SINASABING isa sa pinakahinahangaan at nirerespetong civil society organizations o mga non-governmental at people’s organizations sa buong mundo ay matatagpuan sa Pilipinas na hanggang nitong 2023 ay mahigit 500,000 na, ayon sa panulat ni Mary Ann Reyes ng Philippine Star.
Bukod sa subok ang kanilang dedikasyon at mayamang karanasan sa paglilingkod sa masa, angat ang Philippines NGOs/POs/Foundations sa pagiging malikhain, husay sa pamamahala at serbisyong mala-one-stop shop.
Merong nakatutok sa relief at rehabilitation, pagpapatibay sa kakayahan ng komunidad na umasa sa sariling kakayahan at abilidad, pagpapaunlad ng komunidad, hanggang pakikialam sa pamamahala ng gobyerno para tiyakin na nagagawa nito ang trabaho sa taumbayan.
At ang malupit dyan, merong kilusan na ginagawa ang apat na susing trabaho na ng NGOs.
Nahubog ang aking NGO values at actions noong ako’y nag-community work. Kaya nga natutuwa akong malaman at mabalitaan na kahit wala na si Da King Fernando Poe Jr., idol ng aming pamilya, ipinagpapatuloy ng kanyang naiwang mga mahal sa buhay ang legacy na tumulong sa mga api at dukha.
Pero this time, institutionalized na ang pagtulong, ibig sabihin, organized na bilang foundation – may tuloy-tuloy na programa, napopondohan, umaaksyon agad-agad pag may kalamidad, at inaabot ang lahat ng lugar na kayang bigyan ng ayuda sa abot ng kanilang makakaya.
Aktibo ang FPJ Panday Bayanihan na pinangungunahan ni Brian Poe Llamansares, anak ni Senador Grace Poe, sa kanilang charity work – relief operations sa anumang kalamidad o pangangailangan tulad ng mga pagsasanay at edukasyon.
Nakapagbibigay sila ng Assistance to Individual in Crisis Situation, libreng kapon, anti-rabies vaccine at micro-shipping sa fur friends, financial assistance sa edukasyon ng mga kabataan, ayuda sa senior citizens at nagtataguyod ng sports tulad ng FPJ Cup. Nagbibigay rin sila ng food packs sa mga mangingisda na madalas ay kinakapos din sa pagkain.
Tinitiyak nila na umaangat ang buhay ng mga Pinoy sa kanilang mga pa-seminar sa livelihood tulad ng mango processing kung saan binabahaginan sila ng tulong pinansyal bilang puhunan.
Nagiging matagumpay ang mga proyektong ito sa pakikipagtulungan o ugnayan sa people’s organizations, agencies ng gobyerno at mga local government units.
Ang mga ganitong proyekto ay talagang nakatutulong para ibsan ang hirap na nararanasan ng ordinaryong tao at sa pamamagitan ng mga pagsasanay at edukasyon, ay natututo silang magpasya, tumindig at umaksyon sa mga mahahalagang usapin – kumbaga nae-empower sila.
Umulan man o umaraw, bagyo man o tagtuyot, tuloy-tuloy at puspusang kumikilos ang mga charity, development at political NGOs kasama ang malalaking negosyo na may Corporate Social Responsibilty programs at projects.