NAG-TRENDING sa social media si Apollo Carreon Quiboloy, ang spiritual adviser ni Presidente Rodrigo Duterte nitong nagdaang tatlong araw.
Kumalat kasi ang mukha ni Quiboloy sa universe nang ilabas ng US Federal Bureau of Investigation o FBI sa kanilang website noong January 31, 2022, ang wanted poster ng founder ng Kingdom of Jesus Christ, the Name Above Every Name, or KJC.
Wanted si Quiboloy sa Conspiracy to Engage in Sex Trafficking by Force, Fraud and Coercion, and Sex Trafficking of Children; Sex Trafficking by Force, Fraud, and Coercion; Conspiracy; Bulk Cash Smuggling.
Bukod d’yan nahaharap din Quiboloy at walong kasabwat sa kasong marriage fraud, fraud at misuse of visas, bulk cash smuggling, promotional money laundering, concealment money laundering at international money laundering.
Kaya anumang araw mula ngayon, aarborin na ng Amerika si Apollo Carreon Quiboloy sa pamamagitan ng extradition.
Isang dati naming kasamahan sa campus paper na nakatira sa US ngayon ang nagpatotoo na noon pa man, nagkakalat na ng lagim si Quiboloy at mga alipores niya sa Amerika. Katunayan, tinarget din siyang biktimahin.
Kwento niya, ilang taon na na rin ang nagdaan nang lapitan siya ng mga kawawang “agent” ni Quiboloy.
May identification cards at papeles ang mga Pinoy Quiboloy agents na nagsosolicit ng pera.
Kung aanga-anga ka, mapagkakamalan mong legit ang kanilang operasyon hanggang mabudol ka.
Masyado raw pasikreto ang pamamaraan ng mga tauhan ni Quiboloy at target ang mga Pinoy.
Nagsolicit na raw sila sa malaking store gaya ng Target, pero dahil bawal mag-solicit, umuwi silang bigo, bulilyaso, nada, nganga.
Hindi rin daw kasi marunong makipag-communicate sa mga tao.
Nalulungkot nga ang ating kaibigan dahil nagagamit sila para mandugas ng kapwa.
Sa wanted poster ng FBI, dalawang birthdates ang ipinapakalat ni Quiboloy – April 25, 1947 at April 25, 1950.
May wanted poster din na inilabas ang FBI sa dalawang hinihinalang kasabwat n’ya sa ilegal na gawain sina Teresita Dandan at Helen Panilag kahanay ng iba pang pugante mula sa Mexico at China.
Eeewww, mga dugyot at notorious, walang ka-class-class, lol!
Banat nga ng lawyer ni Quiboloy na si Ferdinand Topacio, bakit naka-timing kung kelan eleksyon sa Pilipinas.
Gusto raw sirain ang imahe ni Duterte at kumakandidatong sina Sara Duterte at Marcos Jr. O, ha, si lawyer ang nagsabi n’yan.
Talagang kayo pa nag-anggulo ng lalong ikasisira ng kliyente at nina Duterte at Marcos Jr.
Taktika ba yang pa-underdog para lalong maawa ang mga tao kina Duterte-Marcos Jr at makadami ng boto?
Duh, November 10, 2021 pa naglabas ng federal warrant para timbugin si Quiboloy at mga kasabwat. Research-research din pag may time.
Si Quiboloy ang latest addition sa mga tropa ni Duterte na nagbabagsakan sa kanilang mga pedestal.
Sa kanyang “Lutong Macau” privilege speech nito lang February 2, 2022, pinagbibitiw ni Senator Win Gatchalian si Energy Secretary Alfonso Cusi dahil sa kaduda-dudang $565-million sale ng 45% Chevron Malampaya LLC sa Dennis Uy-led Udenna Corporation.
Pinakakasuhan din ng Senado sina Cusi at iba pang sangkot sa multi-billion-peso Malampaya deal na ito.
Ilegal daw ang bentahan dahil wala itong approval ng gobyerno at walang inilabas na pera si Uy na crony at election campaign donor ni Duterte nung 2016.
Kailangan kasi may government approval sa Malampaya deal na ‘yan base sa legal, technical at financial na kakayahan ng buyer na Udenna.
Sa isang taong imbestigasyon ng energy committee ni Gatchalian, nadiskubre nilang walang pondo ang Udenna at lalo walang kakayahan na hawakan ang operasyon ng Malampaya.
Lumalabas na talo ang gobyerno at taumbayan sa bentahang ito na makakaapekto sa supply ng Kuryente.
Kung February 2 pumutok ang balita kay Cusi, February 1 naman sumambulat ang pasabog ng blue ribbon committee ni Senador Richard Gordon.
Pinupush ng committe ni Gordon na sampahan ng mga kasong kriminal sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque at iba pa sa hinihinalang multibillion-peso pandemic supply deals sa Pharmally Pharmaceutical Corp. noong 2020 at 2021.
Sa partial committee report, pinakakasuhan si Duque ng mga paglabag sa R.A. 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” at plunder o pandarambong sa sinasabing misuse of pandemic response funds.
Nagpa-rush daw ng P40 billion halaga ng medical supplies sa Pharmally ang DoH sa pamamagitan ng Department of Budget and Management’s (DBM) Procurement Service (PS-DBM).
Pero ang malaking pasabog dito – pinapanagot ng panel si Duterte “for betrayal of public trust”, isang basehan para sa impeachment.
E di ba nga, naglo-lawyer sa Pharmally, pinagbawalan ang mga opisyal na dumalo sa blue ribbon investigation at ginigipit at pinagbabantaan ang mga senador.
Una namang sumalubong ng kamalasan ang Duterte crony na si Dennis Uy, may-ari rin ng Phoenix Petroleum.
January 29, ngayong taon, inatras ni Uy ng P8 billion stock rights offering (SRO) ng pagmamay-ari niyang DITO CME Holdings. DITO ang pangatlong telco sa Pilipinas.
Sa SRO, inaalok ng isang korporasyon ang mga Ka-Publiko na mag-invest sa kanila.
Obviously, nilangaw ang panindang stocks ng DITO.
Nitong Enero, inireport ng Nikkei Asia na ang assets ng Udenna na pagmamay-ari ni Uy mula P31B nung 2015 ay tumalon aa P310B nung 2020.
Pero ang mga utang ng Udenna mula P22B ay lumobo naman sa P255B.
Ayon pa sa report, nalugi ang Udenna ng P8.6B noong 2020 dahil sa pandemic.
Hindi pa man sikat bagsak na.
Haay grabe, nakaka-tense ang mga event sa pagpasok ng Year of Water Tiger – halatang hindi umubra ang tiger powers sa kabulukan ng gobyerno.
Kaabang-abang tuloy ang paglilitis at pag-aresto ng International Criminal Court kay Duterte para sa “crimes against humanity”.
Ito yung Tokhang drugs war niya na pumatay ng 6, 215 base sa record ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA hanggang noong October 2021.
Ayan o, bababa kayo sa pwesto na ang baho-baho at hinahabol ng patong-patong na mga kaso.
London Bridge is falling down na ang drama ng mga kampon at kampo ni Duterte.
Kaya ba maaga pa lang nagbabalot-balot na ng mga gamit nya si Duterte?
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]