Kakaunti lang ang nakakaalam pero isang panukalang batas ang inihain sa Kamara kamakailan para bigyan ng nationwide franchise ang isang radio-bagong tv-satellite broadcasting network.
Interesado ang may-ari nito na makipagsabayan sa mga malalaking broadcast network sa bansa.
Maging ang kongresista na author ng panukala ay ayaw magbigay ng kopya ng kanyang bill para sa nasabing broadcast franchise.
Tutal ay naipasa na raw iyun sa committee on legislative franchise ng Kamara.
Kung sakaling mabibigyan ng prangkisa ay gusto ng big boss ng kumpanya na mag-bid para sa radio at tv frequencies na binakante ng ABS-CBN.
Hindi problema ang pera para pondohan ang proyektong ito ayon sa aking spotter lalo’t isa sa pinakamayamang Pinoy ang may-ari nito.
Sa kasalukuyan ay operational na rin sa ilang mga lalawigan ang mga cable
companies na pagmamay-ari rin ng negosyanteng ito na nauna nang nabigyan ng prangkisa para sa third telco na kalaunan ay hindi rin niya itinuloy.
Imbes na makipagsabayan sa mga telco ay ginamit niya ang prangkisa para sa cable system sa ilang lalawigan ayon sa aking spotter.
Dahil sa mga development na ito, sinabi ng aking cricket na malayo na sa radar ng bilyonaryong ito na asintahin pa ang pwesto sa Malacanang.
Kailangan pa ba ng clue?
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]