Endo at dagdag sahod sa incoming president

PALALAKASIN ng mga labor groups ang laban sa Endo at dagdag sahod ng mga manggagawa kahit sinuman ang uupo na bagong presidente ng ating bansa.

Sa kasalukuyang matinding hirap ng buhay ng mga manggagawa at pamilya nito, siguradong walang ‘honeymoon’ period para sa mga labor groups at kung sinuman ang mananalong pangulo ng bansa.

Tiyak na mangangalampag ang mga manggagawa at mga kinatawan ng mga manggagawa na mga unyon, pederasyon, labor centers at mga workers organizations at mga advocates kabilang na ang mga allied organizations at mga kinatawan ng iba’t ibang social at political movements at sisingilin ang mga nahalal sa pwesto na unahin ang mga polisiya at programang makakatulong sa taumbayan.

Dederetso na sa Malacanang ang daluyong na ito kung saan nagtapos si outgoing Pres. Digong. Ibinasura ni Digong ang anti-Endo bill at patay-malisya siya sa panawagan ng obrero na dagdag sahod.

Nag-commit si Digong sa labor movement sa isyu ng Endo sa unang dalawang taon ng kanyang liderato. Nguni’t dahil napakataas ng kanyang popularity at performance rating sa mga survey at buong pwersang umalma ang mga local ang business chambers sa bansa, Digong vetoed the anti-Endo bill at the last minute.

Lalong bumagsak sa pinakailalim ang kalidad ng buhay ng mga manggagawa at kanyang pamilya noong matingkad ang salot ng COVID19 pandemic sa administrasyon ni Digong. Dahil contractual ang mga manggagawa at napakaliit na ng sahod, natural tendency ni Duterte na pangalagaan ang mga negosyante kaysa mga manggagawa.

As a politician, nais niyang ipakita na ginagawan niya ng balanse sa gitna ng interes ng manggagawa at negosyante at kapitalista ngunit hinayaan nya na magpatupad ng pro-business ang kanyang mga alipores. Nguni’t kung isa-isahin at susuriin natin ang mga polisiya ng Duterte administration, pro-business ang default behavior nito.

Kaya heto tayo. Napakalawak na ng Endo at sadsad na ang sahod ng mga manggagawang walang malinaw na kinabukasan.

A few days after the elections today, ratsada na agad ang mga isyung ito ng mga manggagawa. Sigurado ito. Kaabangan ang magiging tugon ng bagong halal na pangulo sa mga isyung ito.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]