KANYA-KANYA nang diskarte ang mga pulitiko para ligawan ang mga botante at matiyak ang kanilang panalo sa darating na halalan.
May mga gumagamit pa rin ng old style campaigning tulad ng house-to-house visitation, paggamit ng tarpaulin, townhall meetings at iba pa.
Yung mga medyo techie mag-isip ay nagtatayo ng troll farm para paganahin ang kanilang pangangampanya online.
Lahat yan ay ginagawa na ngayon ng isang gubernatorial candidate sa isang malaking lalawigan sa Luzon.
Bagama’t medyo nakalalamang siya dahil siya ang incumbent governor ay ayaw pa rin niyang pakasiguro lalo’t dating kakampi at malakas rin na pulitiko ang kanyang makakaharap sa 2022 election.
Napansin ng kanyang mga tagasuporta ang sangkatutak na beads at bracelets sa kamay ng ating bida.
Sa kanilang pagtatanong ay kanilang nabisto na niresetahan pala si Gob. ng isang feng shui expert ng iba’t ibang uri ng pampaswerte at proteksyon.
Hindi bababa sa pitong uri ng lucky charm bracelets ang nasa magkabilang kamay ng ating bida at lahat daw ng mga ito ay may purpose ayon sa kanyang mga alalay.
Maging ang opisina ni sir ay puno rin ng lucky charm at yun daw ay para matiyak ang tuloy-tuloy niyang paglilingkod sa mahal niyang lalawigan.
Biro nga ng aking cricket, tiyak raw na mananalo ang ating bida kung gagamitin niya ang ipinagbabawal na “magic” sa halalan na kung tawagin ay dayaan.
Di na kailangan ng clue dahil sikat ito lalo na sa mga mahihilig sa mga pulitikong at sa mga mahihilig sa sexy movies lalo na noong 80s.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]