FOOD imports era.
Mula nang inappoint ni Marcos Jr ang sarili bilang Agriculture secretary, sumabay naman ang shortage at pagtaas sa presyo ng pagkain tulad ng asukal, bigas, isda, sibuyas at iba pa.
Sadya ba, nasa sistema o sinasamantala ang sitwasyon?
Ang aksyon: mag-import
Asukal. Sumabog ang isyu na ito nung nagkasa ng importation ng 300,000 tons ng asukal ang Sugar Regulatory Authority.
Ayun pala, illegal ito dahil hindi authorized ni Marcos Jr. Pero sa bandang huli, pumayag din siya na mag-import pero para hindi pinakalma lang ang tao.
Pero mismong Office of the President rin nagsabi noong August 22 na artificial ang shortage. Paniniguro pa ng sugar planters, magmi-milling na sila ng asukal mula September onwards.
Bigas. Ayon sa Bureau of Plant Industry, umakyat ng 64 porsyento ang inimport na bigas ng Pilipinas mula Enero hanggang August ngayong taon.
August 30, pumutok ang balitang nag-peak ang taas presyo ng bigas sa ikawalong buwan maski dati pang nag-iimport.
Nung September 28, giniit ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na hindi importasyon ang solusyon kundi ang pagbuhos ng pondo para sa rice production.
Isda. Nito namang November 12, inanunsyo ng Department of Agriculture na mag-iimport ulit ang Pilipinas ng 250,000 tons ng galunggong, matangbaka, mackerel, tulingan at bilong-bilong.
Tinutulan ito ng National Federation of Small Fisherfolk Organization of the Philippines of PAMALAKAYA dahil may ibang probinsya na may oversupply.
Nalulungkot nga raw sila dahil nag-aangkat ang Pilipinas sa China na siyang umuubos ng mga isda sa ating bansa.
Sibuyas. Pagdating ng November 16, sinabi ng Agriculture department na mag-aangkat ang Pilipinas ng 7,000 metric tons ng sibuyas.
Noong August 9 kasi, lumabas ang nakakaiyak na balita na salat sa sibuyas sa maraming palengke ayon sa, again, agriculture department.
Isang araw yan matapos tumalon sa P400 kada kilo ang bilihan ng sibuyas.
Dahil dyan, mag-iimport daw tayo ng puti at pulang sibuyas
E sabi ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, normal lang na magnipis ang supply ng white onions dahil ang harvest seasom ay mula January hanggang April.
Kalakaran din na mag-import at dumating na yun sa mga bodega o warehouse ng mga may-ari kaya yun ang dapat hanapin.
Science na nagsabi at kalakaran sa industriya so import mode talaga agad imbes mag inventory at hanapin ang potential hoarders?
Pakipuno na lang ang iba pang pagkain at produktong agrikultura na sinasabing may shortage at nagtataas ng presyo. Kakapagod din.
Ito na ba ang import era sa kasaysayan ng Pilipinas?
Kasi imbes ihinto at kumilos, puma-pattern ang import dependency ng Pilipinas sa mga desisyon ni Marcos Jr. Walang bago, palulubugin talaga sa hirap ang mga tao.
Ang problema, hindi nag-uugat si Marcos Jr. ng mga problema ng bansa.
Kaya ang nangyayari, hindi konkreto at hindi pangmatagalan ang mga solusyon sa food shortages at price increases na lalong nagpapabilis ng inflation.
Band-aid o shortcut solution niya tuloy ang mag-import.
Pag nagkataon, dadausdos pa lalo ang bansa nyan sa food insecurity imbes food security.
Kailangan pa bang sabihin na mas inaatupag pa ang image-rebuilding ng yumaong tatay na diktador sa buong mundo kaya parating excited mag-travel at puro pa-tweetums sa UN at foreign dignitaries?
Makinig sa mga tao at stakeholders. Alam nila ang mga totoong kalagayan ng kanilang mga industriya.
Edukasyon o paniniktik
Si Sara Duterte, busy sa red-baiting at wagi sa unang push sa Kongreso na mabigyan ng budget para sa intelligence work lalo na sa eskwelahan bilang DepEd secretary.
May P500 milyon sa OVP at P30 milyon sa DepEd.
Imbes tutukan ang learning poverty, kakulangan sa classroom, teachers, internet at pasilidad, paniniktik laban sa recruitment ng kabataan ang priority.
Sa estimate ng World Bank, 90.9 porsyento ang learning poverty sa Pilipinas as of June, 2022.
Ibig sabihin, siyam sa bawat 10 bata ay hirap magbasa at hindi naiintindihan ang binabasa.
Ang learning poverty ay percentage ng mga batang edad 10 na hindi nakakabasa at nakaiintindi ng simpleng aralin.
Aksyon ni Sara – nung September 22, humingi siya ng dagdag na P100 bilyon para lutasin ang problema sa pag-aaral ng mga estudyante.
Ang problema, walang malinaw na paggagamitan ng pondo ang hinihingi niyang dagdag budget.
Saan gagamitin ang budget? Ano ang mga programa at proyekto ang ipatutupad para sà ayusin ang sistema ng edukasyon? Ano ang targets? SMART ba as in Specific, Measurable, Achievable, Relevant at Time-bound?
Mukha ring hindi nagpapalalim at nagsusuri si Inday Sara dahil sigurado, hindi malulutas ang problema sa edukasyon sa loob ng lima hanggang anim na taon.
Pero kung may SMART kang plano, masisimulan ang spadework sa pag-aayos ng sistema ng edukasyon.
May masisimulan na totoong mga hakbang.
Kaso sa budgeting pa lang, kung seryoso si Inday Sara na tanggalin ang intel budgets bilang pagtugon sa panawagan ng marami, siya na mismo ang dapat nagpatanggal at hindi ipinaubaya sa mga kongresista at senador
Alam naman nating sa political patronage, sunud-sunuran ang mga mambabatas sa taong tumulong sa kanilang panalo.
Lumalabas na pakitang tao lang ang response ni Sara sa budget issue para masabi lang na responsive siya.
Ang ganitong pag-iisip at attitude ng public servants ay nakadepende sa taumbayan.