DOLE versus bigtime businessman

NAGSAGAWA na ng labor inspection ang Department of Labor and Employment sa isang malaking property developer firm na inireklamo ng mga employees dahil sa ipinatutupad nitong “no vaccine, no work, no pay, no commission.”

Isinagawa ang labor inspection sa central office at ilang branches nito batay sa hiling ng Trade Union Congress of the Philippines kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Nagsalita na ang Department of Justice na bawal ang tanggalin at hindi tanggapin sa trabaho ang manggagawa kung hindi bakunado.

Ilegal din ang hindi pagbibigay ng sahod, benepisyo at mga commission ng mga manggagawang unvaccinated.

Dito natin mababatid kung gaano ba kaseryoso ang DOLE sa paglaban sa ipinatutupad na illegal practice na “no vaccine, no work, no pay” policy sa mga manggagawa.

Sikat na negosyante kasi ang may-ari at isa siya sa pinakamayaman dito sa Pilipinas dahil sa kanyang multi-businesses company.

Dumating sa kumpanya ang mga labor inspectors ng DOLE mula sa national office mismo dahil hindi inaaksyunan ng DOLE area office ang matagal nang complaints ng mga employees nito.

Kakausapin ng mga labor inspectors ang management representatives at employees representatives gamit ang assessment checklist.

Matapos ang assessment and inspections onsite, iisa-isahin ang mga violations ng kumpanya at binibigyan ng 10 araw ang management na itama ang mga violations.

Babanggain kaya nang tutuluyan ng DOLE ang bigtime na negosyanteng ito? Abangan!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]