NAGBAWAS ng maraming staff ang isang sikat na kandidato sa isang national position dahil mahina ang pasok ng pondo sa kanilang kampanya.
Sinabi ng aking spotter na hindi tinupad ng ilang mga benefactor ang kanilang pangakong tulong sa ating bida.
At dahil masyadong mataas ang kanilang gastos sa mga sorties ay nagbawas ito ng mga alalay lalo na sa mga provincial headquarters.
Kung dati ay sagot rin ng grupo ni Mr. Politician ang air fare at hotel accomodations ng mga media men na nagko-cover sa kanyang kampanya, ngayon ay kanya-kanya na.
Ito rin ang dahilan kung bakit sa FB live na lang nagko-cover ang ilang media team dahil syempre nagtitipid rin sa pondo ang mga media companies.
Isa sa nakikitang dahilan ng aking spotter kung bakit hindi tinupad ng mga supporter ni Sir ang pagbibigay ng ipinangako nilang pondo ay dahil sa mababang ratings sa mga survey ng ating bida.
Malayong-malayo ito sa kanilang inaasahang resulta dahil sa totoo lang ay malakas ang appeal sa publiko ni Mr. Politician na nakilala dahil sa kanyang pagsisikap sa buhay.
Marami tuloy ang nagsasabi na dapat ay nakuntento na lamang siya sa kasalukuyan niyang posisyon na mataas rin naman at tiyak na siya’y walang katalo-talo.
Maaaring tapat ang hangarin niyang maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng mas mataas na posisyon pero dapat rin niyang tanggapin kung hanggang saan lang ang kanyang kakayahan.
Kailangan nyo pa ba ng clue?….Basta sikat ito. Marunong kumanta, magbasketball at umarte sa harap ng camera lalo na kapag suntukan ang eksena.