Hashtag #OMG (Oh My Gas!)

NAGISING ako isang umaga na may bagong bike na nakaparada sa aming garahe. I asked my son where it came from or was it the same bike na naka-dismantle sa aming storeroom gathering cobwebs?

Sabi niya, galing daw sa kanyang ama with emphasis na “mahal na ang gasolina.”

Sa lahat ng kaganapan nitong nakaraang mga araw kaugnay ng mataas na presyo ng gasolina, naisip kong kumustahin ang aking pamangkin upang tanungin ang pulso ng mga nagpapakarga sa kanyang gasolinahan sa probinsiya.

Inamin niyang dama nila ang epekto ng pagtaas, subalit parang bitter pill na kailangan nila itong lunukin upang magpatuloy sa gawain o negosyo. Hiling daw ng kanyang mga kostumer na sana ay matuloy ang mungkahing ayuda.

As a gas station owner, (sabi niya small gas station owner) hinaing niya na naoobliga silang magreplenish ng oil products nila kahit hindi pa araw ng Martes. Aniya, disrupted din ang kanilang budget capitalization at kahit nadudurog ang puso sa sitwasyon ng mga magsasakang nagpapakarga ng diesel ay hindi rin maaring isakripisyo ang kapital o i-adjust ang presyo dahil magdudulot ng unfair competition.

Sa mahahabang pila ng tao sa pamilihan o saan man, madalas tila chorus na nauulinigan ang hinaing na katulad nito. Ramdam ang pangamba sa kanilang boses; pangambang isang araw ay magising na lamang sila na hindi na kayanin ang ripple effect ng implasyon.

Halos lahat ay may hugot sa pagmahal ng presyo ng gasolina na nagbunsod sa pagtaas din ng presyo ng lahat–mula pagkain, tubig at utilities. Kung maging mga propesyonal na matagal nang may naisubi for retirement ay umaaray, paano na si minimum wage earner?

Katunayan, buong mundo at lahat ng sector ay hostage sa walang katiyakang presyo ng langis. Halos bawat linggo ay umaakyat ito sa higit limang sentimo hanggang piso kada litro.

Dahil sa tumitinding tension sa pagitan ng Russia at Ukraine, at ang epekto ng sanctions na ipinataw sa agresibong bansa, hindi malayang nakakadaloy ang merkado dahilan upang maghigpit ng suplay.

Bago pa man makahulagpos ang nabangkaroteng ekonomiya sa epekto ng pandemya ay umusbong ang hamon ng implasyon na nakatakdang pumilay sa matagal ng baldado na sentrong pangkabuhayan.

At habang dumadaloy ang napakaraming election money na pansamantalang panakip sa masikip na bulsa ng botanteng bayaran, patuloy ang pagbaba ng halaga ng piso kung kaya ang anumang ganansiya ay wala ring kuwenta.

So may pag-asa ba para maibsan ang matinding epekto ng inflation dulot ng nagtaas na presyo ng gasoline?

Sa mga panukalang batas na inihain ng Bayan Muna partylist, tinukoy nila ang ilang rekomendasyon:

a) regulate the oil industry

b) renationalize Petron

c) centralized procurement of petroleum in the country

Sa press statement ng BM, isinisi ang matagal nang pagiging import dependent ng Pinas sa krudo at iba pang produktong petrolyo, dahilan upang di mapagtuunan ng pansin ang local development ng oil industry sa bansa. Malaking salik din umano sa mataas at di makatarungang presyo ang dikta ng monopolyadong transnational corporations (TNCs).

Iminungkahi ng BM na mahalaga ang government regulation upang itaguyod ang panlipunang kagalingan at ekonomiyang batay sa pagkapantay-pantay.

Agree ako na hindi na dapat sanang umaasa ang Pinas sa pag-aangkat ng langis.

Mayaman ang bansa sa mga lugar na puwedeng idebelop as local source. Ayon sa mga geologists, “very much underexplored pa ang Pinas in terms of petroleum exploration.” Partikular na dapat idebelop ang offshore ng hilagang Palawan, ang Recto Bank, na natukoy na gas-rich area.

Potensyal ding source ng gas ang mga karagatan ng Sulu. Kung madi-debelop ang mga target sources ng petrolyo, mababawasan ang pagtangkilik ng bansa sa imports.

At bilang resulta, mapuputol din ang dependence natin sa presyong dikta ng monopolyadong TNCs.

Ani Rep. Carlos Zarate ng BM, “…(producers and sellers) can fix and pad prices through hidden transfer pricing every step of the way, including the mere sale of petroleum and petroleum products from refiners to dealers…”

Nauubos na rin umano ang foreign currency reserve ng bansa dahil sa pagbili ng mahal na importasyon kung kaya iminungkahi niya ang centralized procurement system ng lahat ng aangkating langis, kabilang na ang pagtatalaga ng buffer supplies upang hindi mabigla ang publiko sa mga di inaasahang pagtaas bunsod ng man-made calamities gaya ng giyera.

While agree ako sa maraming puntos ng BM, sa isyu ng regulasyon ay may reservation ako diyan. Marahil kung tapat ang ahensiya na nakatoka sa usaping ito (and I highly doubt na may natitirang government agency sa kategoryang ito) ay amenable din ako. Otherwise, magiging ahensiya uli ito na source ng institutional corruption. Masyadong up close and personal ang karanasan ng inyong likod sa malawakang korupsiyon sa mga government institutions na bawat transaction ay kaduda-duda na.

Moral revolution at reeducation siguro ng government employees ang kailangan bago sila bigyan ng responsibilidad na mag-regulate. Prone to abuse kasi ang pagiging regulator. May mga regulation agency na nag-aabdicate ng kanilang public function upang paaboran ang mga utilities na may malaking selyadong envelope.

Sa tatlong rekomendasyon ng BM, ang core issue ay magkaroon ng regulasyon upang maibsan ang impact ng malupit na presyo at makamit ang pambansang kagalingan na pantay at maasahan ng publikong konsyumer.

May ilan ding kongresista ang naghain ng rekomendasyon na magbigay ang gobyerno ng ayuda o subsidy sa mga apektadong sector gaya ng transport, fisherfolk at farmers.

While commendable ang mga suhestiyong nabanggit, these are palliative measures.

Hanggang saan?

Hanggang kailan?

What we need are recommendations that do not encourage red tape and expand the already sickening corrupt process of government procurements.

Mapapa-OMG na lang ba tayo? Kahit mahirap, kaya pa ba nating magtiwala sa proseso ng regulasyon ng gobyerno?

Let us think of smarter solutions instead of those convenient to profiteers.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]