CHINESE Embassy inakusahan si Philippine Coast Guard Spokesperson Jay Tarriela ng walang respeto at humingi ng paliwanag sa paggamit ng caricature kay President Xi Jinping sa kanyang slide presentation nitong January.
Imbes patulan, pinakain ni Tarriela ng Januaray to December 2025 datos na mas tumindi pa ang agresyon ng China sa West Philippine Sea na nagtala ng higit 800 maritime militia, China Coast Guard at People’s Liberation Army-Navy maritime operations sa Kalayaan Island Group (KIG).
* Ang paggamit ng caricature at satire o panunuya ay parte ng malayang pamamahayag. Palibhasa kase, walang press freedom sa China, ang meron sila suppressed freedom.
* Lumalabas sa datos na mas bonggang bastos ang China sa pananagasa sa karapatan ng Pilipinas sa saklaw nitong Exclusive Economic Zone na pinagtibay pa lalo ng 2016 Arbitral Tribunal decision. Sakit nyo sa bangs.
***
TODO deny naman si Rodante Marcoleta na sinabi niyang i-give up na ang Kalayaan Island Group dahil hindi naman daw sakop ng EEZ ng Pilipinas ang mga batuhan na meron doon.
Mamser, nakatala at lumabas sa media na sinabi mo yan nung February 4 sa hearing ng Committee on Appointments.
* Guyz, sa totoo lang nagsasabi lang ng kanyang paniniwala si Tsinador Marcoleta at willing naman siyang pasinungalingan ang naunang sinabi dahil tulak ng China, ehe este tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
Ituloy mo lang yan dahil kahit kelan naman, wala kang sinabing tama.
***
SUMABOG na naman si Bilyonarya, este Milyonarya na lang pala, dating senadora Cynthia Villar sa video na nahiram ng Politiko, sinigawan at kinastigo niya ang mga sekyu na nagpatupad ng bagong traffic scheme at naglagay ng mga bollard o mga harang sa kalsada.
“Ano’ng kalsada, Harap ng bahay ko yan lahat. Bakit yung iba hindi mo nilalagyan? … Ikaw lang ang tanga. Ako hindi tanga… Itong lahat ng ito, mula dito, amin lahat yan! Wag nyo kong pakikialaman!”
* Dami ko namang tawa sa comment ni netizen Justinmaniluh sa X-Twitter “Wala talagang character development si Cynthia.”
Sige po seryosohin na natin ang maraming eksenang ganyan ni Cynthia at gawing pelikula.
Ang totoo nyan, yan na mismo ang character ni Cynthia Villar, as in developed na.
Butangera, feeling privileged pa, pero looking impoverished na. Parang feeling maganda pa rin, pero looking panget na sa kasamaan.
Mantakin nyo nagbabagsakan ang Villar Empire – kinasuhan ng SEC ng insider trading, manipulation para tumaas value ng Villar land. Nauna riyan, iniwanan na ng mga consumer at partner ang Prime Water nila.
Pagtapos magsampa ng criminal case ang SEC vs Villars nung January 30, agad-agad nabangasan ng $1.2 billion ang $4.5 billion ang yaman nila.
* Leveled-up Pinay Karen ini. Basura ever.
***
SAMPOL ng ilang beses nagpahayag si Chinese President Xi Jinping na ang China ay naninindigan para sa peace: Sa Geneva January 18, 2017; December 31, 2024 New Year’s Message kay Putin; at September 3, 2025 para sa 80th anniversary ng Chinese People’s War of Resistance Against Japanese Aggression and World Anti-Fascist War.
FACTS: May maritime conflict siya sa Pilipinas, Vietnam, Japan, Indonesia, Malaysia, South Korea, North Korea, Singapore at Brunei. May territorial claims naman siya sa Taiwan, Nepal, Bhutan, India, Laos, Mongolia, Myanmar at Tibet.
* Inaagresyon nya ang 17 bansa at ninanakawan ang yamang dagat (illegal, unregulated fishing) ng Ecuador, Peru, Chile, Brazil at Argentina.
Aba, baka hindi PEACE ang gusto ni XI Jinping kundi a PIECE of the territories at marine resources ng bawat bansang ito.


