HINDI pinatulan ni Marcos Jr ang paggiit ng ilang sektor na i-invoke ang Mutual Defense Treaty ng Pilipinas sa US sa military-grade laser attack of China Coast Guard (PCG) sa ating Philippine Coast Guard noong Feb. 6, 2023.
Hindi rin kasi masasabing armed attack yan ng China sa defense treaty partner ng US na minamandato sa Mutual Defense Act.
May resupply mission kasi ang PCG noong mga oras na yun sa BRP Sierra Madre na naka-istasyon sa Ayungin o Second Thomas Shoal mula pa noong 1999.
Ang Ayungin ay 105.77 nautical miles sa pinakamalapit na probinsya ng Palawan at bahagi ng 200-nautical mile continental shelf na sinasabi ng UN Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Pero pinipilit ng China na ang Ayungin o tinatawag nilang Ren’ai Reef, ay parte ng kanilang Nansha Islands o Spratlys.
Nitong nagdaang mga linggo, mas lumutang nang madalas ang salitang gray zone tactics although matagal na itong practice ng China at Amerika.
Ayon kay Mico Galang, Defense Research Officer sa sa Research and Special Studies Division ng National Defense College of the Philippines (NDCP), ang gray zone ay “effort o series of efforts para makamit ang security objectives ng isang bansa na hindi gagamit ng direkta at malaking pwersa na hindi aabot sa aktwal na gyera.
Hindi naman daw ginagamit ng China ang salitang gray zone.
Kasama sa gray zone tactics ang disinformation campaign gamit ang media at social media para ipalaganap ang sariling narratives, political coercion gamit ang mga pulitiko at eleksyon.
Meron ding economic coercion tulad ng pagpapautang at kalakalan para mapalambot at di umastang palaban ang mga bansang binibiktima.
Nandyan din ang cyber operations tulad ng hacking at pagpapakawala ng computer virus.
Paliwanag naman ng isang eksperto, ang nangyaring harassment ay isang maritime gray zone tactic o warfare.
Ang gray zone tactics o warfare ay mga galawang ilegal na nakatago sa mga palusot tulad ng pag-angkin at pagdepensa ng lugar batay sa imahinasyong 9-dash-line, aktingan na pa-bully.
Dahil dyan, ayon sa isang eksperto- kaya itong pasinungalingan o baligtarin ng China.
Katunayan, sinisi pa ng China ang PCG dahil pumasok sa kanilang Ren’ai Reef nang hindi nagpapaalam.
Deny to death ang China: range detector daw ang gamit ng kanilang crew, hand-held laser at greenlight pointer para sukatin ang distansya ng dalawang barko at tiyakin ang kaligtasan sa karagatan. Nililito niya ang isip ng mga tao sa totoong kategorya ng gamit na green laser.
Walang pinag-iba yan sa katuwiran nitong weather balloon at hindi spy balloon ang pinasabog ng US sa airspace ng Alaska.
Ang mga aksyon daw ng China laban sa PCG ay batay sa international law at law of the sea.
Paniwala ni Retired US Army Col Ray Powell, bukod sa pagiging opaque o gray ng mga operasyon na coercive at illegal, ang mensaheng ipinararating ng China sa Pilipinas ay – amin ito, wala kaming pake sa Arbitral Tribunal decision na yan, kokontrolin namin ang papasok at lalabas dito.
Pinalalabo ng gray zone tactics ang application ng batas tulad ng international law at ang mismong arbitral decision para mas agresibo pa nitong saklawin ang halos buong South China Sea.
Ayon naman sa Research And Development o RAND, isang organization na nagsasagawa ng research at analysis para sa public welfare at security ng Amerika, gray zone activities ay pampe-pressure ng Beijing sa mga bansa para kumilos sila nang naaayon sa kanyang interes – at maitaguyod ang ekonomiya, foreign policy at seguridad ng China – nang hindi nagpapasimula ng kaguluhan.
Sa inilabas nitong paper nitong 2022, sinabi ng RAND na sa nagdaang isang dekada, gumamit ang China ng 80 gray zone tactics sa Taiwan, Japan, Vietnam, India at Pilipinas.
