Corruption nasa genes na ng mga Marcos, Duterte

RAMIL Madriaga, dating political at security operative, founder ng “Inday Sara is My President Pilipinas (ISIP) at nagpakilala ring former “bagman” ni Sara Duterte, ibinulgar ang mga karumal-dumal na krimen ni Bise Inday at pamilya.

Kasama rito ang paggamit ng pera mula sa POGO at illegal na droga sa kanyang 2022 campaign. 

Kasalukuyang nakakulong si Madriaga sa kasong kidnap-for-ransom sa BJMP.

*    Whew! Uwian na guyz, may nanalo na, drug lord na, plunderer pa

*** 

JOJO CADIZ, dating DoJ Usec na inappoint ng pangulo, Ilocano, at sinasabing bagman ni Marcos Jr, nag-resign noong Dec 5, 2025. 

Ito’y matapos ibulgar ng Rappler na isa ring contractor si Cadiz na nagnakaw diumano ng multi-milyong pondo sa kabang yaman para sa flood control projects sa probinsya ni Marcos Jr. sa Ilocos. 

Ang kumpanya niyang JSJ stands for Jojo Shem Jopet –  ay tumutukoy kina Cadiz, wife at 19-year-old anak na si Jose III Gigantone Cadiz, kung kanino nakapangalan ang kumpanya.

Lumutang ang pangalan ni pa-low profile DoJ Usec  nang ikanta ni Zaldy Co na inabot niya kay Cadiz ang tumataginting na P1 billion kurakot para kay Marcos Jr. Aw!

*    Wow, Dutertes at Marcoses, in power together, korap forever! Onli in da Pilipins! 

***    

IBINISTO naman ni Madriaga na inutusan siya ng asawa ni Inday Sara na si Mans Carpio,  na i-pick up ang misteryosong magnetic filters sa Bureau of Customs.  

*   Eto na nga ba ang missing link sa missing magnetic filters?  

***   

UNANG PINASABOG ng Philippine Center for Investigative Journalism, November 29, 2025 ang nahalungkat nilang impormasyon na kinorner ni Presidential Son at House Majority Leader Sandro Marcos ang pinakamalaking “allocables” sa National Expenditure Program.   

Ito at halos P1.2 trillion sa nagdaang tatlong fiscal years. Ayon sa PCIJ, nakakuha si Sandro ng P15.8 bilyon habang P14.4 bilyon naman ang kay Martin Romualdez.

*     Kung may Inday Lustay, meron na ring Manong Lustay! 

***     

PALIWANAG pa ng PCIJ, ang Ilocos Norte District na meron lang 320,000 populasyon ay binagyo ng higit P15 bilyon allocation samantalang ang Rizal Province District 1 na may pinakasiksik na populasyong 1.2 million sa Pilipinas, ay napartehan lang ng P7.8 billion allocable.

*     Iba ang may tinitingnan at iba ang may tinititigan!

***    

IBINUKING naman ni Madriaga, inutusan din siya ni Inday Sara sa pamamagitan ng dalawang tauhan ng bise na mamahagi siya ng tig-P30 milyon na nasa duffle bags sa iba-ibang indibiduwal.  

*    O, wag nyo kong tingnan. Wala ako natanggap, sa iba inabot!

***    

PAGBUBULGAR noon ni Zaldy Co, kumubra ng P25 bilyon mula sa insertions si Marcos Jr. 

*      Like father, like son!  

***    

Malinaw pa sa klaro ito –  may kanya-kanyang “bagman” sina Marcos Jr at Inday Sara.  

*     Buti pa sila may “bagman”, ako bag na nga lang, wala pang laman.     

***    

Kung gagawa ako ng inferences:

SA PASABOG ng PCIJ at Rappler, lumalabas tumubo na sa Genes ng Marcoses, trapos at taong gobyerno ang corruption.

SA IBINULGAR naman ng Bilyonaryo, nagmistulang Bagong Reyna ng Narcopolitics si Inday Sara at ang Dutertes – Drug Lords.