Huwag magpauto sa trapo at ‘haosiao’

NAPAKADAMING politicians na nais tumakbo sa darating na 2022 national elections ang nakatuon lamang sa posturing and visibility sa social media at maging sa mainstream media.

Nguni’t wala tayong nakikitang magandang track record nila at bihira tayong makakita ng mayroong platapormang ipatutupad nila kapag sila ay manalo.

Enabler nito ang mga “haosiao” o silang mga nagpapanggap na mga reporter o kalabit-penge na mga journalist at mga PR middlemen at mga kolumnistang attack-and-collect at defend-and-collect ( alam nyo na kung sino ang grandfather ng mga AC/DC na peryodista).

Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit immature, low, dirty at corrupt ang ating brand of politics, simply because of these heartless opportunists and selfish politicians.

Dumami ang mga ito sa social media lalo na ngayon na malapit na ang filing of candidacy, campaign at national elections.

Nakakabilib ang mga politicians na may malinis at dalisay na track record of genuine public service to the people particularly to the poor.

Kahit na nagwawalis ng kalye, nagliligpit ng basura, at naglilinis ng mga creek ang kanyang advocacy every day at least napakinabangan siya ng taumbayan.

Ingatan mo ang iyong dangal bilang tao, bilang Pilipino, bilang botante. Huwag kang magpauto sa mga ‘haosiao’ na politiko at PR. Tingnan nang maigi ang track record ng mga ito: may konkretong accomplishment ba ang mga ito? Sino-sino ang nakinabang sa mga paandar nila?

Napakahalaga ng isang boto mo. Mag-ingat at huwag magpauto sa mga haosiao at trapo.


Para sa tanong at mga komento, mag-email sa [email protected]