterte si ACT Partylist Rep France Castro na ang Confidential and Intelligence Funds (CIF) na hinihingi ng anak na si Sara ay gagamitin para ipapatay si Castro at mga komunista.
Bukod dyan, minaliit ni Duterte ang Kamara nang sabihin nya itong bulok.
Aw! Look who’s talking? E. galing ka rin dyan.
Tandaan na sa mahigit 310 members ng House of Reps, 150 riyan ay neophytes na mga anak, asawa at kamag-anak ng mga datihan na.
In short, overwhelming majority sa kamara ay mga bulok, traditional politicians o trapo, sila-sila rin ang nagbabardagulan.
Ano ibig sabihin ng Resolution 1414 ng Kamara?
Lumalabas, consolidated na ang major Marcos-Romualdez faction na ito sa House laban sa mga Duterte.
Officially, nabitak na ang Uniteam.
Conveniently mang nagamit o hindi, ang banta ni Digong kay France Castro at pagsabi niyang bulok ang kamara, ay nangngahulugan na tagumpay ang Marcos- Romualdez dominant group sa banggaan sa pulitika.
Pero napalakas at napatibay ang laban nina Castro at Makabayan bloc versus corruption ng Dutertes nang hindi nila tinantanan ang CIF ni Sara. Paramdam din nila ito sa mga sagad-saring tiwali sa kamara na tigilan ang pang-aabuso.
Sobrang tagumpay ang Makabayan bloc sa kampanyang ito dahil buong Pilipinas na ang nagagalit kaya pati House leadership ay nababagabag baka hanggang sa Palasyo, kay Marcos Jr, ay umabot ang naglalagablab na apoy.
Tuluyan na nga bang nilaglag ng House of Representatives ang Dutertes sa sari-saring dahilan?
Halatang threatened at nabuwisit ang Marcos-Romualdez camp sa mga galawan ng Duterte.
Palagay ko, hindi na rin nito masikmura (at pinataob sila sa kayang gawin ni Sara) na ang mga Duterte ay Devil standard sa nakaririmarim at nakasusulasok na galawan at maniobrahan sa pulitika at pati sila ay kinakana.
Of course, totoo namang sa kabuuan ay bulok ang Kamara lalo na’t si Digong Duterte ay galing din dyan – it takes one to know one.
Bulok in a sense na ginagamit nila ang pusisyon para magpayaman, mapalakas ang kapangyarihan at tumagal sa panunungkulan para tiyakin na mapangangalagaan ang interes nilang mga nasa poder.
Syempre, damay si Gloria Arroyo, Imee Marcos, lahat ng kumampi.
Napakaagang bakbakan para sa presidential elections sa 2028 na mahihirapang ibangon ni Sara lalo na kung magpatuloy sila sa pangangawa.
Bumalik tuloy bigla sa memory ko ang panununtok ni Sara sa isang nagdedemolish sa informal settlers sa Davao.
Ayun pala mararanasan niya yan sa totoong buhay in a way. Daan-daang pulitiko ang nagsama-sama at sabay-sabay siyang kinuyog at inupakan ng Reso 1414.
Ano ang pakiramdam ng KARMAgeddon?
Ang major-major repulsion na ito ay malinaw na road to 2028 na may stop over sa 2025.
Patikim na babala ito ng Marcoses kina Duterte para umayos.
Pero kung seryoso talaga ito at hindi na nila hahayaang makaporma ang mga Duterte, may pinakamalakas na pambala ang opposition –
Bubuksan nila ang Pilipinas sa imbestigasyon ng International Criminal Court, ipapaaresto sina Digong, Sara D, Bato at iba pang kasabwat sa drug war hanggang tuluyang maparusahan at habambuhay na maghimas ng rehas.
Sa scenario na yan, tumba na ang kalaban at di na ever makabangon pa.
Pero maaaring it will take an atrocious, critically damaging at kamuhi-muhing scenario ang gagawing ganting salakay ng Duterte camp para sadyang magwala ang Marcos camp at i-turnover sila sa ICC.
