WALA talagang integridad ang liderato ng gobyernong ito.
Sa management lang ng COVID-19 pandemic – magulo, walang basehan sa science, madugas at illegal ang ilang ginagawa.
Nakakatawa nga, hina-hype nila na mananalo ulit sila sa 2022 presidential race, nagma-mind conditioning.
Kahit ano pang panloloko ang gawin sa mga tao, mabangis pa rin ang galit ng sikmurang kumakalam – lumalatay, nag-iiwan ng malalim na alaala, hindi nakalilimot.
Paano ka mananalo kung palpak ang health emergency crisis management mo, ass-licker ng China sa West Philippine Sea issue, mad killers sa tokhang operations at vicious peddler ng mga kasinungalingan, misinformation at disinformation.
Kelan nga lang, nabisto ang tangkang pagda-divert ng administrasyong ito sa isiningit at pinalulusot ng Department of Budget na P54.6 bilyon ng P405.6 bilyon Bayanihan 3 Stimulus Package.
Pangalawa ito sa pinakamalaking pondo sa Bayanihan 3 proposed budget kasunod ng ayuda na ipamimigay ng DSWD.
Hirit ng bill authors, ilalaan ito sa malaking budget na binawas sa pension at gratuity pay ng mga sundalo at pulis sa budget noong 2020.
Sa Chapter VI, Section 27 ng substitute bill Bayanihan to Arise As One Act or Bayanihan 3, P54.6 bilyon ang ipopondo sa pension arrears ng retired military uniformed personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).
Una, kelan naman naging frontliners sa COVID fight ang mga sundalo at pulis?
Pangalawa, bakit binabraso ng Palasyo ang panukalang batas na tugon sa COVID pandemic?
Inamin ni Marikina Rep. Stella Quimbo, isa sa authors ng Bayanihan 3, wala sa original six bills ang kwestyonableng palusot sa budget na pinasingit ng DBM.
Call out sa DBM at Quimbo at iba pang sponsors at lahat ng nag-approve ng panukala.
Clap! Clap! Clap!
Winner talaga kayo sa pakikipag-kompromiso at sipsipan sa dominanteng political elite.
Speaking of electoral agenda.
Hinigitan at natapyasan ng singit na budget ang mga pondo na dapat sana ay para sa wage subsidies, allowance ng teachers at pondo para sa agri-fisheries.
Esep esep din pag may time.
Krisis na, uunahin nyo pa ang mga kapritso ng DBM, Duterte at minions? E, hahabulin nga sila ng patong-patong na kaso pagtapos ng terminong ito.
Mga wala kayong malasakit sa madlang pipol na masasagasaan ng mga kalokohan ninyo – gutom na, iniinsulto at sinasamantala pa ninyo.
Spell political opportunism.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]