Bente sa bigas

BUMA-VIRAL pa rin ang sinabi ni Ferdinand Marcos Jr na – “aspiration “ niya na pababain sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas kaya nakipag-usap siya sa rice traders.

Sa interview kay Marcos Jr. noong May 26, nag-aalala lang daw siya na liliit ang kita ng magsasaka kapag itinuloy yan.

Paniwala niya makatutulong ang industrial farming para mahikayat ang mga kabataan na magtrabaho sa bukid at lumaki ang ani.

Read: https://ph.news.yahoo.com/marcos-wants-to-slash-rice-prices-to-20-pesos-per-kilo-072729000.html

Ganyan ang pinupunto ni acting Secretary Bernie Cruz ng Department of Agrarian Reform nitong June 6 sa report ng Inquirer.

Pwede naman daw ma-achieve yan sa first quarter ng 2023 sa kanilang mega farm project na proposal na binanggit na niya nung isang taon pagkaupo sa pwesto.

Paliwanag ni DAR Usec David Erro ang mega farm ay paggamit ng mga makina sa pagsasaka o mechanized farming para masiguro ang food security at sapat na kita ng magsasaka.

“ito na nga ‘yung (this is the) PBBM — Programang Benteng Bigas para sa Mamamayan. Ang prototype namin po rito ay 150,000 hectares na lupaing palayan (Our prototype here is 150,000 hectares of rice lands),” dagdag ni Erro.

Makakaani raw ng fully 23 million sacks ng bigas sa 150K hectares na yan at mapapakain ang siyam na milyong Pinoy sa P20/kilo.

Read: https://newsinfo.inquirer.net/1607004/p20-per-kilo-of-rice-may-be-seen-by-early-2023-dar/amp

Ilang dekada na ring kontrolado ng National Food Authority (NFA) ang importation at presyuhan ng bigas sa bansa.

Ang nangyari, tumaas ang presyo ng bigas, sinasalo ng gobyerno ang lugi ng NFA at hirap pa rin ang magsasaka.

Hanggang tumindi ito nang nagkaron ng rice shortage noong 2018 at nagtulak sa two-digit inflation o pagtaas sa presyo ng bilihin.

Nagbunsod ito ng pagpasa ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) nung February 2019.

Paniwala ng Asia Foundation, winakasan ng RTL ang rice monopoly ng NFA, inalis ang limitasyon sa pag-angkat ng bigas at pinalitan ng 35% taripa o buwis sa imported rice. Dumami ang rice supply at napababa ang rice prices.

Para maiwasan ang pinangangambahang pagbaba ng kita ng magsasaka, naglaan ng P10 billion per year ang RTL sa pamamagitan ng Ricr Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Kinukuha ito sa kita sa buwis o rice import tariffs para sa mechanization ng agrikultura, seed distribution, credit assistance, technical education at skills development ng magsasaka, lahat yan para mas maging productive ang rice industry.

Read: https://asiafoundation.org/2021/04/14/fighting-the-good-fight-the-case-of-the-philippine-rice-sector/

Tama naman at bumaba ang presyo ng bigas pero talo pa rin ang magsasaka.

Sa research ng Ibon Foundation, nasa P20.06 ang farmgate price o bentahan ng ani ng magsasaka kada kilo ng bigas bago magkaron ng RTL.

Sa ilalim ng RTL, tama na tumaas ang palay production ng 894, 976 metric tons, o kabuuang 19.96 million metric tons.

Pero mula P385 bilyon noong 2018, bumaba ang halaga nito sa P333 bilyon noong 2021.

Kung napanatili sa P20.06 ang farmgate prices, tinataya ng Ibon Foundation na aabot sana ng P400 bilyon ang halaga nito sa loob ng tatlong taon.

Ibig sabihin, nalugi ng P67. 6 bilyon sa production value o nawalan ng katumbas na P32, 206 na kinita ang magsasaka.

Read: https://www.ibon.org/rice-tariffication-harmed-rice-farmers/

Fast forward nitong February 2022, ang farm gate price o bentahan ng aning palay ng magsasaka ay P17.72 per kilo. So bumaba kahit pa tumaas ito kumpara last year.

Ayon mismo yan sa Philippine Statistics Authority sa ini-release nilang data nung April 13, 2022.

Read: https://psa.gov.ph/farmgate-prices-palay#:~:text=Updates%20on%20Farmgate%20Prices%20of%20Palay%20(dry)%20February%202022&text=At%20the%20national%20level%2C%20the,kilogram%20in%20the%20previous%20month.

Totoo ang kondisyon na kung sino pa ang nagtatanim ng palay, sila pa ang walang makain.

Sa target nina Bernie ng DAR na mapababa ang presyo ng bigas by first quarter ng 2023, take note na kailangan fully mechanized ang milyon milyong palayan.

Una.

