P142.7 BILLION budget insertion ni Senate President Chiz Escudero, iimbestigahan
* Siksik sa ham and chiz sabi nga, malasa nga panis pa rin
* Ano to- dunung-dunungan sa ‘insertions’, bobo-bobohan sa ‘forthwith’
***
Ayon sa political observer na si Thea Tan , ipamimigay ang Budget insertion ni Escudero,sa mga bestie na kaalyado: P128B Joel Villanueva ng Bulacan P9.1B sa teritoryo niya Sorsogon, iba
* That’s what friends are pour di ba, buhusan mo ng blessings
***
Nagpamudmod din si Escudero sa mga Davao, Cavite, Mindoro, Batangas, Quezon at iba pa.
Pero nagtataka si Thea Tan:
1. 5 flood control projects para sa iisang ilog na phase by phase?
2. Nationwide flood control.projects na may P500 million allocations pero walang tinukoy kung saan-saang lugar?
3. P100 million bawat probinsya na yan na halos pare-parehong solar light projects?
* Wagas sa kababuyan, este sa pork barrel
***
Banat pa ni Aling Thea Tan, ang delikado sa Bicameral conference kung saan siniksik ang mga taba –
1. Walang record ng deliberations
2. Walang official minutes
3. Walang public log kung sino nagsingit ng kung anong pondo para sa kung anong project
4. Walang roll call votes, kasunduan lang behind the scenes
5. Walang access ang mga tao sa mga pagbabagong ginawa
6. Higit sa lahat – walang media o civil society sa bicam
* Tagong-tago, sealed with a kiss of death para sa madlang pipol; daig pa ang larong taguan-pung!
* Ano’ng tawag kung walang transparency, walang accountability: e di, perfect crime
***
20 percent flat rate na buwis, ipapataw sa time deposit
* Ang pamahalaan mabilis maghanap ng mapagkakakitaan, pero mabagal maghanap ng paraan para puksain ang katiwalian
*pandagdag campaign funds ba yan sa 2028 presidential elections
***
Prayer rally ng Duterte followers sa The Hague, sagana sa kaldag, giling at kembot pababa nang pababa
* Yan na ang bagong ritual dance ng kulto, ano ba, pa-update ka nga sa Netherlands police
* Hindi talaga biro maging Dutertards, araw-araw tanga; umaga’t gabi nabubuhay sa fake news, delulung-delulo!
***
Al Jazeera story: AI and disinformation fuel political tensions in the Philippines
* Ganyan kadugyot at kabaho ang may paborito ng durian, achooo!
***
DDS: Duterte, da best president the Philippines ever had
* Tumpak! The best at pinakamaraming diskarte sa pagnanakaw: Philhealth anomaly, confidential and intelligence fund, POGO, eSabong, illegal na droga, etc
***
Unang Dalian Train na proyekto ng pumanaw na dating Pres Noynoy Aquino, nakabyahe na sa LRT matapos ang halos 10 taon na tinengga ni Duterte.
Mabibigat daw kasi at iba pang problema ang dahilan, pero nang tsinek ng Germany-based TUV Rheinland 2018, e ready for use
* Imbes Dalian, Tinagalan ni Duterte ang paggulong ng trains para mambuset
* Nakakulong na umaalingasaw pa ang baho


