MAY isang bahagi ng buhay ko na masasabi kong proud ako hanggang ngayon at walang pagsisisi kahit ang kapalit nito ay pagkabimbin ng maraming pangarap.
Ito yung panahong nakagawa ako ng isang “significant act” para sa konsyumers at naitala ng Korte Suprema ang aking pangalan bilang nanguna sa paglaban sa korapsyon sa isang quasi-judicial agency ng gobyerno.
Taong 2014 napadpad ako sa bulwagan ng Department of Energy habang may nagaganap na press conference. Freelance journalist ako at naimbitahan ng media relations ng ahensiya na mag-cover. Ang topic ay tungkol sa yellow alerts at pag nipis ng supply ng kuryente. Nababahala ang lahat sa brownouts.
Dito ay nakilala ko rin ang ilang mga negosyanteng miyembro ng Filipino- Chinese Chamber of Commerce and Industry na noon ay nababahala naman sa paglisan ng ilang manufacturing companies sa bansa dahil sa mahal na overhead expenses, particular ang kuryente.
Kahit noong matapos na ang press conference ay nanatili akong di makontento sa mga narinig ko sa kumperensiya. May kailangan akong alamin. May mali sa sektor. May nangyayari na hindi tama pero hindi ko matukoy. May kulang sa mga datos nila. May hindi sinasabi sa publiko. Ang buong senaryo ay hindi nilalantad. May pinagtatakpan. At dito nagsimula akong magkainteres at magpalalim ng inisyal kong kamulatan.
Makalipas ang dalawang taong pananaliksik, ng mga interbyu at pag-aanalisa ng mga datos, at bilang executive director na ako noon ng research group na Matuwid na Singil sa Kuryente (MSK) itinatag naman naming ang bale tinawag na “armed group” o grupong titindig sa kalye o sa korte, ang Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas, Inc (ABP) at ako ang naging kinatawan sa paghahain ng kaso laban sa mga tiwaling government officials. Nagsimula akong humingi ng dayalogo, sumulat ng mga petisyon sa Energy Regulatory Commission tungkol sa overcharges at provisional rates ng Meralco.
Ngunit ang mga petisyon ay halos ayaw isalang sa hearing ng ERC. Ilang beses na sinabing hindi daw in form and substance ang mga petisyon namin. To the point na sumulat pa ako sa Inquirer na nailathala naman sa kanilang Letter to the Editor page dahil isa itong public interest issue. Sinabi kong ang ahensiya ay isang quasi-judicial agency, at hindi nito puwedeng sagkaan sa kanyang pintuan pa lamang, ang sinumang consumer group na nais maghain ng reklamo. Na ang tanging magagawa nito ay tanggapin ang reklamo ng konsyumers bilang ministerial duty nito, at hayaan ang naturang quasi-judicial court na dinggin at magbigay ng resolusyon sa naturang reklamo.
Bakit ito ngayon ang buod ng aking column?
Dahil kamakailan lamang, may gumawa ng koalisyon na ang pangalan ay Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas (ABP). Eksaktong-eksakto sa pangalan ng aming rehistrado sa SEC na organisasyon. Ibinandera sa headlines ang pagsasama-sama ng mga kandidato ng pamahalaan (opo, ang kasalukuyang pamahalaan) sa ilalim ng grupong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
Nakakabigla at nakakagalit siyempre. Hindi ba makapag-isip ng sariling pangalan ang grupo ng Pangulo? Wala ba silang ideya man lang sa salitang infringement? Dahil ba isa lamang silang koalisyon na temporary ang shelf life? Na kapag natapos ang eleksyon ay pulasan na sila para magpalipat lipat ng political party?
Kung sa pangalan pa lang ay walang originality at hindi humingi ng permiso sa totoong may-ari para gamitin sa pansariling kapakanan, paano titimbangin ang kredibilidad ng mga tumatakbo sa ilalim nito?
May track record kami (ang tunay na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas) bilang matuwid, may integridad na grupo ng advocates na lumalaban sa monopoly sa kuryente. Hindi naming nanaisin na mabahiran ng anumang negatibong kaisipan ang laban na pinuhunanan namin ng oras, salapi, dugo at pawis.
Para sa kabatiran ng publiko, narito ang buod ng naturang kasong isinampa ng ABP:
Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas versus Energy Regulatory Commission, et.al.
(G.R. No. 227670). Puwede po Ninyo itong i-Google.
Summary:
– The case involves a petition by Alyansa para sa Bagong Pilipinas, Inc. (ABP) against the Energy Regulatory Commission (ERC) and other respondents, including the Department of Energy (DOE) and Meralco.
– ABP, represented by Evelyn V. Jallorina and Noel Villones, filed the petition on June 11, 2015.
– The petition seeks to declare ERC Resolution No. 1, Series of 2016 (ERC Clarificatory Resolution) void and to direct the ERC to disapprove Power Supply Agreements (PSAs) submitted after November 7, 2015, for not conducting a Competitive Selection Process (CSP).
– The DOE issued a circular mandating all Distribution Utilities (DUs) to undergo CSP in securing PSAs, effective June 30, 2015.
– The ERC issued guidelines and resolutions postponing the CSP’s effectivity, allowing DUs to enter into PSAs without CSP.
– ABP argued that the ERC’s actions violated the DOE’s circular and constituted grave abuse of discretion.
Issue
1. Whether the ERC committed grave abuse of discretion in issuing the ERC Clarificatory Resolution.
2. Whether the separate PSAs of Meralco with respondent generation companies should be disapproved for failing to comply with the 2015 DOE Circular and CSP Guidelines.
Ruling
– The Supreme Court granted ABP’s petition.
– The Court ruled that the ERC lacks statutory authority to postpone the CSP’s effectivity date and cannot amend the 2015 DOE Circular.
– All PSAs submitted to the ERC after the CSP’s effectivity on or after June 30, 2015, cannot be used to pass on power costs to consumers.
– The ERC must require CSP for all PSA applications submitted on or after June 30, 2015.
– The decision was based on the interpretation of the EPIRA and the 1987 Philippine Constitution.
– The Court emphasized that the ERC’s role is to enforce the implementing rules and regulations of the EPIRA as formulated by the DOE.
– The ERC’s postponement of CSP was beyond its authority, as only the DOE has the power to amend, postpone, or revoke the 2015 DOE Circular.
– The purpose of CSP is to ensure transparency and competition in power supply procurement by DUs, providing least-cost electricity to consumers.
– The ERC’s postponement of CSP was a grave abuse of discretion, preventing the enforcement of a mechanism for transparent and reasonable pricing in a competitive market.
– The ERC’s actions were not coordinated with the DOE, further highlighting the lack of authority in issuing the ERC Clarificatory Resolution.