Bloggers at journalists

NAGIGING staple chismax na ng mga Marites ang papalit na PCOO Secretary Trixie Angeles at initial plans niya na mag-accredit ng bloggers sa Palasyo.

Kaya nagpi-pyesta na ang mga blogger sa levelled-up nilang papapelin sa lipunan na ibibigay ng papalit na administrasyon.

May 11 unang lumutang sa media ang blogger accreditation nang sagutin ng spokesman at papasok na executive secretary ni Marcos Jr na si Atty. Vic Rodriguez ang tanong ng isang journalist, kung ia-accredit ba ng incoming administration ang bloggers.

“If that’s the set-up now, I don’t see any reason bakit natin dapat baguhin (why we should change it),” sagot ni Rodriguez.

Hirit pa ni Rodriguez, “Maybe we should also consider the vloggers kasi nga nag-transition na din tayo (we’ve seen the transformation) from the media that we use to know, nag-shift na into (it has shifted into the) digital platform.”

Read: https://mb.com.ph/2022/05/11/marcos-administration-to-be-vlogger-friendly/?amp

June 1, ibinida ng papalit na kalihim ng PCOO na si Trixie Angeles, na isa ring blogger, ang accreditation ng mga kagaya niya na gustong mag-cover ng Malacañang press briefings.

June 5, na-push pa lalo ang blogger accreditation nang sabihin ni Marcos Jr sa YouTube video na magpapatuloy siya sa vlogging.

“Every so often, we will explain our activities so that you don’t just get your news about us from newspapers but also from the horse’s mouth,” dagdag pa ni Marcos Jr.

June 9, parang director’s cue ang sinabi ni Marcos Jr, sinundan ito ni Angeles ng paliwanag na gagawin nilang basehan ang number of followers at engagements bago ma-accredit ang bloggers.

Read: https://news.abs-cbn.com/amp/video/news/06/09/22/followers-engagements-eyed-as-metric-in-accrediting-bloggers-angeles

Without meaning to sa iilang matitinong bloggers na nag-o-observe ng ethical practice, ang blogging sa Pilipinas ay hanapbuhay – tutok sa entertainment, mga ganap o events at promotion ng products, services, companies at politicians.

Pahapyaw sa kasaysayan

Paniwala ng mga eksperto, 1994 unang nagkaron ng blog na ginawa ng estudyanteng si Justin Hall. Personal posts parang diary pero hindi pa blog ang tawag.

Online Diaries” o “Personal Pages” ang tawag noon sw blog.

In 1997 nang binuo ni Jorn Barger ng maimpluwensyang blog na Robot Wisdom, ang salitang “weblog” hanggang pinasimple ito bilang blog.

Programmers ang karaniwang nagki-create ng blogs at technical ang content.

Nung 1998 si Jonathan Dube ang unang journalist na nag-blog ng isang event – ang Hurricane Bonnie para sa Charlotte Observer.

Noong 2003 nang unang nagkaroon ng blogging services ang TypePad at ang WordPress.

TypePad ang isang commercial blogging platform na host sa multimedia platform tulad ng BBC.

WordPress naman ang open-source platform na ginagamit ng marami kong kakilalang bloggers.

Pero alam nyo ba mismong ang White House ay nagbigay ng kauna-unahang press pass sa kasaysayan noong 2005 sa isang blogger na si Garrett Graff.

Noong 2005 din nang ipinanganak ang Huffington Post na nag-angat sa blogging sa level ng pulitika at ginawang legit ang blogging bilang media source.

Hanggang ginawa ang YouTube noon ding 2005 at nabigyan pa ng platform at na-boost ang blogging.

Read: https://themeisle.com/blog/history-of-blogging/

Ang record para sa una at pinakamatandang blog sa Pilipinas ay hawak ni Lauren Dado na 10-anyos nang ilabas noong December 1996 ang kanyang online journal: (http://www.worldkids.net/kids/lauren/journal).
Read: https://www.yugatech.com/tracing-back-the-philippines-blogging-history/?amp=1

UPDATED March 29th, 2014

Noong March 2008, sa pag-aaral ng Wave.3 Social Media Tracker, may 2.3 million bloggers sa Pilipinas.

Ayon pa sa study, meron namang 184 million bloggers sa buong mundo, pinakamarami sa China: 42 million bloggers noon ding 2008.

Read: https://news.abs-cbn.com/special-report/05/13/08/study-philippines-has-23-million-bloggers

Samantala, ang journalism o pagbabalita naman ay maaaring nagsimula o nadiskubre ng mga scholar sa China noong 202 BC – ang Qipao – palace reports o imperial bulletins.

Read: https://blog.flipsnack.com/history-of-newspapers/amp

Ang Ancient Romans naman ay nagpakalat ng balita noon namang 59 B.C.

