Exempted ka ba sa mandatory vaccination?

FIFTEEN million workers, o five million a day ang target na mabakunahan ng gobyerno sa gagawin na 3-day mandatory mass vaccination program na magsisimula sa November 29.

Malaking hamon ito sa kakayahan ng local government units at ng national and regional government agencies on how to implement the plan and how to make the vaccination accessible to workers.

Balak ng gobyerno na gawing non-working holiday ang tatlong araw na ito upang makamit ang tinatarget na bilang ng mabakunahan.

Ang isa sa mga isyu rito ay ang mandatory nature ng vaccination at base sa aking pagkakaintindi yun lamang may adverse reaction and allergies to vaccines ang hindi papayagang makapagpabakuna.

Maaring kunin ang certification for ineligibility for vaccination sa government o company physician.

At doon naman sa ayaw talaga magpabakuna, they will be required na magpa-COVID testing once a week at their own expense.

Pini-pressure na rin ng ilang kumpanya ang kanilang manggagawa na hindi pa nagpapabakuna. Binigyan na ng warning ang mga ito na hindi sila papapasukin sa trabaho kapag hindi sila bakunado.

Hindi natin mabatid kung ilan sa 43 million Filipino workforce ang hindi pa bakunado dahil nahirapan sila makakuha ng slots at kung ilan naman ang talagang takot lang sa kahit anong vaccines.

Nawa’y walang coercion o sapilitan at walang discrimination na magaganap sa mass vaccination next week. Nawa’y maging matagumpay ang programa upang marami sa mga manggagawa ang maging protektado sakaling malakihan ang pananalasa ng matinding variant ng COVID19.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]