DA WHO: Mr. Politician at TV reporter nagkaroon ng past

HANGGANG ngayon pala ay laman pa rin ng kwentuhan ng ilang reporter ang namagitang relasyon ng isang beteranong pulitiko at isang mamamahayag.

Noong una ay hindi ako naniniwala sa kwento pero marami na ang nagsabi na mayroon daw na namuong short romance sa pagitan ng dalawa.

Si Mr. Politician ay hindi macho.

In short ay gwapo rin ang hanap nya na nakita niyang katangian sa isang male reporter na hindi na aktibo sa kasalukuyan.

Pinasagot pa nga raw sa isang memo ang nasabing reporter dahil naging isyu noon ang pagtanggap niya ng mga regalo kay Mr. Politician na noon ay isang local executive.

Bukod sa mga gadget pinaulanan rin daw ng cash ang nasabing mamamahayag ayon pa sa aking spotter.

Mismong ang crew ng mediaman ang nagkwento ng mga kaganapan nang minsan silang magkober ng kalamidad sa lalawigan ni Mr. Politician.

Dun nila nakita ang sweetness ng dalawa bagay na naging laman ng mga usapan hanggang sa makabalik sa Metro Manila si poging dating reporter.

Nagtataka rin ang mga crew ng mamahayag kung paano niya nasikmurang makipagrelasyon kay Mr. Politician na ayon nga sa kanila ay mukhang kontra bida sa pulitika.

Clue. Matalino si Mr. Politician kahit na hindi maganda ang rehistro ng mukha sa pelikula.

Si dating mediaman naman ay pwedeng action star dahil sa kanyang kakisigan.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]