ICC nakarma – Robin; Goma nambatok ng elderly etc.

SENATOR Robinhood Padilla on ICC karma, Dec 17/25

Dahil kinu-c rucify nito si Duterte, nakarma ang ICC nang putulan sila ng credit cards, koneksyon sa banks at tech companies.

* February 6, 2025 pa nagtakda ng sanctions ang US sa ICC judges at prosec, at March 11, 2025 tinimbog si Duterts.  So, nauna ang sanction sa atraso.

***

Robinhood pa rin on ICC karma

“Nakakatakot kapag ang nag-iisang Diyos na ang gumanti sa mapagmataas, makapangyarihan at walang puso.”

*   Ahm, sino’ng Diyos, yung stupid? Sino ang walang puso? 

***     

Robinhood pa more on ICC karma

“Day of reckoning”

*   Spell reckoning    

***

LEYTE CONGRESSMAN Richard Gomez, Dec 16/25:

Sapul sa CCTV na binatukan ni Goma ang senior citizen at Presidente ng Philippine Fencing Ass’n. Rene Gacuma sa kasagsagan ng Southeast Asian Games na ginaganap sa Thailand.   

*     DDS movesJ

*     Consistent na napaka-sport na sportsman 

*     Ano’ng tawag pag pa-traydor umatake?

*     Finally, merong ka-tandem ito sa Davao 

***

GLOBAL SURVEILLANCE, Dec 18/25:

Breaking: US preparing Taiwan for war with China via massive $11 billion new arms package, the largest in history for the small country.   

*   Eto na naman tayo e, dating gawi, US sulsol-gatong ng gyera, this time China-Taiwan conflict, tapos magbebenta ng armas sa alyado. Sa huli, US ang nanalo. Wag ganun!

*    Tapos isinubo pa tayo rito sa Pinas, nagtayo ng 12 EDCA sites, very Marcos Sr and Jr puppet moves    

***     

MEGATRON, Dec 18/25

Breaking: Trump on Venezuela: We want Venezuela to give us the oil

*   Kaya pala attack mode ang Trump sa Venezuela. May nagwawalang war freak o!         

*   Panu ba makaganti sa Amerika sa pagdambong nito sa yamang kalikasan ng Pilipinas, gigil ako.