Grand Master Choa Kok Sui

IPINAGDIWANG, sa kaarawan nitong Agosto 15 ng pinakamamahal at pinagpipitagan nating spiritual guru na si Grand Master Choa Kok Sui, ang Founder’s Day.

Guru? Ano ba ang kahulugan ng salitang guru?

Tagapawi ng kadiliman.

Simbolo ng Liwanag ang spiritual guru. Tagapawi siya ng karimlan ng kamangmangan.

Tubong Cebu City, si Master Choa ang dakilang Founder ng Modern Pranic Healing at Arhatic Yoga.

Lisensyado siyang chemical engineer.

Sinanay ni Master Choa ang walong acharya upang tiyakin ang pagpapalaganap ng agham ng Pranic Healing at Arhatic Yoga.

Kalat ngayon ang mahigit 100,000 Pranic Healers at Arhatic Yogis sa mahigit 80 bansa sa limang kontinente – Africa, Europe, Asia, America, at Australia.

https://www.globalpranichealing.com/featured-events/global-arhatic-yoga-retreat/

Distant Pranic Healing

Sa pagsalakay ng pandemic, masigasig at puspusang ginamit ng Pranic Healers at Arhatic Yogis – sa pamumuno ng walong Acharyas – ang itinurong Meditation on Twin Hearts at Distant Pranic Healing techniques ni Master Choa para tulungang pagalingin ang mga nagkasakit ng COVID-19 at pagpalain ang ating daigdig at buong sansinukob.

Dalubhasa sa agham ng enerhiya at scientific spirituality si Master Choa. Buong ingat at talino niyang inilapat ang mga prinsipyo ng quantum physics sa larangan ng pagpapagaling ng mga maysakit at pagpapala sa santinakpan at Inang Kalikasan.

Malaking alay niya sa pangkasalukuyang henerasyon at mga susunod na salinlahi ang paggamit ng enerhiya upang pawiin ang iba’t ibang uri ng karamdaman. Wika ni Master Choa, di pamalit, kung di komplementaryo at pantulong lamang sa siyensiyang medikal, ang Pranic Healing.

Salamat sa mga anak ni Master Choa na sina Christine Choachuy, Catherine Choachuy, at Jason Carl Choachuy at sa Institute for Inner Studies, Inc. Nitong Founder’s Day, mahigit 4,500 Arhatic Yogis mula sa iba’t ibang sulok ng mundo ang lumahok, gamit ang Zoom, sa dalawang araw na Arhatic Yoga Retreat mula 14-15 Agosto 2021.

Tumulong sa mga nagsilahok ang 17 translators.

Pranic Healing

Isang pilantropo, namumukod-tangi ang talento at pandaigdigang katanyagan ni Master Choa.

Awtor siya nang mahigit 20 libro.

Isinulat niya ang The Ancient Science and Art of Pranic Healing (1987), Pranic Psychotheraphy (1989), Advanced Pranic Healing (1990), The Ancient Science and Art of Pranic Crystal Healing (1996), at Practical Psychic Self-Defense for Home and Office (1999).

Laganap sa iba’t ibang panig ng mundo ang kanyang mga kurso tulad ng Basic Pranic Healing, Advanced Pranic Healing, Pranic Psychotherapy, Pranic Crystal Healing, at Psychic Self-Defense.

Scientific spirituality

Siya rin ang may-akda ng Inner Teachings of Christianity Revealed, Superbrain Yoga, The Chakras and Their Functions, Achieving Oneness with the Higher Soul – Meditations for Soul Realization, Universal and Kabbalistic Chakra Meditation on the Lord’s Prayer, The Spiritual Essence of Man – The Chakras and the Inverted Tree of Life, Inner Teachings of Hinduism Revealed, Om Mani Padme Hum – The Blue Pearl in the Golden Lotus, The Origin of Modern Pranic Healing and Arhatic Yoga, at The Existence of God is Self-Evident.

Inilathala rin ni Master Choa ang Golden Lotus Sutras of Master Choa Kok Sui Series.

Isinalin ang kanyang mga akda sa mahigit 37 wika kabilang ang German, Indonesian Bahasa, Portuguese, Chinese,Polish, Spanish, Italian, Pilipino, Hindi (India), Malayalam (India), Telugu (India), Marathi (India), Gurujati (India), Tamil (India), Czech (Czech Rep.), Lithuanian (Lithuania), at Hungarian (Hungary).

Bumuo rin si Master Choa ng workshops upang mailapat natin ang mga prinsipyo ng scientific spirituality sa ating pang-araw-araw na buhay.

Kalat na ngayon sa limang kontinente ang kanyang palihan o workshop tungkol sa Achieving Oneness with The Higher Soul, Arhatic Yoga, Arhatic Sexual Alchemy, Higher Clairvoyance Development, OM Mani Padme Hum, MCKS Inner Christianity Revealed, MCKS Inner Buddhism Revealed, MCKS Inner Hinduism Revealed, at Spiritual Essence of Man.

Upang magbigay-gabay sa mga usaping pangrelasyon at pampinansyal, lumikha rin si Master Choa ng courses tungkol sa Kriyashakti, Pranic Feng Shui, at Spiritual Business Management.

Spiritual Guru

Sa pamamagitan ng kanyang courses at workshops, personal niyang tinuruan at sinanay ang libo-libong estudyante.

Personal na tinuruan ni Master Choa ang iba’t ibang uri ng tao. Kabilang dito ang mga magulang, estudyante, negosyante, edukador, inhinyero, abogado, at siyentipiko.

Tinuruan din niya ang health professionals gaya ng mga nurse, doctor, psychotherapist, psychiatrist, reflexologist, Reiki master, at accupuncturist.

Nagturo rin siya sa mga yogi, swami, pari, at madre.

Naging mag-aaral niya maging ang mga instruktor ng chi kung, tai chi, at martial arts.

Nagturo siya sa iba’t ibang panig ng mundo, gaya ng United States of America, Canada, Brazil, Argentina, Germany, Switzerland, Austria, Ireland, Italy, Thailand, Singapore, Malaysia, Indonesia, India, Czech Republic, Poland, Philippines, at Latvia.

Gift to Humanity

“Kaloob sa Sangkatauhan” ang kahulugan ng Choa Kok Sui.

Bilang natatanging spiritual guru at dalubhasa sa pagtuturo at paggamit ng agham ng enerhiya, binago, at patuloy na hinuhubog, ni Grand Master Choa Kok Sui ang ebolusyon at kasaysayan ng sangkatauhan.

Site: https://www.globalpranichealing.com/


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]