Nakarecord ang balita sa isang circular na tinawag na Acta Diurna, parang daily gazette, pinaka-sinaunang pahayagan.

Nakaukit sa bato o metal na nasa message boards sa public placrs tulad ng Forum of Rome.

Ang Daily Courant naman ang unang daily newspaper para sa mga publiko na inilabas noong 1702.

Read: https://www.universalclass.com/articles/writing/journalism-a-brief-history.htm#:~:text=It%20is%20not%20a%20recent,who%20were%20able%20to%20read.

Pagsusuri

Lightyears ang agwat ng journalism at blogging, pakikwenta na lang pero siglo-siglo yan.

Pag itinuloy ang pagsama sa bloggers sa press briefings ng Malacañang, first time ito sa kasaysayan.

May effort sa panahon ni PNoy at itinuloy ni PDuts pero wala namang nag-blog – siguro dahil sa matinding batikos o hindi pa ready ang bloggers.

Ang blogger accreditation na ipupush nina Marcos Jr ay pagkilala sa malaking tulong nila sa nagdaang eleksyon. Bayad utang.

Consolidation ito ng bloggers na loyalist ng Marcoses at inaasahang magbibida at magtatanggol sa Marcoses at mga ganap nila pag sila ay batikusin ng legit media.

Pero batay na rin sa kasaysayan, kung ang pamamahayag o journalism ay iniluwal ng pangangailangan ng kaharian at gobyerno na ibalita ang mga patakaran, hakbang at ginagawan nila para sa tao, ang blogging ay ipinanganak ng modern technology – internet, gadgets at personal na pangangailangan.

Kung hanggang sa kasalukuyan ang platform ng pagbabalita at impormasyon ay dyaryo, radyo at tv, ngayon – may digital na, may social media na.

Mahigit 20 centuries nang napatunayan ang pagsisilbi ng news media sa pagsulong ng sangkatauhan, habang ang blogging ay may 28 years pa lang.

Hanggang naging seryosong disiplina ang journalism sa akademya, career sa ilan at vocation o calling naman sa mas marami.

Maski nagtapos ng kurso sa journalism at communication arts o research, tuloy-tuloy ang pagsasanay ng mga mamamahayag lalo na yung hindi nakatapos ng related courses pero willing matuto at naninindigan sa katotohanan.

Ang journalism ay nakapaghubog ng attitude o behavior sa tama at makataong pangangalap ng balita at impormasyon, hanggang sa aktwal na pagbabalita. Yan ang Journalists’ Code of Ethics na WALA ang bloggers.

Pinoproseso ang balita – dino-double at triple check ang mga datos at impormasyon at may ilang layers ng pananagutan o accountability.

Lahat yan – kasaysayan, pagsasanay, accountability, news processing, code of ethics – ay nagpatibay at nagpatunay sa pamamahayag bilang foundation ng demokrasya.

Katunayan, malaki ang pagpapahalaga rito ng mga bansa at iniukit pa sa mga constitution ang pagtataguyod at proteksyon ng press freedom at free expression.

Higit sa lahat, praktisado ang mga journalist sa paglulugar ng mga balita sa tamang context – kasaysayan nito, at mga kondisyon na umiiral.

Kasama rin sa konteksto ang epekto nito sa mga tao at araw-araw na pagdedesisyon.

Naipaliliwanag din ang balita sa katayuan ng mga apektadong sektor dahil nagpepresenta ito ng kanilang perspective sa mga isyu.

Halimbawa, pag sinabing naghihirap ang mga tao dahil sa mga ipinapataw na buwis, nilalagyan ito ng mukha ng mga mamamahayag.

Ibig sabihin nag-iinterview sila ng mahihirap at ipinapakita kung paano sila nagdurusa dahil sa problemadong sistema ng buwis.

Ayaw ng mga Marcos ng historical context sa pagbabalita dahil magpapabalik-balik sa alaala ng mga tao lalo na ng mga millennial o genZ, ang mga karumal-dumal na krimen nila sa sambayanang Pilipino – pagnanakaw, human rights violations, crony capitalism, etc.

Kadalasan ang bloggers/ vloggers ay walang context sa pagsusulat o pagbi-video at yan ang gustong mangyari ng mga Marcos.

Kung meron mang blogger na nagko-contextualize, sila ang exceptions to the rule.

Ang nakapangingilabot nyan, pag nanaig ang bloggers na walang context sa pagkukwento at nagkakalat ng mali-maling impormasyon at fake news, ang magiging mentalidad ng mga tao ay makikitid at mababaw.

Hindi na magiging mapanuri, at dadami ang mangmang at magiging sunud-sunuran.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]