LUMABAS sa House quad committee na may kinalaman umano ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa drug trade, base na rin sa mga testimonya ng mga witness.
May magsasampa kaya ng kaso laban kay Duterte at kina Sendor Bato dela Rosa at Bong Go?
Nirekomenda kasi ng quad com na sampahan sila ng kaso base na rin sa resulta ng imbestigasyon.
Napagtagpi-tagpi ng komite na ang madugong war on drugs ni Duterte ay isang grand criminal enterprise.
Kaya pala walang nahuhuli at nakakasuhan na tunay na drug lord dahil namanipula nila ang sistema ng kalakaran sa droga.
Ito ay sa kabila ng kanyang matinding galit sa droga.
Natatandaan niyo ba yung lagi niyang sinasabi na “I hate drugs?”
Budol pala yun.
Walang naniwala sa mga sigaw ng mga biktima ng extrajudicial killing (EJK) na hindi sangkot sa droga ang kanilang mga pinatay na kaanak.
Yun pala, lumabas sa imbestigasyon ng quad com na inaalis nila ang mga local manufacturers na kakumpetensiya sa drug trade.
Milyun-milyong halaga ng piso ang pinamigay na reward money. Sino nga naman ang tatanggi sa kill order?
Kung hindi pa nagsalita ang mga resource persons tungkol sa nalalaman nila, hindi mabubuko ang ginawang kalokohan ng nakaraang administrasyon.
Bulag, pipi, at bingi na lang mga mga naniwala na maganda ang war on dugs ni Duterte.
Kaya, kasuhan na ang mga dapat kasuhan, para managot na ang dapat managot.
Tutal sinabi ni dating pangulong Duterte na “I will take full legal responsibility…blah blah blah.”