Pwede ring may isa sa kanilang mag-push para ipademanda si Sara Duterte sa Ombudsman sa mga hindi niya maipalawanag na paggastos ng P125M confidential/ intelligence funds.
Yun nga lang, sasabit ang isang principal nila – si Marcos Jr. na nagbigay ng budget na yan kay Sara, December 2022 kahit labag sa batas.
Kung maglilinis ang Marcos camp ng rival elite, ipabalik nila sa kulungan si Gloria Arroyo.
Never mind Imee, lumalaro lang yan at weak ang clout para makaeksena even if mag-align pa rin siya kina Duterte.
Pero durog na imahe ng Dutertes e, gusto ba niyang madampian ng init ng galit ng kamara gayong may political ambition din siya?
Dahil sa reso, dapat suportahan ng kamara ang demanda ni Castro vs Duterte, pati pagpapalaya kay De Lima para may pantapat at pang-neutralize sa mga Duterte.
Tanong is, pagkatapos ng pasabog sa house:
Susunod na ba ang mga pro-Duterte sa executive branch? Ano kayang kontrobersya ang papuputukin ng mga operator?
On hindsight, nagkamali si Sara sa pakikipag-koalisyon kay Marcos Jr. Isa’t kalahating taon pa lang ng pagsasama, iniwan na agad sa ere.
Tapos na ang pa-tweetums at gamitan sa isa’t isa.
Hindi siya nakinig sa astute politician at mamamatay taong tatay na si Digong – dapat tumakbo na lang siyang presidente at hindi bilang vice president.
Lesson sa Dutertes lalo na kay Sara – tulad ng tatay niya – akala niya ay pwedeng gawing Davao ang Pilipinas na lahat ay makokontrol. Ang bata pa kasi, siga-sigaan na sa Pilipinas.
Inaral talaga nina Marcos Jr na hindi inassign si Sara maging Kalihim ng Department of National Defense kahit yan ang minedia niya na gustong hawakan na posisyon:
Otherwise, mas magiging real than imagined, at terrorizing than theatrical, ang potential ng coup d’etat ngayon.
Kaya umasa tayo na marami pang mangyayaring bakbakan ng magkakalabang paksyon ang ruling elite.
Wag pakampante ang Marcos camp dahil ang destabilization ay hindi manggagaling sa kalaban – nag-uugat ito ngayon sa mga sunud-sunod na kapalpakan ng kanyang pamamahala na direktang bumubutas sa milyon-milyong sikmurang kumakalam.
Maski ang sagarang pagdepende nila sa Amerika ay maaaring magbu-boomerang sa Marcos camp:
Ito’y kapag nagpakawala ng mga pasabog – actual bombs, divisive controversies at trade/ economic harassments – ang China lalo na pag nasagad ito sa Pilipinas.
Dahil sa nangyari, mas pwede at mas madulas nang magagamit ng China sina Duterte at mga nagkalat na Chinese spy sa Pilipinas, para mangyari ang kanilang invasion na may iba-ibang mukha at porma.
Essentially, may naaamoy akong political undercurrents ng giriang US-China ang nagiging birahan at laglagan ng dalawang ruling elite sa isa’t isa.
Sino ang biglang nagsariling pumunta sa China?
Ano’ng probinsya na merong China consulate sa Pilipinas?
Sino ang may sister city ng China sa Pilipinas?
Anong probinsya ang binuhusan ng Chinese aid/ funds sa Pilipinas?
Sa kabilang banda, sino ang political clan na may mahabang kasaysayan ng pagiging tuta ng kano sa Pilipinas?
Karugtong nyan, sino ang political clan na may pinakamalalim na utang na loob sa US na kinanlong ng superpower matapos mapatalsik sa poder?
Ano’ng bansa ang major Southeast Asian partner ng US sa pagpapatatag ng kanilang political at military domination sa Indo-Pacific region?
Sinong superpower ang may massive investments sa Pilipinas na kailangang protektahan siguruhin?
Alam na this.