NITONG past few days, sobrang dami ang naiterbyu namin na mga aplikante na nais magtrabaho sa abroad. At karamihan sa kanila ay mga katatapos lang ng kanilang pag-aaral at nais nang tumulong sa mga magulang. Iba naman sa kanila ay nais may patunayan na.
Ngunit may mga napapansin ako sa mga nag-aaplay na mga batang aplikante ngayon. Tila may kulang pa.
Kulang sa confidence, passion at mababaw na salita. Hindi rin naman masisisi dahil kulang pa nga sa experience.
Karamihan sa mga naencounter ko na mga aplikante ay mga hindi tumatagal ng isang taon sa isang trabaho.
Ang dahilan? Naiinip sila sa process of growth sa kanilang karera. Ang resulta? Palipat-lipat ng trabaho.
Marami na rin akong nabigyan ng tips na sana ay magamit nila sa kanilang pag-aaplay. Hopefully makatulong din sa inyo.
1. Kung anong pagsisikap ang ginawa mo para sa iyong academic achievement, i-aplay mo rin sa iyong trabaho.
It took you a lot of patience to finish your degree, dapat dagdagan pa ito pagdating sa iyong trabaho. Walang perpektong kumpanya at hindi lahat ay madali. In short, trust the process of growth. Stay for at least a year or two lalo na kung ang kumpanya ay promising.
2. Dagdagan ang mga skills at knowledge upang mag-excel sa karera.
Umattend ng mga trainings, tumanggap ng mga task beyond your job description as long as it will provide you growth. Minsan, hindi mo akalain na may mga trabaho na akala mo ay hindi para sa iyo, ngunit madidiskubre mong fit ka pala rito
3. Grow emotionally sa trabaho.
Maraming challenges na hindi ka magiging kumportable. Stress can be the number one factor kaya marami ang bumibitaw sa challenges sa isang karera. Hindi maaaring mapropromote ka na walang kasamang stress. And how to prove that they can promote you?
It is not just by working hard, but also being smart, emotionally. Papaano mo mamomotivate ang isang kasamahan? Papaano mo papatunayan mo na kaya mo ang isang project kung hindi ka tatanggap ng mga task na pinagkakatiwala sa iyo? Papaano mo ihahandle ang isang conflict sa trabaho at sa mga kasamahan? In this way, malalaman mo na kapag nalampasan mo mga ito, may mga ibang challenges ka pang susuungin at “lumelevel-up” pa ito.
4. Matutong makisama sa mga katrabaho.
Hindi isang “fairy tale” ang pagtatrabaho. May mga ibat-ibang karakter ng mga katrabaho ang mae-encounter mo sa isang kumpanya. Always choose to be kind to others. Ngunit kahit paano matuto ka ring mag-discern kung sa tingin mo ay nagiging abusado na sila sa kabaitan mo or generousity to lend a helping hand. State your boundaries too.
5. Being passionate in work is not enough.
Kailangan samahan din ng dedication at discipline. Passion is emotion. Pag nawala na passion mo sa work magpapatuloy ka pa ba unless you have the dedication and discipline? These 3 combination is essential for you to remain focus and empowered at work.
Lagi kong advise sa mga batang nag-aapply na hindi “walk in the park” ang isang trabaho. Kaya hopefully makakatulong ang mga naibigay kong tips para sa isang maayos na simula. Till our next column!