Hatian sa kayamanan problema ng ex-couple

NAGSIMULA nang ayusin ng isang dating mag-asawa ang hatian ng kanilang mga kayamanan makaraan silang magdesisyon na maghiwalay.

Lolo’t lola na ang mga bida sa ating kwento ngayong araw pero parang mga bata kung mag-away ang dalawa.

Si Sir ay galing sa isang kilalang political clan sa bansa samantalang si Madam naman ay naging local official noon ng isang lalawigan sa Luzon.

Ilang beses na ring naging laman ng blind item si Madam lalo na noong magkarelasyon sila ng kanyang bodyguard na isang bumbero.

Ngayon ay isang honorary consul ang sinasabing boyfriend ni Madam at proud siya rito.

Bilang patunay ay lantaran na at hindi na niya itinatago ang kanilang relasyon.

Si Sir na bagamat mayaman ay sobra naman sa pagiging sugarol kaya hindi maalis isipin ng aking spotter na baka iyun ang dahilan kaya ito kinasuhan ng katiwalian mula sa kanyang mga naging pwesto sa pamahalaan.

Ilang beses na ring namagitan sa mag-asawa ang kanilang mga anak pero talagang desidido na ang dalawa na magkanya-kanya na ng landas.

Sa isang mamahaling condo sa Makati City kasalukuyang nakatira si Madam samantalang nanatili naman sa kanilang mansion sa loob ng isang gated subdivision na hindi kalayuan nakatira si Sir.

Ang mag-asawang nagsolian na ng kani-kanilang wedding rings ay sina Mr. P….as in Palito, at Madam T….as in Tinikling.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]