NAKAKAPANINDIG- balahibo ang panawagan ni Marcos Jr. sa mga Pinoy nitong Independence Day na igiit ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno.
Sabi niya:
“I challenge each of us: On the 125th year since the declaration of our freedom, let us assert our liberty day by day. In everything we do, let us pursue excellence and integrity with the knowledge that we are living out the visions our predecessors held on to and the comfort they toiled for.”
Naks, wagas!
Goosebumps hindi dahil feel ko ang sinabi niya, o dama ko ang pagiging makabayan, kundi kinikilabutan ako para sa kanya.
Lumaban at nanalo sa eleksyon pero nag-anak ng malalaking iskandalo at salamangka sa national line-up, pandaraya, cabinet appointments hanggang sila-sila ay nagbardagulan ngayon sa poder at nagsimulang magkalamat.
Mga tulad nina Gloria Arroyo, Imelda Marcos, Jinggoy Estrada and Bong Revilla; the boss wifey na si Liza, red-tagger Sara Duterte, kapatid at pa-good cop na si Imee, pinsang operator Speaker Romualdez, panggulong anak na si Sandro, presidential counsel, ayon sa namayapang Sen Miriam Santiago – King of Martial Law Illegal Logging at ngayon ay stem cell poster boy, Juan Ponce Enrile, alagad niyang Zubiri at Villars sa Senado, maligalig na si Boying Remulla, economic typhoons, Benjamin Diokno at Popo Lotilla to name a few.
Sa kanya raw administration, “I will be with you on that long and uphill road to achieve our dream of freedom, freedom from hunger, freedom from neglect, freedom from fear.”
E all-star cast nga ang mga unpatriotic o hindi maka-mamamayang pulitiko ang kanyang administrasyon.
Paano mahihikayat ang mga tao nyan kung puro mandaraya, magnanakaw, manloloko, mamamatay tao at taksil sa interes ng taumbayan ang liderato mo?
Tapos inappoint mo ang sarili bilang agriculture secretary na nagdulot ng sunod-sunod na food shortages, holiday ng smugglers, hoarders at profiteers at nagtaasang presyo ng bilihin.
Paano makakalaya ang mga Pilipino nyan sa gutom at takot?
As of April 2023, may 4.5 percent o 2.26 million Pinoys ang walang trabaho, may trabaho man kapos ang sahod, may sahod man, contractual naman, at 12 sa bawat 100 o higit tatlong milyon ang nagugutom, ayon sa SWS nito ring April. Nasaan ang kalayaan sa gutom riyan?
Pwedeng gumanda ang ekonomiya maski power sector para pakinabangan ng taumbayan:
Mabawasan ang gutom at matiyak ang energy security, pero kinuha mo pa rin si Ben Diokno na naging susi ng paghina ng ekonomiya ng Pilipinas sa ilang taon niya sa ilang presidenteng pinagsilbihan.
At si Popo Lotilla na nagbenta ng yamang langis ng Pilipinas sa mga sumuporta sa kampanya mo?
Ngayon, solusyon ninyo ay Maharlika? Bagong modus ng pambubudol?
Ibinabalik mo ang crony capitalism nang ipamigay nyo ni Lotilla ang pwedeng bilyon-bilyong kita ng gobyerno sa Malampaya kina Enrique Razon at Dennis Uy na wala namang expertise sa deep water gas-to-power technology. Nun lang isang taon, kumulekta ang dalawa ng P70B sa Malampaya ayon kay dating Energy Usec Ed Manalac.
Kung tinapos mo na lang ang service contract nila at hinayaang patakbuhin ng Philippine National Oil Corporation ang Malampaya, sa atin pa ang pera at maraming paggagamitan. Nasaan ang kalayaan dyan sa malalaking negosyong crony?
Higit sa lahat, hindi nyo pa ibinabalik ang natitirang P125 bilyon nakaw na yaman at hindi binabayaran ang P203 bilyong estate tax liabilities. Nasaan ang kalayaan sa mga pandarambong na yan?
Ilabas man ng mamamayan ang hinanaing nila sa gobyerno, may mga kababayang dinudukot pa rin dahil itinuturo nila ang dapat gawin ng mga sinasamantala at inaapi. Nire-red tag and worse, pinapatay sila. Nangyari noon sa panahon ng tatay mo, nangyayari pa rin ngayon.
Missing pa rin ang indigenous people rights activists na sina Dexter Capuyan at Gene Roz Jamil “Bazoo” De Jesus na anak ng OFW leader sa Italy na si Dittz Centeno De Jesus? Nasaan ang Kalayaan riyan sa takot?
Tatlong mamamahayag na ang namatay sa pamamahala mo at nakakulong pa rin ang community journalist na si Frenchie Mae Cumpio. Nasaan ang kalayaan sa pamamahayag dyan?
Ang nakakatakot, nagbalik alyansa sina Marcos Jr at Amerika, tulad ng paghahari ng namatay na diktador na naging tuta ni Uncle Sam? Deja vu.
Gamit ang mga dambuhalang businesses at IMF-WB nan ilimas ang yaman ng bansa, alam natin ang malubhang pagwasak ng Pilipinas sa kanilang sabwatan noon.
At hindi ba, sa bandang huli, winalis ng US ang dumi at itinapon sa Hawaii at ngayon ginagamit para bawiin ang Pilipinas laban sa karibal na China?
Ngayon naiipit tayo sa bakbakan ng China at US dahil kayo mismo ay pumayag na paramihin ang EDCA sites at pwinersa ang lider ng local na pamahalaan na mag-host ng dagdag na US EDCA sites.
Nasaan ang independent foreign policy riyan?
May yaman nga sa basura – pwede nga namang i-recycle at i-reuse ang Marcoses.
Marcos Jr., magsalamin ka at maging sampol ng pinagsasabi mong kalayaan sa gutom, takot atbp.
Haist, isang taon ka pa lang dyan, kakapagod ka na.
Ka-stress.