Ang gray zones na ito ay tinatawag ding Military Operations Other Than War (MOOTW) tulad ng pakikialam sa eleksyon, cyber campaign, physical intimidation.
Ang nakikitang solusyon ni Powell dyan ay gamitin ang bagong technology ng data providers na nagbibigay ng mahahalagang impormasyon na magagamit ng taumbayan.
Para maaksyunan ito, makatutulong din daw na kumunek at mag-usap ang advocacy groups tulad ng National Youth Movement for the West Philippine Sea, taumbayan, research centers at mga mamamahayag kasama ang mga ahensya ng gobyerno na kasama rin sa laban.
Ang pagkakaroon ng independent analysts ay maglalantad sa “coercive and illegal behavior using this technology, new data.”
Pero tulad ng nabanggit ni Galang ng NDCP, sabi ng dalawang iba pang eksperto, wala namang gray-zone tactics ang China kundi use of force to prevent adversaries na tinatawag ni China President Xi Jinping na “peacetime employment of military force”.
Nilalayon daw ng People’s Liberation Army na “mapangasiwaan at makontrol ang mga krisis” at “maiwasan ang gyera sa gitna ng umiigting na tension nito sa mga kapitbansa”.
Mailalarawan din ang ganitong active defense strategy ng China bilang “low intensity use of force in peacetime.”
Paniwala nina Roderick Lee, research director at Marcus Clay, analyst sa China Aerospace Studies Institute ng US Air Force, inilatag daw ni Xi Jinping ang use-of-force concept na ito bilang depensa noon sa pangamba nilang aatake ang Trump administration sa China.
Kumbaga, ang hugot is – nahubog ang konsepto na ito ng maling pagtingin ng China sa kanyang security environment ng American “military presence, actions at rhetoric.”
Lumabas ang pagsusuri na ito nina Lee and Clay noong May 2022, sa War on the Rocks, isang platform para sa analysis, commentary, debate at multimedia content sa foreign policy at national security issues.
Ang rekomendasyon nina Lee at Clay – dapat magbalangkas ng counter-coercive policy laban sa China at ano ang magiging papel ng US military.
Gaano kahanda ang stakeholders sakaling kubkubin at sakupin ng China ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal para lang ipahiya ang US na hindi agad makaresponde sa kanyang kaalyado?
Ayon sa dalawa, ang ganitong posibleng “peacetime military confrontations” ay hamon sa US na walang malinaw na patakaran sa ganitong sitwasyon.
Pero para matapatan ng bansa ang gray zone tactics, MOOTW o low intensity use of force during peacetime na ito, susi ang impormasyon na kailangan ng taumbayan para naka-alerto at aral ang anumang magiging aksyon.
Kadalasan daw kasi, mabagal maglabas ng impormasyon ang mga gobyerno sa maraming dahilan kaya malaki ang papel ng research at monitoring groups, media at mismong apektadong komunidad ng panggigipit na ito ng China.
Hamon din sa taumbayan ang pag-aaral sa papel ng US sa panggugulo at panghihimasok ng China sa Pilipinas.
Bagaman sinasabi ng gobyerno na independent foreign policy ang itinataguyod ng Pilipinas, may umiiral na Mutual Defense Treaty sa US – ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA na pinirmahan noong 1951 at pinalawig pa ngayong taon.
Para sa US, ito ay deterrent o panangga laban sa China, pero para sa mga freedom advocate, scholar, political analyst, war expert – isa itong magnet of attack para lalo pang gyerahin ang Pilipinas.
Sa totoo lang, either China o US ang may pakinabang sa tumitinding tension na ito s South China Sea,
Gustong maghari-harian ang China sa SCS na ilang dekada nang pinagsasamantalahan ng Amerika ang mga bansa sa Indo-Pacific region kung saan sunud-sunuran o tuta ang mga presidente at prime minister.
Sa makabagong panahon, pinaka-epektibo pa rin na pantapat ang pwersa ng nagkakaisang lakas ng mga mamamayan sa Asya Pasipiko at mga sumusuportang mamamayan sa iba-ibang bansa para baligtarin ang kaayusan sa bahaging ito ng mundo.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]