Kasama sa P10B assistance sa magsasaka ang mechanized farming, ano ang nangyari?

Pangalawa.

Mula July hanggang December 2022, first six months ng papalit na administration, hindi naman mapu-fully mechanized ang mga palayan.

At pangatlo>

Babaan ang production cost para bumaba ang presyo ng bigas. Punto naman yan ni Agriculture Secretary William Dar sa sinabi niya nitong Miyerkoles, June 8.

Dagdag pa ni Sec. Dar, “Nagtataka ako na kaya nila agad… Ako the only way to have that ay i-subsidize mo. Bilhin mo ang rice at ibenta mo ng P20. Kung kaya nila ay it will take a lot of money.”

Pagsang-ayon ito sa pagsusuri ng Ibon Foundation na best panatilihin sa P20.06 ang farmgate price ng palay.

Merong kabuuang budget na P5.024 trillion para Fiscal Year (FY) 2022 General Appropriations Act (GAA).

Pero wala sa Top 10 departments na may matataas na budget ang Department of Agrarian Reform.

Na-mention din yan ni Bernie sa interview sa DZBB kahapon, – na maliit ang budget nila.

Mas binigyan pa ng pondo ang Department of National Defense na panlima sa departmento na may highest budget.

Eniweis, isang legacy ni Duterte yan.

Mas priority pa ang bala na mapamuksa – pag napaputok na, naglahong usok ng pulbura.

Hindi tulad ng palay, produktibo – may panggastos na ang magsasaka, mapapakain at mapalalakas pa nito ang mga tao.

Read: https://www.dbm.gov.ph/index.php/secretary-s-corner/press-releases/list-of-press-releases/2036-recovery-growth-and-sustainability-highlighted-in-the-signed-fy-2022-national-budget

Ano naman ang sabi ng magsasaka?

Sa press briefing na ginawa ng Pambansang Kilusan Ng mga Samahang Magsasaka (Pakisama) at Sumilao farmers sa Ateneo de Manila nun pang April 30, 2022, nagbabala sila kapag ipatupad ang plano: maapektuhan ang kinabukasan ng farming sector at food security ng bansa.

“Sa ngayon po ang presyo ng palay samin ay P12 at ang bigas ang pinakamababa ay P42. Ibig sabihin, pag ginawa nilang P20 baka ang bili na lang sa farm gate ay P6… mahal pa po yun sa sigarilyo kesa sa isang kilong bigas. Ganun ang epekto sa amin,” himutok ni Rene Cerilla, Pakisama legal and policy advocacy office.

Read: https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/830208/farmers-group-balk-at-marcos-jr-promise-of-p20-per-kilo-rice/story/?amp

Limitado na ang panahon ni Bernie para sa mangyari ang “aspiration” ni Marcos Jr.

Inappoint siya ni Duterte na acting DAR Secretary nung October 2021 para tapusin ang natitirang term ni Sec. John Rualo Castriciones na tumakbong senador nitong nagdaang eleksyon.

Pero bago yan, undersecretary siya sa foreign assisted and special projects ng DAR.

Nakasama din natin si Bernie sa laban vs Marcos dictatorship ilang taon bago napatalsik ng People Power ang Marcoses: may prinsipyo, determinado, madiskarte, makulit at masayang kasama.

Kelan ko lang nalaman na inappoint ni Duterte.

Well and good na may aspiration ang Marcos Jr. na mapababa ang presyo, pero ayaw naman masakripisyo ang income ng mahihirap na magsasaka.

Okay lang mag-aspire pero dapat inaral muna – realistic ba, doable ba? Para hindi nami-meme. Lol!

Yan din ang pananaw ni DA Sec. William Dar- planuhin paano ma-achieve.

Otherwise, pr move, papogi lang niya yarn.

Wag natin paasahin ang mga magsasaka.

Sa latest SWS Survey, 3.1 million families o 12.2 million Pinoy, ang nagsabing nakaranas sila ng gutom ngayong first quarter ng taon.

Kasabay nito ang pagtaas ng inflation o percentage ng bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, may 26.14 milyong mahihirap na Pilipino sa unang kalahati ng 2021.

Hindi biro ang dami ng nagugutom.

Hindi dapat gawing papogi ang pangakong pagpapababa sa presyo ng bigas at paasahin hanggang magkandamatay sila sa gutom.

Hindi kailangan ng math para sabihing ridiculous o suntok sa buwan ang P20 kada kilo bigas.

Bumaba pa nga ang kita ng magsasaka, tumataas ang presyo ng mga bilihin, maliit ang budget ng DAR, hindi mapu-fully mechanized ng ahensya ang mga palayan sa loob ng first six months: kaya – paano mapababa ang presyo ng bigas kahit by early 2023?

Ilang daan taon nang nagtatanim ang magsasaka, hanggang ngayon magsasaka pa rin.

Sobra na silang exploited.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]