NAKAWIWINDANG talaga ang halos buwanang pagtaas ng LPG ngayong taon maliban noong April at May.
Hanggang nitong nakaraang Linggo, lumalaro ang bentahan sa P861.40 – P1,076.40 kada 11-kilogram na tangke sa Metro Manila. Potek!
Ngayong 2021, pumalo ang kabuuang dagdag sa presyo ng LPG sa P20-P21 kada 11-kg na tangke. Di pa ba ganid yan.
Pinakulo pa ang dugo natin nang sumabog ang balitang lugi ang gobyerno at magtataho sa P138 bilyon deal ng kumpanyang Udenna ng Duterte crony, Dennis Uy, nang hinakot niya ang 90% shares ng Shell at Chevron sa Malampaya Natural Gas Project sa Palawan.
Hamak kasing mas mura at malinis ang Malampaya gas kesa sa imported na krudo at gasolina.
Para palamigin ang mga ulo natin, nagbawas presyo ang mga dayukdok na oil giants sa LPG nito lang Martes, Nov 9, 2021.
Then, pag lumamig na ulo natin, raratsada na naman ng LPG hike yan.
Y?
Kase, mismong si Republic Gas Corp (REGASCO) owner, President Arnel Ty, ang nagbabala sa mga consumer, na maghanda dahil sumirit ang presyo ng cooking gas sa pinakamataas sa loob ng limang taon.
Asahan din na tuloy-tuloy ang LPG/ oil price hikes ngayong winter months hanggang sa first quarter ng 2022.
Syempre, magpapasko at dahil pinakawalan na sa mga lungga ng community quarantine ang mga sabik, kaya waldas left and right na yan sa malls, ukayan at sinehan.
Consumer spending ang sisipa nang malakas sa pagbubukas ng ekonomiya, kaya samantala to the max ang local at international oil cartels.
Tanong, may magagawa pa ba ang gobyerno para mabatak pababa ang domestic LPG prices?
Ang produktong petrolyo ay pinapatawan ng dalawang buwis: excise o business tax, at expanded value-added o sales tax.
Parehong ipinapasa yan hanggang sa mamimili ng kangkong.
Pinaka-kering solusyon dyan na magagawa ng powers ni PDuts ay buwagin ang mga pangit at pahirap na excise at e-va-taxes sa produktong petrolyo.
Petrolyo ang literal at talinghaga na nagpapaandar sa ating ekonomiya kaya walang talo pag binuwag yang kambal na buwis sa langis.
Tama, makatarungan, makamasa at transparent lang ang panukalang batas ng Makabayan Bloc sa Kamasa na isa-isahin (itemize, unbundle) ang pinupuntahan ng bawat sentimo na binabayad natin sa presyo ng langis.
Alam mo yun – people’s right to know: walang itatago, lahat isasa-publiko, o di ba, tag ng online news portal na ito.
Eto, medyo mahirap at hindi agad magagawa dahil kailangang i-proseso:
Bawiin sa Udenna company ni Duterte Crony at China front man, Dennis Uy, ang stakes ng Shell at Chevron at bilhin ito ng gobyerno thru Philippine National Oil Company o PNOC.
Sa ganitong paraan, mas makikinabang tayong lahat na amoy pawis kasama na ang maglalatik.
Isa pang dapat gawin:
Buwagin ang oil deregulation law.
Pinatotoo nito ang mga sinisigaw ng mga aktibista na mas malayang makakapagtaas presyo sa mga produktong petrolyo ang oil companies – in short – mas monopolisado na ng oil giants ang presyuhan.
Kapalit nito – dapat ibalik ang price control mechanism ng gobyerno.
Agree much din ako sa panukalang batas 244 ng Makabayan Bloc na bawiin na ulit ng gobyerno ang pagma-may-ari sa Petron para siguradong pinakababa ang ibebentang langis. Dati itong hawak ng PNOC.
Makes sense din ang push ng Makabayan Bloc na magtayo ng National Petroleum Exchange Corporation sa kanilang House Bill 4712.
Ito ang magiging sentro ng distribusyon ng lahat ng produktong petrolyo sa pribadong kumpanya. Titiyakin nito na walang tapon sa taguan o imbakan ng langis.
Kailangan pigilan ng gobyerno ang oil price hikes na ito habang may panahon pa bago pa man sumabog ang galit pati ng Dutertrolls at DDS fans..
Itong oil price hikes ay tagos sa sikmurang problema ng ordinaryong Pinoy na magseselyo ng pagkatalo ng Duterte candidates sa 2022 kapag hindi ito kinontrol.
Kung gusto, may paraan.
Kung ayaw, may dahilan.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]