MAY mungkahi si dating Department of Agriculture Secretary at tumatakbo sa pagka-senador Manny Piñol na muling bisitahin ang bio-diesel program ng pamahalaan, ang Biofuels Act of 2006 (Republic Act 9367) na isinabatas noong Marso 2010 ng administrasyong Gloria Macapagal-Arroyo.
Layunin ng batas ang unti-unting pagbitaw ng bansa na umasa sa inaangkat na krudo.
Ayon sa mga letra ng batas, layunin ng RA 9367, “to reduce the country’s dependence on imported fuels with due regard to the protection of public health, the environment and the natural ecosystems consistent with the country’s sustainable economic growth.”
Ano ang nangyari sa batas na ito? For some reason, hindi ito lubusang na-implement dahil sa malawakang pagharang ng maraming sector at organisasyon. Tingnan natin kung bakit.
Sa pag-aaral ng Food and Agriculture Organization (FAO), modest or maliit lamang ang impact ng biodiesel sa seguridad sa enerhiya.
Kahit totoong may ambag ang biodiesel bilang dagdag-pagkukunan ng suplay ng langis, may naitala ring mga downside nito gaya ng inaasahang pabago-bagong epekto sa climate change. Subalit ang pinakamatindi ay sisirain nito ang kalusugan ng mga lupain na magreresulta sa mababang agricultural output. Malaking banta ito sa pambansang seguridad sa pagkain.
Bakit hindi unahin ang kasiguraduhan ng pagkaing ihahain sa mesa sa pamamagitan ng pamumuhunan sa agrikultura at rural development support sa magsasaka in terms of seeds, irrigation technology, at infrastructure?
Bakit nga ba biofuel production ang nakikitang solusyon sa mataas na presyo ng krudo? Mabubusog nga natin ang mga kotse at mapapababa ang presyo (sadly, in modest terms lang) ng krudo pero at the expense of the people? Malalagay sa alanganin ang food security dahil businesses will scramble to buy big hectares of agricultural lands para inconvert na taniman ng tubo, mais, palm trees at iba pang sources ng biofuel.
Kung susuriin, ang totoong makikinabang sa programang ito ay car companies at oil companies.
I remember having covered LTO and QC public institutions noong nasa Manila Times pa ako at sa isang huntahan with an LTO official sinabi niya walang pag-asa na masolved ang congestion sa trapiko. In fact, aniya, dadating ang araw na magiging malaking parking lot ang metropolis area as in wala nang galawan sa trapiko.
Looking back, nagkakatotoo na ang projection niya hindi ba? Kahit ilan pang imprastruktura ang itayo upang maibsan ang trapik, kahit lagyan ng metrorail maging mga pinakamalalayong lugar, mahihirapan maibsan ang trapiko dahil hindi naman sabayang nireregulate ang pagbili ng kotse. Walang moratorium to stop anyone from buying basta may pambili. Isang pamilya ay isa hanggang tatlo, minsan ay lima pa nga ang pagmamay-aring sasakyan.
At dahil best of friends ang mga car companies with oil companies, same goals sila and one cannot exist without the other. Kaya kapit-bisig sila sa kanilang profit-driven enterprise. The more cars running, the higher demand for crude oil.
As to impact on the environment, oo mas malinis ang biodiesel using sugarcane, sugar beets, potato skins, tree barks, sorghum at barley kesa pure gasoline at diesel. Ito yung byproduct na tinatawag na ethanol. Sa pag-aaral, non- toxic daw ito at biodegradable at hindi talagang mapanganib kung tamang proseso ang handling at storage nito.
Subalit ang paniwala ng ibang environmental agriculturists, ang lupa, gaya ng tao, ay hindi dapat nasasagad dahil nauubusan din ito ng sustansiya. Mas nararapat na ito ay napapataba upang maasahan ang malaking production yield. Over-production of produce to be used for biofuel crops will exacerbate the health of the soil.
Ang suhestiyon: ang mga resources, nutrients at energy used in growing biofuel crops should be used to grow food crops instead.
After all, mas kailangan ng taong kumain kesa ng kotse. Mas mabuti nga na mabawasan ang paggamit ng mga sasakyan upang maging malinaw at kulay asul ang ating mga kalangitan. May epekto rin sa kalusugan ng bawat isa.
Walang argumento sa isyu na kailangang tiyakin ang istabilidad ng presyo ng gasoline. Anumang salik na binabanggit na siyang tinukoy na ugat ng pagtaas ng presyo ng gasoline gaya ng giyera at nagbunsod ng kakulangan o naipit na suplay ay mga ay contributory factors lamang at hindi tunay na sanhi ng problema.
Ang problema ay laging nakabatay sa makatuwirang polisiya ng gobyerno. Polisiyang balanse sa interes ng kapitalista vis-à-vis consumers’s welfare.
Maaaring isalang uli sa diskusyon ang pag-tap ng biofuel sources, subalit hindi dapat isaalang-alang ang food production. Hindi lubusang mararamdaman ang anumang pagbabago sa presyo ng gasoline kung sa isang banda ay masasakripisyo ang para sa sikmura.
Mas nakikita kong magandang alternatibo ang car selling moratorium dahil liliit ang magiging demand ng bansa sa imported crude. It will hurt the oil companies, oo; pero mas maliit ang impact nito sa kanilang tubo, kesa sa sector ng agriculture na noon pa man ay kulang sa pansin ng gobyerno.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]